Tuesday, April 27, 2010

a stressful weeeeek-end






Whenever huge spaces were provided to write single details based on what I did this past few weeks, probably, it took me about 360 hours to express all the thoughts that i want to adhere. It was a bunch of remarkable things that I experienced. I had great time dealing with these people whom i loved most. I knew that it was so hard for me to divide all the tasks but luckily, i survived it and the fact remains that I was born to be "suganta queen". I know that the moment I had to remarked my whole blast of memory of it, it remains the truth that i LIKE, CHERISH, AND LOVE this happenings a lot.

To those people who made my weekend a stressful and a wasted one, thanx for the memories. I will miss it so much!

Saturday, April 24, 2010

Writers Block

After two weeks of writing 12 (or even more) articles a day, I never thought that I could write stories in straight English. I have to convince myself to throw away my so called “grammar issues attitude”. I’m always dealing with lots of grammatical errors whenever I speak simple thoughts to my classmates and friends. I am aware that sometimes, it’s a funny thing to hear. I have to tell honestly that not all the times, I was able to cope up with all the jokes when it comes to grammar issues.

But I have to learn and absorb everything like a sponge. Sometimes, I am afraid to write articles and stories. Why? I am not afraid to be criticized but I am afraid that I might loose my confidence to write. I accept the fact that I am not good in terms of grammar but I know how to write stories and articles in a way that I am always bombarded to write news stories and featured articles (Big thanx to sir amards).

Here I am... staring blankly in this flat screened monitor, having vague thoughts and trying to squeeze my brain to write nose bleeding topics, I realize that it’s another world for me to venture. I have my work now and I wasn’t expecting that I will apply all my writing skills… some sort like a content writer in this company. I passed the 10 days of training that I should call it, 10 days of torture! Anyway, at least, I know that I have guts to write articles.

The CEO told me that my articles are great. I have a bright future when it comes to writing. Honestly, I was not convinced that I can make good articles in just 30 minutes. When I was in TN, I know that my articles are not that good. I know that I wasn’t able to meet the expectations of our EIC when it comes to writing.

I do remember the time when Junrell (our former EIC) asked me to write a special report about road construction. Of course, it was easy for me to say that I can do it (since it is my feelerette attitude), I mean me and my friend Chessa can do this article. His expectations lead me to ask myself… “makaya ba ni nako mugama ug seryoso na article?”

It took us two months… honestly! Two months of writing that article. I knew the fact that I was procrastinating things on that time. I knew that I can make it… but I am afraid to write English articles because it’s not me.

Everything changes when I try my guts to apply as a content writer in one of the companies (I should say) here in Dumaguete. Frankly speaking, I don’t know if I’m going to pass as a writer. Luckily, I made it and I always reached 12 quotas of articles a day.

It happens that TN helped me to improve my skills when it comes to writing. When we had our editing and lay-outing overnights, I was able to learn how to use correct grammars and honestly, how to use comma in a correct way. I knew that they teased me when I tried to speak and write with lots of grammar issues and I knew the fact that they just wanted to correct my mistakes.

If I’m going to surpass these 1 month probationary status, I would like to thank those TN staffers who help me to become good when it comes to writing. At least, I know that you are proud of me di Ba? I’m not being assuming but I know deep in your hearts that you are happy with what I am doing.

It’s already 5:00 am and I’m having nosebleed with my new topic FLAP WHEELS! honestly… Naooverwhelm lang ako magsalita ng English dahil pinurga ako nito ng dalawang linggo! Anyway, that’s life. Sometimes you have to venture things that's not your forte that you want to try and for you to improve and to have something that should be proud of (sakto ba? kevs)

Wednesday, April 14, 2010

nosebleed!!!

Tomtom download
tomtom activation
tomtom home
tomtom maps
magellan GPS
Tomtom GPS
magellan GPS reviews
GPS accesories

ano to?

ang hirap talaga magsulat ng mga ganitong topics... nocebleeding... I hope i will finish these articles at the end of the day...

