Wednesday, November 25, 2009

Si Janine Papakabog (Part 2)

magpopost din ako ng mahiwagang photo blog about IPR... wag ng magreklamo dahil blog ko naman to di ba? tsaka na ako mgadadagdag ng additional info about this at in fairness... di mahahalatang megaeffort ang pinangagawa ko sa event na ito...



Taken during the newbies' Formal Dinner
Ako ay pansinin...
parang delegate lang ng UNICEF...


K-pop ang theme ng IPR kaya nagmukha lang naman kaming koreans!
Ba't ako... nagmukhang pok-pok?


Korean Pop Girls...
LtoR: Roxanne, Rina, janet, Shiela (parang sasali lang ng pageant), Dora, marga (actually.. marami ng pictures si Marga kaya ito nalang pinili ko), Nadine, Lycel, Rolyn, Caroline, ako (wag iemphasize ang bilbil), Chessa (parang magrarap lang)

Angelina? kaw ba yan?
Scene yan sa skit presentation namin at ako daw si Jan Dee (di Obvious)


ang Tne1 girls na 2ne1 in reality


imaginin nyo nalang na si Minzi yan... nagcurl ng buhok tapos hiniram yung swimsuit ni
Boom tapos nakashades dahil malaki ang eyebags dahil sa concert tour...


Si Dora ang gumanap bilang Dara ng 2ne1..
actually.. hindi siya nagmukhang Dara...
nagmukha siyang Isa sa mga cast ng Kung Fu Kids...

Si Nadine naman ang gumanap bilang C.L ng 2ne1.
parang may riot lang sa kalye tapos basagan ng bungo ang show...


Another change outfit... pasensiya na kung ngarag...
naglaro kasi kami ng hammer hammer daw tapos ginawa kong Mik Mak (sakto ba?)


Makikita sa larawan kung paano binaboy ang pagkatao ko kaya yun na yun!

Hindi naman talaga ako malandi... (kung ayaw niyong maniwala... wala akong pakialam) pero di ko naman sinabi sa mga photographers na kunan ako ng mga shots na ganito. sa mga babaeng inggitera... ewan ko nalang! sa mga baklang nagseselos... manigas kayo sa inggit! hehe!


Parang may kasamang lang na Unico hijo tapos mayaman ang mama niya...
(Sori na gud Lesh... di man ni siya tinuyuan)

At kasabay ng lahat... kumikilintari pa kay Russel...
stolen shot po yan...

another stolen shot... nakasaad po sa skit ng performance ang ganitong eksena...
di po ako malandi...

Biglang lumapit si Joel at bigla akong niyakap... No choice!


ewan ko ba kung anong meron si Joel na para bang magnet na lagi nalang ganito... Ano ba?


Gian... sabihin mo na ksi kung liligawan mo ba ako o hindi... (feelerette)

habang nag-aantay ng masasakyan...
L to R: Dora, Jojo, DjRem, Chessa (happi birthday) Cheeno (halatang walang ligo) Ako (as if din naman na naligo) and Poldo.


Ang first time ever na boodle fight experience...
kailangan maging prim and proper...

More photo blogs to come... Hehehe!!


Sunday, November 22, 2009

Si Janine... Pakakakabog?

The IPR was great!

wala pong bahid ng kaplastikan ang lahat.
for more info sa lahat ng emotions ko nung IPR,
pakivisit nalang ang isa ko pang blog...
ito ay makikita sa right side nito...
nakatitle ng SEE MY OTHER LIFE...
subtitle nito ang
CONFESSIONS OF BEA the DRAMA QUEEN
at ang pinakasubtitle nito...
SI JANINE... PAPAKABOG?

alam ko naman na di kayo katangahan di ba?
kaya pakivisit nalang...
Thanx!

