Wednesday, January 6, 2010

Bagong taon... Bagong buhay?


alam kong far-out ang pic! PAKIALAM!

Tik tok, tik tok... kriiiinggg!

tunog ng alarm clock sa cellphone kong color pink at nagsusumigaw ang ringtone dahil New Year na daw!

Bagong damit, Bagong reborn ang buhok, bagong manicure at may bagong Bottega Venetta na bag na iniendorse ni Nicole Kidman sa Hollywood. lahat bago pero kung susumahin naman lahat, wala pa ring pinagbago ang ugali kong late magising at may sariling oras, laging namomroblema sa umaga kahit wala namang dapat problemahin at lagi nalang naghihimutok ng walang dahilan. oo nga naman, tama ang kasabihan na "Bihisan mo man ang matsing, matsing pa rin (actually, quote quotan ko lang yan! alam mo naman ako dakilang mugnaera)".

maraming bagay sa mundo ang dapat baguhin at kung pwede balikan ang lahat ng pagkakamali mo sa buhay, malamang, isa na ako sa mga taong pumipila sa warp door o portal ng nakaraan at magpapareserve pa ako ng ticket for seven day tour. hindi ko na mabilang sa kamay at daliri ko at kahit buhol-buholin ko pa ang aking balun-balunan, hindi ko na rin maalala yung mga pagkakamaling nagawa ko quesehodang sinadyang gawin o di ko naman namalayan na mali pala yun... KEVS.

ngunit sa bawat pagkakamali... naniniwala naman ako na may "the other way around". kung anong dami ng pagkakamaling nagawa ko, siya rin namang dami ng magagandang alaala na dapat itreasure. marami din naman ako napaligayang nilalang na kulang nalang, magtayo ako ng comedy bar sa bahay namin dahil sa kakalogang ginagawa ko sa buhay. haizt! parang tingin lang sa'kin... walking clown! pabiro pa nga nilang sinasabi na ako daw si Mcdonalds dahil nagpapaligaya daw ako ng tao pero hidi naman talaga maalis ang katotohanang maputi ang mukha ni Mcdonalds at kung anong puti ng pagmumukha nito ay siyang puti rin naman ng foundation na nilalagay ko sa mukha tuwing umaga (para daw fresh).

tapos na 2009 at kung ano mang nangyaring Katarantudahan, Kagilagilalas, kaputahan, kaengratahan, KACHEAPAN, Kahayukan, Kaakit-akit, Kahali-halina, at KaHAYUPan sa buhay, yun ay nagsilbing inspirasyon sa loob ko na patuloy ko pang mahalin at tangkilikin ang sarili kong kakayahan at kagandahan. Ngayon, mas mahal ko na ang sarili ko dahil ipagmamalaki kong sabihin sa lahat na marunong na akong mag-adjust sa mundong malapit na daw magunaw at marunong na akong MAGLUTO! haha!!

basta! para sa bayan, para sa lahat! isang bonggang bonggang manigong bagong taon!

No comments:

Post a Comment