Thursday, June 25, 2009

hatin on the club


OMG…. Kung isang album ang aking buhay… malamang…
sobrang dami na ng theme songs ang puwede iplay… tulad nalang ng walang kamatayang “kailan” ng smokey mountain na kapag naglalakad ako sa hallway ng skul naming at nakasalubong ang crush ko… yan ang cute na o.a na theme song na puwede iplay…. “pagirl”

anyway…. Sobrang naaadict ako sa kantang hatin on the club ni rihanna coz its so cute!
Actually… nakakarelate ako! Hahaha!!! I just want to post the lyrics coz di ko siya memorize… hahaha!!


Now this be the last time you did me wrong
No more laying up in your arms
No calling, saying you want me back
I'm packing my bags, what you think about that?

Stayed at home like a good girl do
But Tonight baby you got me sad and blue
I just heard about the girl in your car, y'all kissing at the bar
Got me crying

[Chorus:]
Ohhh, you got me hatin' on the club
'Cause you took my love
Oh you took my love
Now you got me like whoahhh
You got me hatin' on the club
'Cause you took my love
Why'd you have to take my love
Whoahh

And you can be mad at me all you want
I ain't coming in, I'll be waiting out front
Coming out the door with your girlfriend
You did me wrong boy tell me where our love went

Stayed at home like a good girl do
But Tonight baby you got me sad and blue
I just heard about the girl in your car, y'all kissing at the bar
Got me crying

[Chorus:]
Ohhh, you got me hatin' on the club
'Cause you took my love
Oh you took my love
Now you got me like whoahhh
You got me hatin' on the club
'Cause you took my love
Why'd you have to take my love
Whoahh

Now this is the sound of a broken heart
There's only one reason why we're apart
She never woulda made it to your car
If it wasn't for the club, I'd still have my love
We would still have us
I'd still have my love
We would still have us

But now we're like whoahhhh

Ohhh, you got me hatin' on the club
'Cause you took my love
Oh you took my love

But now, now we're like whoahhh
You got me hatin' on the club
You took my love
Oh you took my love

WHATEVER!!!!

Actually, wala akong maisip ngayong araw na ito at ewan ko ba kung bakit. Palibhasa kasi papalapit ang birthday ng iba diyan at hanggang sa “dreams” ko eh biglang nag “pop-out” ang pangalan at personality ni emphee!! Hahaha!! How funny!

Anywayz… kagabi, bago ako matulog, halos masinsinan kong narerember ang lahat ng treasured moments namin ni…itago nalang natin sa pangalang “emphee” at parang di obvious ang name sang sou niya at bigla nalang akong nadapuan ng antok at nakatulog sa kantang “very special love” ni Sarah G.at alam kong yun ang pinakakacheapang kanta sa phone ko….

And this is the gist of my post…

Isang party sa bahay nila Rozen Franco “my friend” ang naganap at ewan ko rin ba kung bakit feel na feel ko ang outfit ko nun at di ako mapakali sa kinauupuan ko na biglang dumating si emphee na nakauniform ng CAT tandang tanda ko pa ang moss green nilang uniform na nakatuck-in ang upper at formal na formal ang pustura, kasama niya noon si Jaime ang kanyang besprend ng mga panahong iyon.

As usual… pinanganak akong pa-girl ng nanay ko na si Gigi-ann kaya naman dinapuan ako ng pag-inarte ng mga panahong iyon.

Actually, naimmuned lang ata ako talaga na sa lahat ng lalaking nakilala ko at naging friends… bukod tanging si emphee lang ang nakakagawa ng pagtusok ng hintuturo niya sa tagiliran ko na sa totoo lang! masakit at nakikiliti ako. Eh yun naman talaga ginagawa niya pag dinadapuan ako ng kaasiman syndrome at paulit ulit niyang ginagawa yun hanggang tumahimik nalang ako sa sobrang sakit.

Yun nga ang ginawa niya at in fairness… randam ko ang pain pero satisfaction ng ginawa niya sa akin yun at alam ko naman na paglalambing “daw” yun!

Moreover, di talaga matigil ang inarte syndrome ko ng mga panahong iyon at naisipan ko nalang na di kumain ng spaghetti at pumunta sa tindahan na malapit sa bahay ni Aguasin.

