Actually, wala akong maisip ngayong araw na ito at ewan ko ba kung bakit. Palibhasa kasi papalapit ang birthday ng iba diyan at hanggang sa “dreams” ko eh biglang nag “pop-out” ang pangalan at personality ni emphee!! Hahaha!! How funny!
Anywayz… kagabi, bago ako matulog, halos masinsinan kong narerember ang lahat ng treasured moments namin ni…itago nalang natin sa pangalang “emphee” at parang di obvious ang name sang sou niya at bigla nalang akong nadapuan ng antok at nakatulog sa kantang “very special love” ni Sarah G.at alam kong yun ang pinakakacheapang kanta sa phone ko….
And this is the gist of my post…
Isang party sa bahay nila Rozen Franco “my friend” ang naganap at ewan ko rin ba kung bakit feel na feel ko ang outfit ko nun at di ako mapakali sa kinauupuan ko na biglang dumating si emphee na nakauniform ng CAT tandang tanda ko pa ang moss green nilang uniform na nakatuck-in ang upper at formal na formal ang pustura, kasama niya noon si Jaime ang kanyang besprend ng mga panahong iyon.
As usual… pinanganak akong pa-girl ng nanay ko na si Gigi-ann kaya naman dinapuan ako ng pag-inarte ng mga panahong iyon.
Actually, naimmuned lang ata ako talaga na sa lahat ng lalaking nakilala ko at naging friends… bukod tanging si emphee lang ang nakakagawa ng pagtusok ng hintuturo niya sa tagiliran ko na sa totoo lang! masakit at nakikiliti ako. Eh yun naman talaga ginagawa niya pag dinadapuan ako ng kaasiman syndrome at paulit ulit niyang ginagawa yun hanggang tumahimik nalang ako sa sobrang sakit.
Yun nga ang ginawa niya at in fairness… randam ko ang pain pero satisfaction ng ginawa niya sa akin yun at alam ko naman na paglalambing “daw” yun!
Moreover, di talaga matigil ang inarte syndrome ko ng mga panahong iyon at naisipan ko nalang na di kumain ng spaghetti at pumunta sa tindahan na malapit sa bahay ni Aguasin.
Habang kumakain ng di ko na matandaang pagkain sa nasabing tindahan, nakita ko si emphee na sumakay ng sidecar kasama si Jaime. Nagtaka ako kung bakit at nakarandam ako na baka di na siya bumalik. Nafeel ko noon na useless na ang pakikipagmingle sa bahay nila Rozen dahil wala na siya. Nafeel ko ang panghihinayang kung bakit pa kasi nag-inarte ako ng todo-todo kaya siguro nawalan ng gana si emphee sa akin at pumunta nalang sa ibang lugar na gusto niya. Alam mo yung feeling na para kang naembalido at gusto mong habulin pero wag nalang dahil ka-o.a na!
Naisipan kong bumalik sa bahay nila Rozen na may panghihinayang ang nararamdaman sa aking heart. Gusto ko ng umuwi ng mga panahong iyon.
At biglang bumalik ang sidecar na sinasakyan nila emphee at as usual sakay ang mga passengers na sila emphee at Jaime. Natuwa ako at binati si emphee na “san kayo galing… kala ko umuwi na kayo…
Sabay sagot ni Jaime na meron daw silang sinundo….
At biglang lumabas sa sidecar ang isang girl na maputi at mahaba ang buhok…
Si CATHY ang lumabas sa sidecar na tinutulungan pa ni emphee na may pahawak hawak pa sa waist ni cathy at nakakabanas tingnan.
sa sobrang shock ko… at in fairness… gusto ko sanang putulan ng binti ang tatlong taong nakikita ko ng mga panahong iyon at wala akong pakialam kung bakit pa nadamay si Jaime!... bigla akong nakirinig ng “jai-ho” ng pussycat dolls somewhere…
yun na pala ang alarm sa phone ko at 7:30 na ng umaga!
Punyeta… late nanaman ako sa class ni mam joy perez…16!
No comments:
Post a Comment