nakakaumay na kasi...
kapag binigyan ka nga naman ng pagkakataon na magFB magdamag... hindi ka ba mauumay? ako... purgang-purgang na ako kakaFB... pero ngayon ko lang naappreciae ang thought na masarap palang maconnect ulit sa friends mo before... literally, friends na hindi mo naman gaano kaclose pero nakasama mo ng panandalian.
umay na umay na rin ako sa mga videos na nasa terra free agent na hard disk na siyang sisidlan ng mga kagaguhan ni Bea at iba pang TN staffers. to the point na kapag nakikita ko yung mga pinaggagagawa ko sa buhay, nakakatanggal pala ng stress sa katawan.
inaamin ko naman na maligalig akong tao... sobra... yung tipong kung nauumay ka na sa mga nangyayari, in other words, lull... mika... bored... dun nagsisimulang gumana ang aking mga brain cells at bonggang bonggang production number ang magaganap at masasaksihan. kahit ako, hindi ko maexplain sa sarili ko kung bakit nga ba... bakit ba maligalig si Bea? ewan ko lang!
minsan, napapaisip ako na bakit ganito ang pag-uugaling meron ako. malakas magbitaw at gumawa ng eksenang 'on-the-spot' at bigla nalang mag-eeffort na hindi naman kailangan dapat magrelease ng adrenalin. ganun ata akong ipinanganak at siguro, ito ang purpose ko sa buhay ko at buhay ng ibang taong nasa paligid ko.
sa bagay... kung nauumay ka na sa personality na meron ako, maghanap ka nalang ng atchara para mawala ang umay!
No comments:
Post a Comment