Habang kumakain ng di ko na matandaang pagkain sa nasabing tindahan, nakita ko si emphee na sumakay ng sidecar kasama si Jaime. Nagtaka ako kung bakit at nakarandam ako na baka di na siya bumalik. Nafeel ko noon na useless na ang pakikipagmingle sa bahay nila Rozen dahil wala na siya. Nafeel ko ang panghihinayang kung bakit pa kasi nag-inarte ako ng todo-todo kaya siguro nawalan ng gana si emphee sa akin at pumunta nalang sa ibang lugar na gusto niya. Alam mo yung feeling na para kang naembalido at gusto mong habulin pero wag nalang dahil ka-o.a na!

Naisipan kong bumalik sa bahay nila Rozen na may panghihinayang ang nararamdaman sa aking heart. Gusto ko ng umuwi ng mga panahong iyon.

At biglang bumalik ang sidecar na sinasakyan nila emphee at as usual sakay ang mga passengers na sila emphee at Jaime. Natuwa ako at binati si emphee na “san kayo galing… kala ko umuwi na kayo…

Sabay sagot ni Jaime na meron daw silang sinundo….

At biglang lumabas sa sidecar ang isang girl na maputi at mahaba ang buhok…
Si CATHY ang lumabas sa sidecar na tinutulungan pa ni emphee na may pahawak hawak pa sa waist ni cathy at nakakabanas tingnan.

sa sobrang shock ko… at in fairness… gusto ko sanang putulan ng binti ang tatlong taong nakikita ko ng mga panahong iyon at wala akong pakialam kung bakit pa nadamay si Jaime!... bigla akong nakirinig ng “jai-ho” ng pussycat dolls somewhere…

yun na pala ang alarm sa phone ko at 7:30 na ng umaga!
Punyeta… late nanaman ako sa class ni mam joy perez…16!

Monday, June 22, 2009

abril otso 2005


Minsan ng nagimbal ang buhay ko dahil sa isang taong
Sabihin na natin na nagturo sa akin
kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng isang pagmamahal
Marahil hanggang ngayon,
Parang “Balikbayan Tape” na nakadikit sa utak ko
Na kahit pilit ko mang tanggalin
Eh nandoon pa rin at nakaplaster sa kukote ko
Lahat ng ala-ala na aming pinagsamahan
Binigyang diin ang pagakakaibigan na nagmula sa paghanga at hanggang ngayon,
Nananaig pa rin pa rin ang nasabing relasyon
Kahit dagat pa man ang pagitan ko sa kanya
oo… matagal ko ng hinahangaan ang taong ito
na siyang humalina sa akin na ibigin siya
sa loob ng apat na taon
pagmamahal na akala ko noon ay mali
at taliwas sa batas ng diyos at tao
pero siya ang nag-udyok sa akin na kalimutan lahat ng batas
at ipagpatuloy ang nararandamang naaayon sa batas ng puso
minsan na akong nasaktan dahil sa pag-ibig na ito
pero yun ang pumukaw sa akin
sa katotohanang ang tao ang siyang humuhulma
at hubugin ang bawat poot na nadarama
at sa bawat lilok nito ay lumalabas ang anyo ng pag-asa na kaya ko palang maging masaya
na wala ang pagmamahal na inalay ko sa loob ng mahabang panahon
matagal ko ng natutunan ang salitang “martyr”
at siguro,
parte na yun ng buong katauhan ko
ayoko ng umasa muli
na balang araw,
may matatagpuan akong isang tao
na hihigit pa sa pagkatao niya
sapat na ang lahat ng pangayayring iyon
at tama na ang guni-guni
matagal ko ng binaon ang lahat sa limot
ngunit bigla itong inuungkay na wala naman sa lugar
ngayon, kuntento na ako na kung anong meron ang tadhana sa akin
masaya na ako na ang pag-ibig na iyon ay isa na lamang kasaysayan
at di na dapat ungkatin pa

Last November 12, 2002



Minsan akong naghahanap ng maisusulat sa blog ko ng bigla akong nagulat sa nabasa ko sa aking mahiwagang diary. Alam ko naman its so “ka-cheapan” kung ano man ang nakasulat sa post na ito pero as far as I remember na sinusulat ko eh I was in the corridor (4th floor to be exact) ng school namin at masama talaga ang pakiramdam ko nun. Masama ang pakiramdam ng aking heart ng mga panahong iyon at wala akong malabasan ng sama ng loob ko dahil alam ko naman na babastardahin lang ako ng mga friends ko.
Pero honestly, it was one of my painful… essay ba to or what?... ewan! Basta feel ko lang ipost to dahil total… malapit nanaman ang bday ni ……. Hahahaha!