Thursday, November 19, 2009

ang salitang "echUs"

kalimutan muna ang pag-iinarte at kadramahan sa buhay....
kalimutan muna ang mga pangyayaring di na sana nangyari...
at kung ano man ang mga ito...
sana lang naging "ECHUS" nalang ang lahat...

marami ng gumagamit sa salitang ito at kahit yung iba, di alam ang meaning at para makiuso nalang, ginagamit ang term na ito para makiuso at yung iba, para lang makapagsalita ng gay linggo at tatanga-tangang ginagamit ang verb na ito kahit saan mang sentences. Yung iba naman, kadalasang ginagamit angterm na ito sa huling word sa sentence nila at kahit may period na ito, kusa talagang sinisiksik ang salitang "echos" kahit di naman needed sa sentence. Sa mga taong gustong malaman kung saan bang babaylan o kaya naman planeta nanggaling ang "echos" better read this post para naman alam nyo yung meaning ng sinasabi niyo at hindi kayo matulala at "lala" o toolbar (another meaning associated sa Bobita!)! di ba?

so ready ka ng malaman kung ano ba talaga ang meaning nito?
as in?
sure ka?
ayoko kaya? (pagirl!)

ang salitang ito, kadalasang naririnig sa mga baklang walang ibang alam kung di manglait o kaya naman magsabi ng puro kabaklaan to the point na minsan, non sense. sa totoo lang, maririnig sa mga bungangang mga bakla ang salitang ito! EWAN KO NGA KUNG BAKIT BA!

Based sa Wikipedia, ang salitang echus ay kadalasang ginagamit sa Mars... yes! you heard it right! (talagang nag-effort akong magresearch!) may dalawang terms ito tulad nalang ngEchus Chasma na ang ibig sabihin sa planetang Mars ay pangalan ng isang plateau doon na para bang maihahalintulad sa Cagayan Valley o kaya naman angpinaka-known sa lahat, Bagiuo siya in Philippine Setting. well, isa sa pinakamalaking bundok sa planetang pula ay ang Echus Montes! (naks, megaeffort na toh!) opo, pakivisit nalang angWikipedia for further explanation sa mga anyong lupang ito atnakakapagod talaga mag-explain for further info.

Siguro, magaling talagang mag-imbento ng words ang mga bakla at ultimo mga words na galing sa ibang planeta ay nagagamit for everyday language. kung gusto mong magsabi ng wala lang naman, whatever kung pasosyal, kung magsasabi ka ng mga bagay na dapat di paniwalaan, kung gusto mong magsabi ng mga bagay na ang kalabasan ay hindi makatotohanan, yun na yun... at yun ang salitang echus at yun ang meaning nito.

ang echus ay maraming synonyms. as in! habang tumatagal, kusa itong nageevolve base na rin sa mga gumagamit nito. ang term na ito ay puwedeng ihalintulad sa "char" na parehas din ang meaning. kadalasan, habang nagkakape ka sa isang coffee shop at may naririnig kang may dalawang baklang nag-uusap sa paligid mo at laging bukambibig ay ang salitang "charot", "charnes", "charnesflou", "charotisima", "charms", at "charmos", parehas lang yun ng meaning sa echus...

at habang patagal ng patagal, kusa itong humahaba na ang gustong palabasin, makapagsabi lang ng pinakamahabang word sa lahat at papatay sa "supercalifragilisticexpialidocious" na term, talagang ginagawan ng mga baklang pahabain ang salitang "echus". Kung may maririnig kang baklang putak ng putak at wala kang ibang maririnig na ibang salita sa bunganga niyang may lip gloss kundi puro "echuserang palaka" o "echuserang frog", parehas lang ang meaning nun...

at mas lalo kang magimbal dahil parehas lang po ang meaning ng "echus" sa "charmolin patez" na kadalasang ginagamit ko ang term na ito kung di ko alam ang lyrics ng mga songs na kinakanta ko ng impromptu.

haay naku... at yun ang echus! HAPPY USING IT...

ang salitang "echos"

Sunday, November 15, 2009

Missin my Best Buddies

taken during the despedida of Aimi
From left to right: chryss, patchot, aimi, lianne (parang siya ang may despedida), bes, Karen A, Malou and Rags

Left to right: Bes, Eric, Aimi, Martin (parang Birthday lang), Lianne, Bebe (ang outfit parang sapin-sapin)

PS: habang tinitingnan ko ang mga tagged photos (di na Photo tags), I am starting to miss my old friends in Manila. It’s just that It’s so hard na mapalayo sa kanila but I have to.

