Monday, June 22, 2009
abril otso 2005
Minsan ng nagimbal ang buhay ko dahil sa isang taong
Sabihin na natin na nagturo sa akin
kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng isang pagmamahal
Marahil hanggang ngayon,
Parang “Balikbayan Tape” na nakadikit sa utak ko
Na kahit pilit ko mang tanggalin
Eh nandoon pa rin at nakaplaster sa kukote ko
Lahat ng ala-ala na aming pinagsamahan
Binigyang diin ang pagakakaibigan na nagmula sa paghanga at hanggang ngayon,
Nananaig pa rin pa rin ang nasabing relasyon
Kahit dagat pa man ang pagitan ko sa kanya
oo… matagal ko ng hinahangaan ang taong ito
na siyang humalina sa akin na ibigin siya
sa loob ng apat na taon
pagmamahal na akala ko noon ay mali
at taliwas sa batas ng diyos at tao
pero siya ang nag-udyok sa akin na kalimutan lahat ng batas
at ipagpatuloy ang nararandamang naaayon sa batas ng puso
minsan na akong nasaktan dahil sa pag-ibig na ito
pero yun ang pumukaw sa akin
sa katotohanang ang tao ang siyang humuhulma
at hubugin ang bawat poot na nadarama
at sa bawat lilok nito ay lumalabas ang anyo ng pag-asa na kaya ko palang maging masaya
na wala ang pagmamahal na inalay ko sa loob ng mahabang panahon
matagal ko ng natutunan ang salitang “martyr”
at siguro,
parte na yun ng buong katauhan ko
ayoko ng umasa muli
na balang araw,
may matatagpuan akong isang tao
na hihigit pa sa pagkatao niya
sapat na ang lahat ng pangayayring iyon
at tama na ang guni-guni
matagal ko ng binaon ang lahat sa limot
ngunit bigla itong inuungkay na wala naman sa lugar
ngayon, kuntento na ako na kung anong meron ang tadhana sa akin
masaya na ako na ang pag-ibig na iyon ay isa na lamang kasaysayan
at di na dapat ungkatin pa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
so. mega emote. :)
ReplyDelete