Quote for the day...
"hindi lahat ng topics, alam mo! tulad nalang nito! dapat, marunong kang magsearch gamit ang google"

Tuesday, April 13, 2010

MAKAKAYA KO BA?

nag-aantay ng break... eto, nagpapalipas oras!

BESTO... BESTO... BESTO...

isang pangalan ang nakita ko kagabi habang kausap si Chryss sa Cellhone...

ang BESTO ay pangalan ng floor wax na makikita sa inyong suking tindahan, yung totoo, di ko alam kung pano ko ikokonek ang pangalan na ito sa post... hehe!! TRIP?

bueno, habang nakatingin sa Besto na floor wax, bigla akong napa-isip na kung kaya ko bang i-extend ang aking katawan sabay paglipad sa mga activities na mangyayari ngayong weekends?

ganito kasi yun, matagal ng plano ng barkada na at pupunta sila ng Dumaguete... actually, kung saan ako naroroon, at december palang, pinagplanuhan na ang lahat. January ko pa nalaman ang Date of Arrival nila dito dahil nagbook sila ng advance para makatipid.

Bigla akong napatunganga pagkatapos ng semana santa dahil ang gaganaping goofluck party ay sa mismong mga araw ng kanilang pagdating at pagbisita sa mumunting siyudad.
Kasabay pa nito ang pag-duty sa nosebleeding at supah drained na work sa MYVS. talagang dumating sa punto na kakayanin ko ba to?

gustuhin ko sanang i-give up ang isa pero di ko magawa. nagkataon na sabay itong dumating at ayoko namang tanggalin sa itenerary yung isa fahil may magtatampo. Kaya nga nasabi ko sa loob loob ko na puwede kambal nalang si bea? puwede may power nalang ni naruto na dadami ako bigla bigla?

sinasabi ko nalang sa sarili ko na kailangan ko 'tong gawin dahil mahal ko silang lahat. kailangan, ako muna ang magbigay ng effort dahil darating din anf pagkakataon na ako ang nangangailangan ng effort nila.

kaya ganun...

tapos sabay break time na!! yeheyy!!!
itigil ang pagblo-blog!!

Monday, April 12, 2010

trabaho mo... ligaya ko...

matapos ang lahat lahat lahat!!!!

matagal na akong may maitim na balak (talagang maitim na balak anga term...) na mag-apply sa isang firm na kung saan, kailangang mong magsulat ng 12 articles per day. isipin nalang natin na parang odesk o blogsvertise ang drama. noong una, pinanghihinaan ako ng loob dahil hindi naman sa boba ako pagdating sa grammar pero minsan, alam ko rin naman na hindi ko kaya gumawa ng isang dosenang articles. kung kay Amards nga eh purgang purga na 'kong magsulat, much more pa kaya kung puwersahan ang ganitong gawain.

pero sinubukan ko na rin ang hamon ni Don Quixote... last week, kumuha ako ng exam at bonggang bongga ang binigay na pagsubok na para bang wala bang bukas. eto na ngayon ang issue! bigyan ka naman ng topic nosebleeding... exactly, Telomerase enxyme ang keyword...

kasabay nito ang pag-umpisa ng training nung sabado... duguan ang drama... alam mo yung feeling na sobrang drained ka na at masakit na sa ulo ang lahat...
pero si janine... papakabog? ngayong araw na to, I was forced to write 20 articles at kahit sinusuka ko na ang straight english, kinaya ko talagang tapusin yun. Luckily, I was able to finish it at dedma na kung sinong mag-eedit nun... hehe!!

totoo ang katotohanan na mahirap kumita ng pera. totoo ang reality na we have to stirve hard to live. at totoo ang katotohanan na kaya kailangang magtrabaho pera magkaroon ng sarili mong pera at may karapatan ka ng ilustay ang sarili mong pera at hindi galing sa bulsa ng parents mo!

