welcome to the world of imagination
that speaks fact, truth, and reality, in my homeland brings good fortune
tonight, you shall witness
the Filipina women of today
fashioned... from the elements of the past
reflective... (nakalimutan ko na!)
blending it, into a colorful pageantry,
indigenous culture..
-pang-entourage na yawyaw pag Mg. Gay!
-gitulon ra pud nako ni Exey
halos dalawang gabi din akong bumalik sa tinatawag kong outside world. di naman ako ganun'g kagimikera pero lagalag lang... at sabihin na nating normal 'yun para sa mga taong katulad ko.
halos dalawang araw din akong nanood ng beuty pageants ahmmm.... actually, tatlong beses akong nanood ng Ms Gay ngayong week. Parang hinahalina ako'ng sumali ulit at mantakin mo ba naman... halos isang taon at mahigit din akong nawala sa circulation ng beauty pageants. feel ko nga, di na ako ganun ka-updated. anyway, sa tatlong araw kong pinagtiisang panoorin ang mga friends ko na rumampa at mega-poise sa pagproject sa madlang people, isa lang ang pumapasok sa ulo ko ng mga panahong iyon... BAKIT MO PA KAILANGAN MAKIPAGTAGISAN NG GANDA KUNG ALAM MO NAMAN NA MAGANDA KA? BAKIT MO PA KAILANGANG MANGOLEKTA NG KORONA AT SASH PARA MAY MAIPAGMALAKI KA AT MAIPALANDAKAN MO SA SA IBA NA MAGANDA KA? BAKIT? sa beauty pageants lang ba ang tagisan ng kagandahan?
sumasali din naman ako sa mga beauty pageants before. Hindi ganun kadali ang kompetisyon lalong-lalo na sa mga bakla pagdating sa Ms. Gay. gagawin ang lahat para manalo. kung baga, survival of the fittest ang drama. sabihin nalang natin na kaya mega effort ang mga baklang ito dahil sa matinding pangangailangan at yun ay ang pera. pera ang dahilan at ang pinakasikat na linya ng mga bakla tuwing Ms. Gay "Pera ang gumagawa ng kagandahan... at ganda ko ang gumagawa ng pera"
o nga!o nga! bow down ako diyan. kung kagandahan mo nga naman ang nagbibigay raket sayo, why not di ba... pero konting ingat lang. hindi lahat ng tingin ng mga tao sa beauty pageants lalo na sa Ms. Gay ay isang moral at normal na gawain. ito ay kadalasang sentro ng panlalait ng mga tao, mapa-edukado man o hindi. ito rin ay kadalasang kinukutya ng taong bayan dahil ito ay isang immoral na gwain daw. akala naman ng iba, ito ay isang playtime at pinapakita lang daw na ang mga bakla ay "pagubot". naalala ko tuloy ang sinabi ng isang malapit na kaibigan habang pinag-uusapan ang isang baklang ewan ko lang! "ang mga bayot, pagubot ra gud diri sa kalibutan"...
ayoko ng mag-comment dahil feel ko, isa na akong advocate na protektahan ang mga bakla. parang ganun na nga... hehe! ang akin lang, its is really fine that beuaty pageants are not made para pagtawanan at laitin. ito ay simbolo ng unity lalong-lalo na sa mga bakla. ito ay isang experience na sa sandaling oras, nafeel mo na girl ka sa paningin ng iba at naniniwala talaga ako sa katagang... hindi kumpleto ang isang pagiging bakla kung hindi ka sasali ng Ms. Gay!
No comments:
Post a Comment