Yesterday, Isang malasenior citizen celebration ang naganap sa bahay ng malarelihiyosang babae na si Rags at katext ko si Eric kagabi na wala daw naganap na nomohan dahil na rin sa sagrado ang bahay at ang mga nakatira dun. Buti naman kung ganun para kahit minsan, matigil ang mga temptations pagdating sa vices.

Sobrang dami na ng mga taong nakilala ko pero di ko talaga makakalimutan ang mga happenings naming magbabarkada dahil na rin sa iba’t-ibang kagauhan at ka-okrayan na nangyayari at di ito pinaplano at wag ka… impromptu ang lahat! dahil na rin yun sa different personalities naming lahat at to the point na swak na swak talaga kami with each other at hindi hadlang ang salitang snakefriends sa barkada (tama naman ako di ba?).

Di ko na mabilang ang memories at ang dami-dami na. let me share you some of the most unforgettable moments ng bawat isa at wala akong pakialam kung ma-ban ang blog ko sa St. Anthony…

MAkikita sa pic na siya ay mayaman na...

Chryss…
Alalahanin natin ang mga panahong bigla ka nalang sumuka ng chocolate after recess. At alalahanin mo ang panahong na-in love ka kay Eric at si Eric pa ang naging dahilan ng conflict ninyo ni Bebe… pagkakacheapan!

gud luck... see you soon...


Aimi…
Ang babaeng simula grade 4, lakwatsera na to the max. di ka makakaligtas at porket babalik ka na ng Japan, alalahanin mo yung mga panahong nag-uumiyak ka sa hagdanan ng bahay niyo dahil di ka pinayagan ng mama mo na maglakwatsa!

maliit lang talaga ang height ni Rags at yun ang katotohanan...

Rags…
Ang babaeng madasalin pero deep inside, may kakatihang tinatago. Well, wala akong masyadong moments sayo dahil di ka naman talaga sumasama sa mga kademonyohang gingawa ng barkada. Basta keep up the good work at wag kang padadala kay SHELAI! mas malandi pa yan sa lahat! hehe

Umaasenso na si Malou! Ang taray!

Malou…
Ang babaeng megacryola nung sinabihan ng OKRAY ng isang babae. Hahaha! Kakaloka! Hanggang ngayon di pa rin ako makarecover at eto pa, sa lahat ng CHAIRAMABELISH na grupo, siya lang ang nag-attempt na tapusin ang degree na BS Industrial Engeneering! Kabogera!

as usual... maasim pa rin si Bebe...


Bebe…
Ang babaeng bakla! Be… ang dami nating moments at alam ko, mapupuno ko ang blog ko dahil sa moments na pakana mo lahat. wala talaga akong maisip sayo at kung may naiisip man ako, yun yung mga panahong binubugbog ka ni patchot… for more details, just ask my Bes about it! Hahaha!!

At least di na mag-iinarte dahil kay Ton... I'm hapi for you friend!

Lianne…
Sino ba naman ang makakalimot ng salitang LAMAT! Haha!! At dahil na rin sa kaminiacan ni Aw… Aw… Aw…, nadawit pa ako! Anyway, sana naman di na mangyari ang lamatan moments at kung ako sayo, ilayo na ang boyfriend dahil baka mamaya, maulit ang nakaraan!! Hahaha!!

Pahirapan ang Picture ni Shelai! kakaimbyerna!


Shelai…
Ang kalaro ko noon ng habulan kila Ann Rose at ang babaeng mahinhin daw pero maharot! Ang best beadle at alalahanin mo yung mga panahong kasama kita na pamupokpok tuwing gabi at kung tatawagan mo sa bahay nila, laging tulog…

bes no comment muna ako!
Bes…
Bes alalahanin mo lang yung moment na habang nagbibilyar tayo kila Bebe at sumisipsip ka ng Melon Juice, bigla mo nalang hinagis sa mukha ko ang melon! Yun na yun!

pakiupdate ang Friendster sa mga pics!
Ryan…
Nung naglalakad tayo sa sa may Philippine Womens University at bigla nalang tayong tinawag at kinausap ng Call Boy… yun ang signs kung bakit tayo naging girl ngayon! Hehe!

asim... parang kulay ng balat lang niya noon...