November 12, 2002

Before, I wrote something of what is the definition of love in my own point. And I said…
Love is someone who really felt this kind of emotion…

“If you love someone, set him free”
Ang hirap magpakatotoo kung ito ang pinag-uusapan. Some people believes you, others… hindi.
Ang hirap in aspects na dikta ng utak lang yan o dikta ng bunganga pero tila dugong dumadaloy pa rin sa puso mo at dun lang nakastock hanggang sa dumating ang araw na pupuno ito at sasabog… parang dynamite! Ang lakas ng impact.
Mahirap, masakit at kailangan ng tatag ng loob, isip at damdamin.
Sa labanang ito, para ka na ring napasubo sa surgery.
Mahirap kasi kailangan mong tanggapin na di siya sayo. Gawin mo na lang yelo… Chemistry class
Yelong-yelo ang dating na may molecules at atoms na compress na compress sa isa’t-isa.
Liquid can take the shape of the container
Ang container… siya
Pag walang container, un-identified shape yun.
You should solidify the liquid that is in the container para kahit papano, may shape siya kahit wala ang container.
In other words…
Kaya mong tumayo na di na siya kailangan
Masakit kasi pinipilit mo ang puso mo na di mo na dapat siya minahal.
Nagmahal ka nga pero akala mo mali
Nasaktan ka dahil alam mo at akala mo mahal ka rin niya
Iiyak ka ng balde-balde at mamaya maga na mata mo
Noong una kong sinulat ang definition ng love,
It is not just an obsession, infatuation or something.
It comes deep inside your heart
And you don’t explain this feeling.
Mahirap talagang magmahal lalo na kapag yung minamahal mo… di kayo pwede.
Bahay na may pinto na nakalock at nasa labas ka
Di ka makapasok
Ika nga ng teacher ko…
0.05% out of 100%
Someone fell in love (true love)based in my gender preferences
For those 0.05%na yun… sino kaya?
I don’t want to expect things….
Even though that I will wait for the right time, still…
Alikabok at dumi lang ang gugulantang sa kamay ko.
Akala ko noon, crush lang ang tingin ko sa kanya
Lagi kong sinasabi sa mga friends ko na
“crush ko lang yan”
Pero di nagtagal at lumipas ang araw, buwan attaon,
Yun na pala yun
At di ko inaasahan…
Nauwi rin pala sa pag-ibig ang lahat
At dun rin pala ang kinahahantungan.



Tuesday, June 16, 2009



Addict sa audio books…
Well well well…. Alam mo naman ang earth.. sobrang dami ng innovations at ang technology nowadays eh masyadong mabilis na at nakakalokang isipin na nauuso ang audio books… haay…
Maraming salamat sa 4shared.conm dahil may mga list of audio books ang puwede iinstall sa ating mahiwagang mp3 o ipod. Nakakatuwang isipin na di mo na kailangang magpakasasa sa pagbasa ng mga makakapal na libro para maintindihan ang message ng binabasa mo.
Sabihin na nating adik ako ngayon sa audio books na tinatawag na yan kaya laging may earphones na nakakabit sa dalawa kong tenga na kahit nagcocommute eh nakikinig ng audio books. at least… di obvious na nakikinig ako ng gospel at alam ng iba na kantahing pangkabataan ang pinakikinggan ko! Haha! Nakakatawa pero in fairness… may part din naman sa buhay ko ang paggiging makadiyos at di alam yun ng iba… isang malaking sekreto yun… ( secret pa ba ang pagpost nito sa blog…?) marami ang magrereact diyan pero yun ang totoo at walang halong char. Di ko kailangan ng mga reactions nyo dahil ako lang rin naman ang nakakaalam sa mga pinangagagawa ko sa sarili kong buhay.
Tama na ang diyos diyosan dahil marami na akong fans na di naniniwala… basta… isa akong adik sa audio books ngayon at yun na yun!
-------------