O nga! O nga!

Saturday, April 10, 2010

Usapang 100


Kung pagsasamahin ang katawan nila Tonio, lester at Marga, ang suma total ng lahat ay 100.

Matagal ng nakabinbin sa hangin ang utang ko kay Djrem na nagkakahalagang P100.

Sa may tindahan malapit sa Mcdonalds (ukay-ukay siya in fairness) kung pagsasamahin ang presyo ng dalawang stilleto heels na ang brands ay Nine West at VNC New york, maloloka ka presyo dahil ito ay P100 lang! (inclusive na dun ang pagpapatahi sa sapatero dahil gula-gulanit na ang mga straps!)

On the other hand, hindi naman umabot sa 100 katao ang nanood ng CHAOS band comnpetition na literally, nilangawang show!

After 100 years nadiskubre na puwede na pala magkaroon ng electronic pet at yun ay walang iba kundi si SPYRO (pakicheck nalang sa internet kung accurate ako)

Kung pagsasamahin mo naman ang pentel pen na gagamitin ngayong eleksyon at dalawang bilog na dapat mong kulayan ng itim na hindi lampas-lampas, siyempre, makikita mong nakaform ka ng 100 na numero.

Ganun daw sila sa Makati, kung nahuli ka na nagjajail walking sa kalye, hindi naman ganun kalaki ang multa. kadalasan, ito ay naglalaro lamang sa P100 pataas (yun ang sabi ng kaibigan kong nagtratrabaho sa Makati)

Nagbibilang ng 100 days before Christmas ang mga Pinoy para maramdaman ang essence ng Pasko at mahaba ang panahon sa paghahanda ng mga regalo para sabihing Generous sila at pagplaplano kung anong puwedeng kainin pag Noche Buena.

Makakabili ka na ng blush-on worth P100 sa Penshoppe na hindi putok na putok sa pisngi na para bang Pikachu at hypo-allergenic (yan ang gamit ko ngayon).

A
t in fairness, ngayon ko lang napansin na mahigit 100 posts na pala na nagawa kong ikuwento at sabihin sa blog ko... I'm so proud of it!

Thursday, April 8, 2010

Pakipasa ang atchara

nakakaumay na kasi...

kapag binigyan ka nga naman ng pagkakataon na magFB magdamag... hindi ka ba mauumay? ako... purgang-purgang na ako kakaFB... pero ngayon ko lang naappreciae ang thought na masarap palang maconnect ulit sa friends mo before... literally, friends na hindi mo naman gaano kaclose pero nakasama mo ng panandalian.

umay na umay na rin ako sa mga videos na nasa terra free agent na hard disk na siyang sisidlan ng mga kagaguhan ni Bea at iba pang TN staffers. to the point na kapag nakikita ko yung mga pinaggagagawa ko sa buhay, nakakatanggal pala ng stress sa katawan.

inaamin ko naman na maligalig akong tao... sobra... yung tipong kung nauumay ka na sa mga nangyayari, in other words, lull... mika... bored... dun nagsisimulang gumana ang aking mga brain cells at bonggang bonggang production number ang magaganap at masasaksihan. kahit ako, hindi ko maexplain sa sarili ko kung bakit nga ba... bakit ba maligalig si Bea? ewan ko lang!

minsan, napapaisip ako na bakit ganito ang pag-uugaling meron ako. malakas magbitaw at gumawa ng eksenang 'on-the-spot' at bigla nalang mag-eeffort na hindi naman kailangan dapat magrelease ng adrenalin. ganun ata akong ipinanganak at siguro, ito ang purpose ko sa buhay ko at buhay ng ibang taong nasa paligid ko.

sa bagay... kung nauumay ka na sa personality na meron ako, maghanap ka nalang ng atchara para mawala ang umay!

