Thursday, April 8, 2010
Ala.ala
Humaharurot ang jeepney sa isang kalyeng malapad at wala man lang ‘sign boards’ na nakadisplay. Halos umo.overtake ang sasakyang ito na wala namang rason para magmadali. Binabalewala ang mga taong naglalakad o kaya nama’y tumatawid basta hindi niya lang masagasaan o kaya nama’y mabundol.
Sa may eskinita na malapit sa Kalye Arolyo, biglang nahagip ng jeepney ang apat na matitipunong lalaking nakatambay sa gilid ng posteng nakasukbit ang pangalan ng kalye. Tinangay ang mga binti, lalamunan, atay at puso ng mga taong ito at patuloy pa rin sa pagharurot ng jeep. Tipong walang pakialam at walang nangyari.
Biglang tumigil ang jeep di kalayuan sa kalyeng nangyari ang sakuna. Tinanggal ng drayber ang mga lamang-loob na nakasabit sa windshield at front mirror nito at sabay tapon sa talahiban na may tumutubo pang Cadena de Amor na siyang nagbibigay kulay sa malaberdeng lugar. Ngunit ang nakakapagtataka nito ay ang di pagtapon ng drayber sa mga puso ng taong nasagasaan niya. Bigla niya itong isinilid sa plastik na pinaglagyan niya ng mga sariwang galunggong na inutang pa kay Aling Mameng. Naghalo ang amoy ng isda at mga nasabing lamang-loob sa plastik at ininda ng drayber ang langsa at baho at binuhol ang hawakan nito. doon na rin niya napagtanto na dala-dala ng drayber na iyon ang mga ala-ala na naganap sa eskinita. Tanging hiling nalang niya ay ang di paglimot ng apat na lalaking minalas ang buhay at nagkrus ang kanilang landas sa panandaliang oras at panahon.
PS: I just want to dedicate this nosebleeding story to Tian, Poldo, Junrell and Marvs. I hope malaman niyo kung ano ang essence ng story (nagmama-Bing Sitoy lang po!)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment