PS: on the process ang aking header... ayaw niya kasing gumalaw! kainis!
Minsan, nakakairita na at nakakapuno!
Pinalaki yata ako ng nanay ko na magaling talaga pumunchline ng mga joes at kalog kung tutuusin. Lumaki ako sa mundong maharot at puno ng halakhak. Di rin naman maiwasan na nasasaktan din naman ako pero kung magcacalculate ka ng happenings sa buhay ko within 24 hours, lahat yun ay puro katatawanan o di kaya, punoong-puno ng jokes.
Ano ba talaga ang meaning ng isang joke? Ito ay kadalasang nangyayari para hindi “lull” ang life. Maaari kang tumawa ng nakatihaya o kaya naman, R.O.F.L.O.L o rolling on the floor, laughing out loud. Madalas, ito ay ang pagbabanggit ng mga salita o kaya naman pangungusap na nakakatawa sa pandinig ng tao at ayon na rin kay mareng Webster, to be merry with words or actions (talagang sumaklolo sa dictionary).
Pano mo ba malalaman kung ang joke ay isang laughing stock at di nakakadegrade ng pagkatao? Ito ay depende sa banat o punchline na sasabihin ng isang tao. Kahit ako, may mga pagkakataon na di ko na rin madistinguish kung ito ay maituturing joke at hindi panlalait. Minsan, may mga nasasabi ako na akala ng iba, true.. pero sa pananaw ko naman, ito ay isang malaking joke. Minsan, may mga nabibitawan akong salita na akala ng iba ay isang joke pero para naman sa’kin, ito ay isang napakalaking true! Ironic di ba?
Kalog din naman ako pero may mga pagkakataon na nakakairita na ang mga jokes na ibang tao. Ok lang naman sana kung yung joke nila ay di nakakabalahura ng pagkatao at nasasabayan ko pa, pero may mga pagkakataon talaga na sabihin na nating below the belt. Alam mo yung feeling na niyuyurakan na nila yung pagkatao mo by means of joke para hindi ganun kalakas yung impact? Alam mo yung feeling na tumatawa ang lahat at plastikan nalang na tumatawa ka pero deep inside, feeling mo, sinusunog ka sa isang napakalaking kawali? Ganun ang feeling di ba?
May nagsabi na sa’kin na kapag nahalo ka sa isang grupo na puro killer sa pagjokoke, dapat marunong kang makisabay sa agos at trip nila. Marunong ka ring pumatay ng tao gamit ang joke at dapat, hindi ka balat-sibuyas. Dumarating talaga sa punto na napupuno ka at gustuhin mo mang magalit at maimbyerna, hindi mo magawa dahil iisipin nila na ikaw ay isang malaking LOOSER. Iisipin nila na napakababaw mo naman para magalit at iisipin nila na hindi ka marunong makisalamuha sa mundo na puro joke. May magsabi na rin sa’kin na gamit ang pagjojoke, it’s a matter of paglalambing at importante ka para sa kanila kaya napaisip nalang din ako na kaya pala sa araw-araw na ginawa ng diyos ako ang target nilang kutyain.
Tao din naman ako na nasasaktan. Tao din naman ako na may damdamin. Sorry kung may panahon na hindi ako perpektong tao gaya ng iba. Yung matalino, sobrang ganda, yung hindi animal yung itsura. Basta.. hirap iexplain! Normal na siguro sa’kin nagseself pity ako. Hindi sa pagiging madrama pero minsan talaga, nakakadegrade na…
I have learned that I should be careful with my words and limit my jokes. I have learned that not all people have the same understanding and personality like mine. It’s so hard for me to adjust with boys and girls. There are things that they don’t understand the lifestyle and minds of gays like me. Sometimes, you are the centre of attraction and distraction for them, moreover, our gender is different and it’s a common ground for the guys and girls to make fun at us. Jokes are said to be funny and nonsense. Sometimes, it has wit and most of all, it’s half meant to be true.
I want to give up but my soul told me to stop thinking about it. It’s just a crap! I am not that intelligent but I am witty. I am worst in writing and speaking the English language but I know how to use it in a serious manner. I am not that pretty in the eyes of the public, others saying that I am a horse but I’m trying my very best to look good in the public. I am a gay, a transvestite type and I have this courage to face all the burdens and criticisms that you throw at me.
Sometimes, it’s really exhausting to hear this things. Nakakatoxic talaga!
No comments:
Post a Comment