Sunday, June 14, 2009
Independencia yopakerns to rock….
Paulit-ulit nating ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan at ilang ulit na ring nararamdaman ko na sa ganitong araw… hindi ko nafefeel na araw ko nga na magbunyi ng kalayaan sa aking self! Halos ilang taon na ring sinasalubong ko ang araw na ito na may raket na nakagulantang paggising ko pag independence day.
Hindi naman siguro masama kung gawin mo ang gusto mong mangyari na walang hahadlang sa iyo. Kaya nga pag nakikita ko ang statue of liberty eh nafefeel ko ang justice league na isa akong malayang tao at gawin ng gawin ang gusto kong gawin hanggang magsawa ako sa ginagawa ko at maiisip ko nalang sa banding huli kung ito ba ay isang kahalayan, kasakiman, pag-iinarte o kaya naman kaasiman ng todo-todo na maaari ring humantong sa paglulon ng bato na ako pala si Darna… ay mali! si Zsa Zsa Zaturnah pala (fire-out!) na kaya ko palang iligtas ang sangkatauhan dahil sa paninindigan na meron ako! CHAKS!
Marami sa atin na sa araw ng independence, naaalala natin ang pagbunyi ng kaluluwa ni Jose Rizal noon June 12 1897 dahil sa pagtsugi ites ng mga espanyol at pagbagsak ng Spanish colony sa ating motherland. Nagsusumigaw ang bunganga ni Gabriella Silang ng mga panahong iyon at ito namang si Gregorio Del Pilar na ultimate crush ko sa lahat ng mga bayani eh naligwak ang buhay dahil sa di namalayang entrapment somewhere in the blooming fields of Luzon.. Pasenciya nakalimutan ko lang kung Cavite ba iyon o Tarlac… ewan!!! By the way… halos ilang dekada na ang nakalipas pero kahit ako… di ko pa rin maramdaman ang kalayaan na ating minimithi pwera nalang kung freedom of expression ang meron ako at ang lahat. Ilang panahon na nating pinaglalaban ang salitang NASYONALISMO na paulit-ulit nating napanonood sa lahat ng networks sa TV at RADIO at kahit sa pagkamatay ni Francis M eh mega promote ang t-shirt at accessories showing nationalism sa mga pinoy.
Kalayaan sa pagitan ng pagpili ng tamang manungkulan sa gobyerno ay pinagkait sa ating mga Pilipino. Di naman sa pagiging pessimistic pero base sa nakaraang eleksyon, hindi ko masasabi na malinis ang labanan ng mga kandidato at makikita naman natin kung ano ang naging resulta ngayon.
Actually, habang ginagawa ko tong post na to eh naalala ko ang homily ni Father ek-ek… Im so sori again… nakalimutan ko ang name… na one of the factors of crisis nowadays is selfishness. Kaya maraming tao ang apektado dahil sa kasakiman ng isang maimpluwensiyang tao na gusto niya sa kanya lahat at higitan pa kung ano ang meron siya!. Kahit naman ako eh nagnanais ng Hermes bag na 2.5 million ang isa at gusto ko pa ng tatlong Hermes bag pero iba naman yon… karangyaan ang gusto ko at di corruption.
Sana, sa susunod na election process eh maayos na ang lahat… kalayaan nating magkaroon ng gobyerno na tutugon sa adhikain ng bawat Pilipino at hindi tutugon sa pangangailangan ng mga taong mahilig sa pera, prostitusyon, sugal at kung anu-ano pa.
At icoconect ko lang kung asan ako nung independence day…
Kalayaan ko rin naman sigurong kumita ng pera kaya rumaket muna ako somewhere at kalayaan din ni Mother Earth ang paulanin ang lugar na iyon na to the point na nilalagnat ako hanggang ngayon dahil sa hamog at matinding lamig sa Manjuyod at kalayaan rin ng katawan ko na sumurrender kaya may I rest in banga ngayon….
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i agree. selfishness reigns in many ways today. kakalungkot isipin.
ReplyDelete