Time break muna sa pag-iisip ng birthday post ko at eto muna ang mauuna at bubungad sa blog ko all over the net… but ipopost ko talaga siya kaso malanobela ang concept kaya it takes time… hehe!
Hay naku! Masyadong nakakairita talaga ang enrollment lalo na kung maraming tao ang nagpapaenroll! Nakakadismaya na palibot-libot ka ng skul dahil sa nag-iisang sign ng aming mahal na Dean na napakaimportanteng handwriting sa load form ko.
Feeling ko nga eh first year ako ulit… (feelerette) dahil puro kasama ko this day na nag-eenroll eh puro first year. Di nila alam na graduating na ako at nakikisiksik sa pila ng mga freshmen at kulang nalang eh kumuha din ako ng entrance exam at magtutumili sa saya dahil nakapasa ako sa nasabing exam na para bang UP na skul ang kinuhaan ng exam (ka-o.a).
Siyempre… di naman sa panlalait pero habang nkatayo ako sa may gilid ng Deans office namin eh para bang may basura sa gilid ng office dahil sa masalimuot na amoy na para bang pinaghalu-halong putok, anghit, burat at kung anu-ano pa. iniisip ko nalang na hindi madaling makipagsiksikan sa isang mataong lugar at di naman air-conditioned ang skul namin. Siyempre, mega Pocari sweat ang concept at masyadong maasim ang bawat pawis na dumarampi sa skin mo… (eeew). Pero di naman ako maarteng tao kaya may I cover nalang my nose kahit feeling ko eh ikamamatay ko to dahil sa asphyxia na syndrome.
Ang pinakaayokong office sa lahat ay ang registrar dahil sa sobrang bagal ng process. Parang makikita mo lang yung mga mukha nila sa loob ng opisina na hindi haggard samantalang yung mga nakatambay sa labas at nag-aantay ng kanilang documents eh wasted na wasted ang concept na para wala ng bukas! Haayyy naku! So nakakaimbyerna.
Sana nga may isang eskwelahan na ang process sa enrollment eh nakaupo ka na lang sa isang kiosk at may machine sa gilid mo na hihigupin yung perang pinang-enroll mo at lahat ng sign na kailangan mo ah nakacomputerize na para din a stressful ang enrollment period! Yun na yun!
ayoko in ng enrollment. ayokong pumila. hehe
ReplyDelete.aie nqu momi bei..
ReplyDeletexbi qu nman xau wag kna mgpaenrol ee.?!haha
joshmarie
ReplyDeletepagkacorrect ka dyan!
pwancesz maiee
palibhasa tapos ka na mag-enroll...