Addict sa facebook
Bago palang ako sa mundo ng facebook pero simula nung Sunday… nakakahumaling ang alindog ng nasabing communnity online network…. Tama ba ang term..? anyway… kaya pala megafacebook ang aking sis na si Lesh dahil bonggang bongga ang features nito na parang bagong unit ng nokia tapos pagkakaguluhan ng buong sandaigdigan. Actually… matagal na akong may facebook pero di ko naman pinapakialaman dahil nakalimutan ko ang password nito… hehe! Kaya nung Sunday, habang naiisip ko kung ano pa ang gusto kong sabihin sa blog ko eh biglang sumegway itong tinatawag na facebook na parang tinatawag ang aking pangalan sa karimlan at sinasabi na kahit utang na loob man lang eh bisitahin ko naman ang aking facebook account. So ang ending eh sumakto naman ang password at kala ko naman eh nagchange ako ng password… (in fairness… lahat ng accounts ko mapayahoo man o friendster, plurk, hotmail, blogger… iisa lang ang password sa lahat ng iyon at yun ay…… hahaha!! Bukod tanging si david lang ang nakakaalam nun!)
By the way… natutuwa ako sa mga quizzes at parang feeling ko eh troooooo lahat yun even though pawang kasinungalingan ang iba… pero troooo talaga siya sa paninign ko… (ano ba!) at nakakaloka ang mga comments, suggestions, iterenaries at kung anu-ano pang festivity and merrymaking sa nasabing website.
Di lang ako sa adik sa blog pero may bago akong kinahihiligan at ito ang facebook… hahaha!!!
----------------




by the way.. isang malaking hapi baday sa mga mahal ko sa buhay....
lianne-june 12
Emphee-jun 27

at by the way... malapit ko na talaga ipost ang aking bday post na two weeks ng nakakalipas... salamat!

Sunday, June 14, 2009

Independencia yopakerns to rock….



Paulit-ulit nating ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan at ilang ulit na ring nararamdaman ko na sa ganitong araw… hindi ko nafefeel na araw ko nga na magbunyi ng kalayaan sa aking self! Halos ilang taon na ring sinasalubong ko ang araw na ito na may raket na nakagulantang paggising ko pag independence day.

Hindi naman siguro masama kung gawin mo ang gusto mong mangyari na walang hahadlang sa iyo. Kaya nga pag nakikita ko ang statue of liberty eh nafefeel ko ang justice league na isa akong malayang tao at gawin ng gawin ang gusto kong gawin hanggang magsawa ako sa ginagawa ko at maiisip ko nalang sa banding huli kung ito ba ay isang kahalayan, kasakiman, pag-iinarte o kaya naman kaasiman ng todo-todo na maaari ring humantong sa paglulon ng bato na ako pala si Darna… ay mali! si Zsa Zsa Zaturnah pala (fire-out!) na kaya ko palang iligtas ang sangkatauhan dahil sa paninindigan na meron ako! CHAKS!

Marami sa atin na sa araw ng independence, naaalala natin ang pagbunyi ng kaluluwa ni Jose Rizal noon June 12 1897 dahil sa pagtsugi ites ng mga espanyol at pagbagsak ng Spanish colony sa ating motherland. Nagsusumigaw ang bunganga ni Gabriella Silang ng mga panahong iyon at ito namang si Gregorio Del Pilar na ultimate crush ko sa lahat ng mga bayani eh naligwak ang buhay dahil sa di namalayang entrapment somewhere in the blooming fields of Luzon.. Pasenciya nakalimutan ko lang kung Cavite ba iyon o Tarlac… ewan!!! By the way… halos ilang dekada na ang nakalipas pero kahit ako… di ko pa rin maramdaman ang kalayaan na ating minimithi pwera nalang kung freedom of expression ang meron ako at ang lahat. Ilang panahon na nating pinaglalaban ang salitang NASYONALISMO na paulit-ulit nating napanonood sa lahat ng networks sa TV at RADIO at kahit sa pagkamatay ni Francis M eh mega promote ang t-shirt at accessories showing nationalism sa mga pinoy.

