happy ako dahil sa mga happenings ngayong weekends. happy ako dahil alam ko na marami palang tao na nagmamahal sa'kin kahit nagcecelebrate ako ng single awareneness month. happy ako dahil hindi ako desperada na magkaroon ng love interest habang patuloy ang pagcecelebrate ng Valentines day ang iba samantalang ako, loveless daw at looking for someone (hindi naman, mas gugustuhin ko pang makipag-one-night-stand!)
Ayokong manghimasok sa paghihimutok ng iba with regards sa pag-ibig nila na hindi naman mangyayari... in short, pawang ilusyon lang ang lahat. Ayoko ring mag-comment sa mga kacheapang photoshop pics at comments dahil marunong naman akong rumespeto ng opinyon ng iba. ang akin lang naman... ayokong ma-streotype ako sa mga pinanggagawa ng ibang bakla na patuloy ang panliligaw ng mga salitang blok blok blok gamit ang pinakamakapangyarihan at THREAT sa buhay ko na social web... ang FB!
Punto: usong uso ang pagcocomment sa mga pics na sabihin nating pasabog at life threatening talaga sa FB. ok lang naman yun. pero kung paninira na at nakakagimbal na ang mga comments to the point na nakakabalahura na sa paningin ng iba, IBANG USAPAN NA TO!
OK lang naman na maglagay ng mga pics sa FB na sabihin na nating joke joke joke sa mga taong hindi nakikisawsaw sa mga happenings na exclusive lang sa grupo at ok lang naman sa mga nakakarelate nito. pero kung ibang tao na ang nakikialam at nagcocomment sa mga nasabing pics, to the point na hindi naman kayo ganun kaclose... again, ibang usapan na to.
Ok lang magpahiwatig ng pagmamahal mo sa isang tao at humahanga ako sa mga taong ito. Pero kung nakakabuwisit na ang pagpapahiwatig ng pagmamahal sa isang tao, parang stalker na nga o kaya naman desperada na ang labas... ibang usapan na rin ito.
Opinyon: hindi lahat ng tao sa FB ay may sensitivity na tinatawag o kaya naman, open-minded. hindi natin maiiwasan na may mga taong iba ang takbo ng utak at iba ang magiging interpretasyon sa kanila. ayoko ng mag-impose ng salitang respeto dahil pagod na pagod na akong isigaw ang salitang ito sa buong mundo.
may mga tao talgang OA mag-react at naiintindihan ko naman ito dahil OA din ako... actually, drama queen pa nga. pero kung mag-inOA naman ang trip ko, sinisigurado ko na hindi ito malalaman ng buong mundo at isisiwalat ko pa ang pagmamamhal ko sa isang taong mahal na mahal mo na nga dahil alam ko ang katotohanang ako ay isang bakla at hindi ako girl biologically. Wala tayo sa mundo ng pelikula at hindi lahat ng panahon, KIMERALD ang drama. sometimes, these kilig factors to those persons saying it, nakakapiss-off at nakakawala na ng respeto sa sarili. Alam mo yung feeling na deaththreat ka na sa life nung taong yun at natrau2xma na siya sa mga bading. Ok lang sana kung maganda kang nilikha ng maykapal yung babae ang projection mo pero kung bading ka na pinagduduldulan mo ang sarili mo sa isang lalaki, at any moment, magugustuhan ka niya tapos yung image mo naman eh mas mukha ka pang basagulero sa kanya at nakakabasag ka ng hollowblocks, ano to? frog princess ang drama?
ayokong manglait ng tao, siguro, alam ko rin naman kung saan ako lulugar pagdating sa ganitong sitwasyon. hindi rin naman ako kagandahan pero Im trying my best to be beautiful physically at alam ko rin na naappreciate yun ng mga tao sa paligid ko (may ganu'ng segway) at alam ko rin ang batas ng tao at nature. hindi lahat ng pag-ibig ng mga bading ay isang faity tales... wag maniwala sa ganun. hindi lahat ng pag-ibig ng mga bading ay happy ending! gumising ka sa katotohanan na hindi lahat ng pag-ibig ay makukuha lamang sa salapi at ganda. mare... kung magmamahal tayo, mas mabuti nalang ang masaktan at tanggapin ang tunay na katotohanan at wag ng umasa na ikaw si Barbie na may Ken sa buhay mo. makuntento ka nalang sa tingin at sulyap ng mga lalaking gusto mo at managinip nalang ng gising, wag isiksik sa kukote mo na balang araw, magiging sayo siya at happy ending ang drama. hindi ito Showtime at kung palabas ng pag-iibigan ninyo ang dramang gusto mong mangyari... asahan mo talaga na may babatikos, manglalait at mawawalan ng respeto sa pinanggagagawa mo.
hindi ako nagpapasipsip o kaya naman pinagtatangol ang isang tao dahil may lihim akong pagnanasa sa kanya (pagnanasa talaga ang term). ang akin lang naman, hindi naman talaga maganda ang ganitong mga pangyayari sa buhay ng taong ito lalong-lalo na sa FB ang buwelta sa kanya. isipin nalang natin na may posisyon siyang pinanghahawakan sa isang institusyon at dito papasok ang respeto na kailangan niya para sabihing isa siyang mabuting lider. kahit naman papano, kaibigan at kapatid ang turing ko sa taong ito at hindi rin naman siguro ako makakapayag na isang bakla o higit pa ang gigimbal sa buhay niya dahil ayoko rin namang masterotype ako na ganun din ako sa pananaw niya.
minsan ko ng pinagsabihan ang baklang involved dito sa isyung ito pero hindi sa lahat ng bagay, nakikinig at pinapasok sa utak niya ang moral na gusto mong ipahiwatig. naiintindihan ko rin naman ang ganitong emosyon dahil ako rin ay isang bading. sabihin na nating ilusyonada at ambisyosa lahat ng mga bakla pero may may pagkakataon na ito ay kalabisan na at hindi na maganda sa iba.
Violent Reactivities: Tama na ang ganitong gimik. mas mabuti pang paslangin ang mga baklang ito! yung tipong duguan taapos susunugin ng buhay tapos ipako sa krus na korteng flower! hindi na ito masaya... nakakabalahura na.
No comments:
Post a Comment