Balisa
di mapakali
irritable?
magulo ang isipan...
maraming pop-up windows
may tinatago
maya-maya... parang wala lang!
babalik
di makatulog
gigising ng maaga!
magulo ang isipan
ewan!
yan ang habit ng isang taong may tinatagong problema at ayaw ilabas para daw di mahalatang problemado siya. masakit sa ulo! minsan, gusto mong magbreakdown pero di mo magawa dahil iisipin mo nga naman, ayokong mabuang dahil sa sandamakmak na problema na nararanasan mo.
di ako makatulog kagabi sa karamdamang di ko rin maintindihan. Una, i miss my mom and my brother. sanay na akong nasa malayo sila dahil sa inarte ko na rin na gustong maging independent at ganun na nga. Ikalawa, I miss my old friends. Alam mo yung feeling na you're really transparent with them na walang keme at kahit kailan, di ka makakaramdam na binabalewala ka nila kahit na hayup ang mga pag-uugali nila. nakakamiss yung mga moments na batuhan ng punchlines, sadistahan at higit sa lahat... mga kuwentong drawing at imbento na di mo na alam kung ano ang totoo sa hindi. ikatlo, sumagi lang sa isip ko na kamusta na kaya si tooot... Bes, may balita ka ba sa kanya? kung wala eh ok lang... just missin the old days.
kung puwede lang talaga balikan ang nakaraan, matagal ko ng ginawa. Minsan, sa sobrang kapabayaan, kagagahan, katarataduhan... gusto kong balikan lahat ng pagkakamaling nagawa ko. una na dun ang pag-alis ko ng Maynila. Halos lahat, nagtataka kung bakit gusto kong mabuhay sa isang lugar na hindi naman malayo sa sibilisasyon pero yung maraming puno, malinis ang hangin kaysa sa isang mundo na nakagisnan ko na at punong-puno ng oportunidad na angkop sa mga oportunista at ambisyosang katulad ko. Sana, kung nasa Maynila pa'ko, matatapos ko ang college degree tsa apat na taon lang at di na aabot ng anim na taon (extended pa ng isang taon) na feel ko, nagmamasteral na 'ko.
kung pagsisisi nalang ang pag-uusapan, sana, naging girl nalang ako o kaya naging straight na lalaki. ang sarap sanang magmagic na instant girl o kaya boy nalang ako. nakakapagod na kasing maging bakla sa totoo lang. Sinusubukan ka kung gaano ka katatag sa isang society... as a statement sa TN na madalas kong naririnig sa mga lalaking staff... ANG HIRAP!
pero eto na at wala na 'kong magagawa. I have to deal with it. iniisip ko nalang na kaya ka nasasaktan para matuto ka at malaman mo ang lahat ng iyong pagkakamali. kaya may conflict dahil ito ang sukatan kung gaano ka ka-attached sa mga taong mahal mo. kaya ka nagsisisi para malaman mo kung ano ang mga bagay na importante at kung ano ang keme.
ang buhay ay isang gyera. bago ang labanang duguan, siyempre, handa ka at marami kang sandata at armas na dala. susugod ka at makikipagbakbakan. unti-unting magagamit lahat at mamaya, mapapansin mo na gagamit ka nalang ng kutsilyo para puksain ang mga natititirang kalaban. nasaksak mo na ang kutsilyo at mamaya, matatakot ka,magdadalawang-isip dahil wala ka ng sandatang natitira. wala kang magagawa kundi lumaban gamit ang iyong kamao at nasasayo na iyon kung papatalo ka ba o hindi...
gets mo?
hello?
ReplyDeletesino to?
asan ka na?
ala eh, bili na kayong bolpen...
may bolpen nga kau di naman tumitinta...
aw?
la ra...
ang masasabi ko lang,
kaya mong lumaban Bei dahil malaki naman daw ang iyong sandata... :p