Kalayaan sa pagitan ng pagpili ng tamang manungkulan sa gobyerno ay pinagkait sa ating mga Pilipino. Di naman sa pagiging pessimistic pero base sa nakaraang eleksyon, hindi ko masasabi na malinis ang labanan ng mga kandidato at makikita naman natin kung ano ang naging resulta ngayon.

Actually, habang ginagawa ko tong post na to eh naalala ko ang homily ni Father ek-ek… Im so sori again… nakalimutan ko ang name… na one of the factors of crisis nowadays is selfishness. Kaya maraming tao ang apektado dahil sa kasakiman ng isang maimpluwensiyang tao na gusto niya sa kanya lahat at higitan pa kung ano ang meron siya!. Kahit naman ako eh nagnanais ng Hermes bag na 2.5 million ang isa at gusto ko pa ng tatlong Hermes bag pero iba naman yon… karangyaan ang gusto ko at di corruption.

Sana, sa susunod na election process eh maayos na ang lahat… kalayaan nating magkaroon ng gobyerno na tutugon sa adhikain ng bawat Pilipino at hindi tutugon sa pangangailangan ng mga taong mahilig sa pera, prostitusyon, sugal at kung anu-ano pa.

At icoconect ko lang kung asan ako nung independence day…

Kalayaan ko rin naman sigurong kumita ng pera kaya rumaket muna ako somewhere at kalayaan din ni Mother Earth ang paulanin ang lugar na iyon na to the point na nilalagnat ako hanggang ngayon dahil sa hamog at matinding lamig sa Manjuyod at kalayaan rin ng katawan ko na sumurrender kaya may I rest in banga ngayon….

Thursday, June 4, 2009

I hate enrollment….

Time break muna sa pag-iisip ng birthday post ko at eto muna ang mauuna at bubungad sa blog ko all over the net… but ipopost ko talaga siya kaso malanobela ang concept kaya it takes time… hehe!
Hay naku! Masyadong nakakairita talaga ang enrollment lalo na kung maraming tao ang nagpapaenroll! Nakakadismaya na palibot-libot ka ng skul dahil sa nag-iisang sign ng aming mahal na Dean na napakaimportanteng handwriting sa load form ko.
Feeling ko nga eh first year ako ulit… (feelerette) dahil puro kasama ko this day na nag-eenroll eh puro first year. Di nila alam na graduating na ako at nakikisiksik sa pila ng mga freshmen at kulang nalang eh kumuha din ako ng entrance exam at magtutumili sa saya dahil nakapasa ako sa nasabing exam na para bang UP na skul ang kinuhaan ng exam (ka-o.a).
Siyempre… di naman sa panlalait pero habang nkatayo ako sa may gilid ng Deans office namin eh para bang may basura sa gilid ng office dahil sa masalimuot na amoy na para bang pinaghalu-halong putok, anghit, burat at kung anu-ano pa. iniisip ko nalang na hindi madaling makipagsiksikan sa isang mataong lugar at di naman air-conditioned ang skul namin. Siyempre, mega Pocari sweat ang concept at masyadong maasim ang bawat pawis na dumarampi sa skin mo… (eeew). Pero di naman ako maarteng tao kaya may I cover nalang my nose kahit feeling ko eh ikamamatay ko to dahil sa asphyxia na syndrome.
Ang pinakaayokong office sa lahat ay ang registrar dahil sa sobrang bagal ng process. Parang makikita mo lang yung mga mukha nila sa loob ng opisina na hindi haggard samantalang yung mga nakatambay sa labas at nag-aantay ng kanilang documents eh wasted na wasted ang concept na para wala ng bukas! Haayyy naku! So nakakaimbyerna.
Sana nga may isang eskwelahan na ang process sa enrollment eh nakaupo ka na lang sa isang kiosk at may machine sa gilid mo na hihigupin yung perang pinang-enroll mo at lahat ng sign na kailangan mo ah nakacomputerize na para din a stressful ang enrollment period! Yun na yun!