Sunday, January 10, 2010

Retoke para ikakabuti ng mga "Pagirl"

blank. blank. blank...

sa mga oras na 'to, blanko ang utak ko! haizt... pagod ata sa biyahe...

wala akong maisip na topic kung ano ba ang ipopost ko ngayong araw na to. ayoko din naman magdrama dahil sa totoo lang, masaya naman ako ngayon at wala namang bumibuwisit sa'kin. haayyy, kung totoo lang talaga ang genie at kung anu-anong bagay na pwede daw matupad yung mga pangarap mo sa buhay... isa na ako sa nag-bid at pumunta sa mga subastahan all over the Pinas.

-Mahal ang Collagen-
-mahal ang chin Augmentation-
-mahal magpaRhinoplasty-

mga bagay na laging naka'pop-up' sa isip ko ngayon at kung tutuusin, talagang mahal magparetoke ng katawan nowadays. bakit ko nga ba sinasabi sa post na ito ang mga bagay bagay tungkol sa pagpaparetoke? gusto mo malaman? sige! pagbibigyan kita!

Ang pagpaparetoke ay isang siyensya (o nga naman!). marami na akong nakilalang mga bading na retokada ang hips, ilong, chin, cheeks, boobs pati na rin ang itmiguels at ninotchka ay pinutol na nila at wala ng bahid ng Adan sa kanilang katawan. Ang nakakatawa pa nga, sari-saring mga kuwentong kabaklaan ang narinig ko na at natawa talaga ako ng sobra.

Tulad nalang ng kuwento ni Rian Barrameda, isang transexual na nanalo sa Amazing Gay Philippines, isang prestigious na pageant sa Maynila na pwedeng kabogin ang Queen of the FarEast sa F.E.U. minsan na siyang nagkuwento tungkol sa buhay niya. Kung pwede lang isuka at tanggalin ang esophagus habang nagkwekwento siya, ginawa ko na!

Hindi lang si Rian ang nagsabi na isang mahirap na proseso ang pagpaparetoke ng katawan. Kalaban mo ang sakit at hapdi na sa bawat turok at tahi, madalas ng sabihin ng mga nagpaparetoke na "TIIS GANDA TOH!". nagtitiis sa bawat dugong nakikita nilang tumatalsik, patuloy na umaagos na para bang Amazon river lang, sa bawat pulang likidong nagmamantsa sa tinatawag nating "Deathbed", para ka na ring nagpatanggal ng lalamunan tapos papalitan naman ito ng gawa sa ginto bandang huli (gets mo?).

kagabi, habang umiinom ng kape at nakikitulog muna sa kaibigan ko sa Cebu, napanood ko ang interview ni Rica Paras, isang Transpinay, Exhousemate ng PBB. In fairness, lahat ng opinyon niya sa interview with Boy Abunda, lahat ng sinabi niya ay puro malaman. nagpaparetoke ang mga bakla dahil na rin sa kagustuhan nilang maging ganap na babae at isang malaking Kevs ang gastos basta nakasalalay ang kaligayahan ng mga bading! gow!

eh kahit naman retokada ka na... maganda ka nga! mukha ka ng babae sa paningin ng mapanuring mundo, hindi pa rin maaalis ang panibagong problema na dapat harapin ngm mga retokadang bakla. at yun ay ang PAPELES, DOKYUMENTS at ilang personal data sheets na nagsasaad ng tunay na pagkatao mo. OO nga naman... maganda ka sa paningin ng iba pero pag naungkat ang ppaers mo at nalamang MALE ang nakalagay sa birth certificate mo, yuna ay isang malaking CHISMIS.

nagulat ako sa isang balita na na-carryover (may term na ganun! ako pa!) ng Ladlad partylist ang problema nila sa sa COMELEC. hindi rin ako sure sa balitang narinig ko pero parang ganun na nga. mabuti naman kung ganun. mali ang sinasabi nila na ang mga miyembro daw ng Third sex ay di na kailangan ng puwesto sa gobyerno dahil sa term nila na MAGINALIZED na daw ang mga ito. ang ibig sabihin ay mostly sa mga bading, edukado at may propesyon, may marangal na trabaho (hindi nila alam na may mga prosting bading... marangal ba yun?, may kaya naman sa buhay at hindi naman naghihirap ng todo-todo. at may sinabi pa ang COMELEC na immoral ang mga bakla.

tsk.tsk.tsk. yan lamang ay isa sa mga problema sa tao kaya napipilitang magparetoke ang ilan sa mga bading natin sa Pinas. tandang tanda ko pa ang kwento ni Rian na may isa siyang costumer sa Japan na isang miyembro ng YAkuza. Nung mga panahong iyon, si pa siya nagpapasex change. dahil sa kagustuhan ng Hapon na may mangyari sa kanila, napilitan si Rian na maglaslas o magsugat sa katawan gamit ang blade at ilublob ito sa bowl at ipakita sa Hapon ang dugo sa Bowl at sabay Bingka na may regla siya kaya hindi pwede ang Sex.

anong connect? sadyang makipot pa rin ang mundo pagdating sa mga bakla. bukod sa diskriminasyon, kahit magparetoke ka na at nagtagumpay sa pagiging girl physically, marami pang problema ang dapt mong solusyunan sa sarili mong paraan. marami sa mga kakikalala ko ay nagparetoke na at ang hamon sa akin ngayon ay kung susundi ko ba ang yapak nila para patuloy kong mahalin ang aking pagkatao.

my answer is... OO! Game ako na magparetoke para naman sa ikabubuti ng aking sarili at maibsan ang diskriminasyong nararandaman ko sa lipunan. hindi ako magpaparetoke dahil sa ginusto ng iba. gagawin ko to para sa sarili kong kapakanan at maihampas o masampal sa mga taong nag-aalipusta sa pagkatao ko na kaya kong baguhin ang takbo ng buhay ko at sisimulan kong sabihin na hindi kayo ang hadlang para maangkin ko ang kagandahan tinatamasa ko pa noong bata pa ako!

3 comments:

  1. Go sa retoke be! :) para the everrrrrrrr postponed gandang negros! :)

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. mama bei, u don't hav to undergo such kinds of treatment and retoke sessions, coz ur beautiful nah! ur perfect! ur normal! and dat'z a big thing we must be thankful of...

    hehe, btaw mama bei, naa mn goi danger sa pgpa-retoke, alam mo nah, we're not sure of the results! mas maau ng natural and God-given beauty, like the Bea na nakita and nakilala ko...

    ReplyDelete