Tuesday, February 9, 2010

Feeylings

matgal tagal na rin ako bago mag-post ng isang post (haha!! redundant) dahil sa isang valid na reasons at wala ng kokontra. marami sana akong gustong ikuwento pero limitado ang blog at baga gumive-up ang computer at pati ang mga daliri ko kakatype ng mga gusto kong sabihin, baka makafeel ako ng pulikat mode. di ba?

Miss ko na ang tumambay sa Rob at magstroll hanggang sa mapagod ang aking mga paa. Miss ko ng tumambay sa intramuros at umupo sa may edge ng wall nito habang nagpapahangin sa mausok at mapolusyon na kaMaynilaan. Miss ko ng sumakay ng jeep, taxi at FX. Miss ko ng gumimick ng magdamagan hanggang makita si SUNSHINE Cruz na todo project na sa kalye. Miss ko ng maglakad sa MASUKAL na lugar nila Fifi. Miss ko na ang mga bleachers sa TONE . Miss ko na ang barkada na walang pakundangan kundi uminom at hanggang sa macholic. Miss ko na ang lahat ng ginagawa kong ka-echusan sa hometown ko... ngayon ko lang nafeel.

hindi naman sa nag-eemote ako pero nakakamiss talaga ang lahat ng routine na ginagawa ko pag umuuwi ako ng Maynila. Iba kasi ang mundo ko pag andun ako. kung feeling ko, easy-go-lucky lang ako sa buhay ko dito sa City of Gentle People, eh mas nafefeel ko na parang bakasyonista lang ang inaatupag ko pag andun naman ako sa kinalakihan kong lugar. mahirap i-explain in fairness pero yun talaga ang nararandaman ko.

mahilig talaga akong tumambay sa isang lugar at uminom ng kape o di kaya softdrinks sa isang coffee shop o kaya naman sa isang burger stand. wala lang! yun lang kasi yung moment ko na magrelax at i-aliw ang sarili ko sa mga nakikitang bagay sa paligid nito o di kaya mag daydream o di kaya mag-isip ng mga kakaibang bagay na gusto ko lang isipin... weird ba? di ako ako baliw pero ganun lang talaga ang takbo ng aking Nervous System.

Minsan nga, yung tipong bored na bored ka at wala ka ng maisip, sumasagi sa utak ko na ano kaya ang feeling pag namatay ka na? Natanong ko yan sa isang kaibigan na gago rin ang pag-iisip. sabi niya, Natural, wala ka ng feeling dahil patay ka na nga! sabay hirit ng pinakacommon na expression na HALLER! O nag naman. kahit may sayad ang utak ng taong natanong ko, may point naman siya di ba?

madalas kong sabihin sa sarili ko na sana pinanganak nalang ako na may kapangyarihang maging manhid at walang emosyon. lahat ng nabubuhay sa mundong ito ay may pakiramdam. sana, wala nalang akong ganun. pero pano ko malalaman na masarap palang mabuhay kung di ko maramdaman ang bawat masasaya, mahahapdi at on-the-spot emotions na nagyayari sa buhay ko kung di ko naman ito mararamdaman? di ba?

ganoon lang kasimple. kaya tayo may pakiramdam para malaman natin ang kahulugan ng buhay. kaya tayo nag-iisip para malaman natin kung tama ba ang ginagawa natin o mali at kaya tayo nakakaramdam ng kasiyahan at kalungkutan para alam natin ang katotohanan na sa bawat sulok ng ating ginagalawan, may mga tao palang magbibigay sayo ng pakiramdam na ganito.

Happy Valentines sa lahat! (FAR-OUT? la lang! Duguan mode ako ngayon)

No comments:

Post a Comment