Saturday, April 10, 2010

Usapang 100


Kung pagsasamahin ang katawan nila Tonio, lester at Marga, ang suma total ng lahat ay 100.

Matagal ng nakabinbin sa hangin ang utang ko kay Djrem na nagkakahalagang P100.

Sa may tindahan malapit sa Mcdonalds (ukay-ukay siya in fairness) kung pagsasamahin ang presyo ng dalawang stilleto heels na ang brands ay Nine West at VNC New york, maloloka ka presyo dahil ito ay P100 lang! (inclusive na dun ang pagpapatahi sa sapatero dahil gula-gulanit na ang mga straps!)

On the other hand, hindi naman umabot sa 100 katao ang nanood ng CHAOS band comnpetition na literally, nilangawang show!

After 100 years nadiskubre na puwede na pala magkaroon ng electronic pet at yun ay walang iba kundi si SPYRO (pakicheck nalang sa internet kung accurate ako)

Kung pagsasamahin mo naman ang pentel pen na gagamitin ngayong eleksyon at dalawang bilog na dapat mong kulayan ng itim na hindi lampas-lampas, siyempre, makikita mong nakaform ka ng 100 na numero.

Ganun daw sila sa Makati, kung nahuli ka na nagjajail walking sa kalye, hindi naman ganun kalaki ang multa. kadalasan, ito ay naglalaro lamang sa P100 pataas (yun ang sabi ng kaibigan kong nagtratrabaho sa Makati)

Nagbibilang ng 100 days before Christmas ang mga Pinoy para maramdaman ang essence ng Pasko at mahaba ang panahon sa paghahanda ng mga regalo para sabihing Generous sila at pagplaplano kung anong puwedeng kainin pag Noche Buena.

Makakabili ka na ng blush-on worth P100 sa Penshoppe na hindi putok na putok sa pisngi na para bang Pikachu at hypo-allergenic (yan ang gamit ko ngayon).

A
t in fairness, ngayon ko lang napansin na mahigit 100 posts na pala na nagawa kong ikuwento at sabihin sa blog ko... I'm so proud of it!

No comments:

Post a Comment