Tuesday, June 16, 2009
Addict sa audio books…
Well well well…. Alam mo naman ang earth.. sobrang dami ng innovations at ang technology nowadays eh masyadong mabilis na at nakakalokang isipin na nauuso ang audio books… haay…
Maraming salamat sa 4shared.conm dahil may mga list of audio books ang puwede iinstall sa ating mahiwagang mp3 o ipod. Nakakatuwang isipin na di mo na kailangang magpakasasa sa pagbasa ng mga makakapal na libro para maintindihan ang message ng binabasa mo.
Sabihin na nating adik ako ngayon sa audio books na tinatawag na yan kaya laging may earphones na nakakabit sa dalawa kong tenga na kahit nagcocommute eh nakikinig ng audio books. at least… di obvious na nakikinig ako ng gospel at alam ng iba na kantahing pangkabataan ang pinakikinggan ko! Haha! Nakakatawa pero in fairness… may part din naman sa buhay ko ang paggiging makadiyos at di alam yun ng iba… isang malaking sekreto yun… ( secret pa ba ang pagpost nito sa blog…?) marami ang magrereact diyan pero yun ang totoo at walang halong char. Di ko kailangan ng mga reactions nyo dahil ako lang rin naman ang nakakaalam sa mga pinangagagawa ko sa sarili kong buhay.
Tama na ang diyos diyosan dahil marami na akong fans na di naniniwala… basta… isa akong adik sa audio books ngayon at yun na yun!
-------------
Addict sa facebook
Bago palang ako sa mundo ng facebook pero simula nung Sunday… nakakahumaling ang alindog ng nasabing communnity online network…. Tama ba ang term..? anyway… kaya pala megafacebook ang aking sis na si Lesh dahil bonggang bongga ang features nito na parang bagong unit ng nokia tapos pagkakaguluhan ng buong sandaigdigan. Actually… matagal na akong may facebook pero di ko naman pinapakialaman dahil nakalimutan ko ang password nito… hehe! Kaya nung Sunday, habang naiisip ko kung ano pa ang gusto kong sabihin sa blog ko eh biglang sumegway itong tinatawag na facebook na parang tinatawag ang aking pangalan sa karimlan at sinasabi na kahit utang na loob man lang eh bisitahin ko naman ang aking facebook account. So ang ending eh sumakto naman ang password at kala ko naman eh nagchange ako ng password… (in fairness… lahat ng accounts ko mapayahoo man o friendster, plurk, hotmail, blogger… iisa lang ang password sa lahat ng iyon at yun ay…… hahaha!! Bukod tanging si david lang ang nakakaalam nun!)
By the way… natutuwa ako sa mga quizzes at parang feeling ko eh troooooo lahat yun even though pawang kasinungalingan ang iba… pero troooo talaga siya sa paninign ko… (ano ba!) at nakakaloka ang mga comments, suggestions, iterenaries at kung anu-ano pang festivity and merrymaking sa nasabing website.
Di lang ako sa adik sa blog pero may bago akong kinahihiligan at ito ang facebook… hahaha!!!
----------------
by the way.. isang malaking hapi baday sa mga mahal ko sa buhay....
lianne-june 12
Emphee-jun 27
at by the way... malapit ko na talaga ipost ang aking bday post na two weeks ng nakakalipas... salamat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
addict na ka beh? yaw sad palabi uy... another matter, gwapa lge ng naa sa studio a, hehe...
ReplyDeletehapi bday sad d'i sa u pala-luv!
at sa lahat ng di nakakaalam ng password ni bea sa lahat ng mga online *censored* nya. its in this post. haha. wont tell you what paragraph. haha. :) clue? nah!? hahahahaha. xD
ReplyDeletehappy birthday emphee.! yehey! :)
ReplyDelete