PS:minsan lang ako mag-emote ng bonggang-bongga. Pagbigyan.
Napakaironic kung tutuusin. Pakiramdam ko, Masaya ako na nakikita ko silang magkasama, halos sa kanila nalang ang mundo at parang wala ng hadlang sa pag-iibigan nilang dalawa. Ngunit sa bawat kurap ng aking mga mata na habang nakikita ko silang Masaya, hapdi at sakit ang nararamdaman ko na para bang tinik na gusto kong tanggalin sa harapan nila. Nakabaon ang tinik na ito sa lalamunang duguan at kahit anong hugot ko, di ko kayang ipakita sa kanila na masakit at dumurugo ito.
Ngayon, naniniwala na ako sa kantang “MALING AKALA” ng Brownian Revival. Sabihin na nating naglalaro ang isip ko sa puro “akala” at patuloy akong nagsisinungaling na sa bawat pangungusap na may kaakibat na akala, yun lamang ay isang “hypothesis” at maaaring magbago. Ngnit ito pala ay pawang kahibangan. Kung akala mo, Tuwang-tuwa ka at pinipilit mo sa sarili mo na ito’y isang party, sa loob mo naman, para kang pinaliguan ng mainit na tubig at kulang nalang, sumigaw ka sa sakit.
Kahit anong pilit na kalimutan ang lahat at mabuhay ng maayos, di ko pa rin lubos maunawaan kung bakit patuloy pa rin akong nasasaktan na wala naman akong karapatang maramdaman ito. Kahit anong pilit kong tumakas sa nakaraan na dulot ay pasakit at hinanakit, patuloy din itong bumabalik ngayon at kahit ako, di ko na rin maintindihan ang lahat. Nung isang araw, hindi ko maintindihan kung bakit ako napapahiyaw sa sakit. Hindi ko alam...
Ayokong mangako sa sarili na habang nanunuot ang hapdi sa puso ko, hindi ko iisipin na ito ay isang akala nalang. Ang problema kasi, tinatakasan ko kaagad ang mga ganitong problema at kung babalik man ang taong nasa paligid nito, di ko na kinakayang humarap na maging totoo ang pinapakita kong personalidad.
“I should say, face the consequences that’s what you want di ba?” Sabi ng isang kaibigan habang nag-iinuman sa Pier1
“Love is one stupidity, it will control you or you are the who will control it” text ng isang kaibigan habang nadivert ang pag-uusap dahil sa mga spam messages.
Tama nga naman... pero panahon nalang talaga ang makakapagsabi... panahon nalang ang maghihilom nito...
Pasenciya na kung nalagay ko ang post na ito sa chronicles of bea... anyway... hindi siya funny... sori na gud....