Ala.ala


Humaharurot ang jeepney sa isang kalyeng malapad at wala man lang ‘sign boards’ na nakadisplay. Halos umo.overtake ang sasakyang ito na wala namang rason para magmadali. Binabalewala ang mga taong naglalakad o kaya nama’y tumatawid basta hindi niya lang masagasaan o kaya nama’y mabundol.

Sa may eskinita na malapit sa Kalye Arolyo, biglang nahagip ng jeepney ang apat na matitipunong lalaking nakatambay sa gilid ng posteng nakasukbit ang pangalan ng kalye. Tinangay ang mga binti, lalamunan, atay at puso ng mga taong ito at patuloy pa rin sa pagharurot ng jeep. Tipong walang pakialam at walang nangyari.

Biglang tumigil ang jeep di kalayuan sa kalyeng nangyari ang sakuna. Tinanggal ng drayber ang mga lamang-loob na nakasabit sa windshield at front mirror nito at sabay tapon sa talahiban na may tumutubo pang Cadena de Amor na siyang nagbibigay kulay sa malaberdeng lugar. Ngunit ang nakakapagtataka nito ay ang di pagtapon ng drayber sa mga puso ng taong nasagasaan niya. Bigla niya itong isinilid sa plastik na pinaglagyan niya ng mga sariwang galunggong na inutang pa kay Aling Mameng. Naghalo ang amoy ng isda at mga nasabing lamang-loob sa plastik at ininda ng drayber ang langsa at baho at binuhol ang hawakan nito. doon na rin niya napagtanto na dala-dala ng drayber na iyon ang mga ala-ala na naganap sa eskinita. Tanging hiling nalang niya ay ang di paglimot ng apat na lalaking minalas ang buhay at nagkrus ang kanilang landas sa panandaliang oras at panahon.

PS: I just want to dedicate this nosebleeding story to Tian, Poldo, Junrell and Marvs. I hope malaman niyo kung ano ang essence ng story (nagmama-Bing Sitoy lang po!)

Thursday, April 1, 2010

Mixed Berry

sabi ng iba, ang salitang "imitation" ay ang pinakamahirap gawin at matutunan sa lahat ng aspeto pagdating sa theatre skills. Nakuha ko ang ideyang ito sa mentore ko noon sa teatro na si Jonathan Nachor at wala na 'kong balita sa kanya. Sinubukan ko na matutunan ang pag-iimitate ng ibang tao... ang ending, lumalabas na nag-aambisyon lang pala ako maging katulad nila... grabe!
-----

nadethrone ang beauty queen turned bogs (dethrone nga kasi) na si Samantha Venus Raj, Binibining Pilipinas Ms. Universe 2010 at ang papalit sa kanya ay si Nicolette Henson na bet na bet ko na manalo. ang matinding katanungan ay... mananalo kaya siya sa Ms. Universe pageant? In fairness, maganda naman si Nicole (feeling close) pero hindi ganda lang ang puntos sa prestigous beauty pageant na iyon. dapat, kaya mong makipagcompete ng height at poise sa ibang bansa... WALEY!

-----

Bakit nga ba di puwedeng kumain ng baboy pag holy week? kanina, paggising ko, laking gulat ko nalang na may nakahain na lonnganisa sa mesa at parang hindi semana santa ang bahay... parang ordinaryong araw lang! wala akong magawa kundi kainin ang longganisa at napaisip na malaki ang kasalanang nagawa ko ngayong araw na ito. hindi ako marunong mag-fasting. Nakikinig naman ako sa Religion teacher ko noong high skul at sabi niya, kaya daw di puwedeng kumain ng baboy pag holy week dahil forbidden daw itong hayop na ito sa jews... yun lang ang naalala ko. pero kung ako ang tatanungin, kaya di puwedeng kumain ng pork dahil kailangang magtipid taoy pag holy week... sarado ang bangko at iba pang establishments! another waley!