Fifi…
Alalahanin mo lang yung Britney Spears Inspired costume mo noong Xmas Party at dahil sa pag-mamaasim mo… Di ka naging Britney Spears, nagmukha ka lang Basura… at wag kang mag-alala… yung 1 taw mo, asahan mo nalang di na yun babalik sayo! Hahaha!!!

lalaki ba to?

Martin…
Nung mga panahong isinaboy sa suso mo ang katas ng basura… di mo ba kinamumuhian si Fifi nun…? Ask ko lang para naman may lamatan na magaganap ngayon di ba? dapat ka talagang magalit kay Fifi dahil siya ang dahilan kung bakit ang sama-sama ng tingin sayo ng Tone dahil sa mga chismis na pinagkakalat niya!

Manaj! (came from the word manager)
Paolo Aqui (manaj)
Pakiconfirm nga yung nangyaring malabrokeback na eskandalo noong nasa MonteVista tayo? Ask ko lang kasi kailangan ko talaga ng clarification… thanx! Hahahaha

di pa nakabrace... hehe!
Paolo Aguila…
Pao… ano naman yung nabalitaan kong sinisira mo daw ang reputasyon ni Magbanua sa Office niyo? Alam naman natin ang katotohanan di ba? Kaya hayaan na natin… hahaha

parang tatay lang!
Eric…
Musta na si Lianne? Nakarecover ka na? hahaha! Yun lang!

my advice: wag ng magsuot ng sando... nakakatakot...
Ramel…
Alalahanin lang natin ang salitang Demonyo… Si ramel na yun… oist… aminin na natin na mas demonyo ka kesa sakin…

Karen Alborte…
Ang isa pang demonyo… Demonyita kung baga… well… ang nagpauso ng Dance Revo noon at di pa nakuntento, bumili talaga ng Dance Pad… haay naku… kaloka!

Patchot…
Pakiconfirm nga din yung naganap sa Taxi? “sige na friend…” hahaha!!

Balita ko naghihirap ka na daw?
Borge…
Eh eto mas matindi… Paki-confirm lahat ng eskandalo ninyo ni Martin noon… pls lang para matahimik na ang barkada!! Hahaha!

May kulang pa ba? Sana wala… Anyweiz… ganyan lang kami maglambingan… Brutal di ba? Pero lahat ng issues and controversies eh we settled naman…

I’m so thankful that God gave me these wonderful people coz they accept me for who I am and I really treasure the friendship that we have… as an old cliché goes… “till death do us part”

Super PS… mega effort talaga ako nito dahil sa request ni Aimi… serverguenza!!! at sa mga walang pics... di tayo friends sa facebook at friendster... wag umarte!

Saturday, November 14, 2009

nakakashock!

Kung dumating ang isang araw sa buhay mo na bigla ka na lang pupunta ng hospital tapos biglang sasabihin sayo na “posibleng may taning na ang buhay mo”, Ano kaya ang una mong mararandaman? Kailan kaya darating ang araw na iyon? Paano mo ba lalabanan ang pisikal at emosyonal na nararamdaman mo sa gitna ng lahat? Saan mo ba gustong mahimlay? At bakit ba dumating sa buhay mo ang ganitong pagsubok?

Makakayanan mo ba? O kakayanin mo na lang?

Hindi pa po ako mamamatay and I would like to clarify that one. Syempre, nakakagimbal ang ganitong sitwasyon pero yun ang mga tanong na sumisink-in sa akin yesterday. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nasa isip ko at dahil na rin siguro sa mga naganap kahapon at gabi ko na nalaman na Friday the 13th pala at wag ka… naloka ako talaga.

Matapos ang walang humpay at “laborious” celebration namin ng mga college friends ko, bigla ko nalang naramdaman ang hilo at sakit ng pangangatawan na iniinda ko na talaga this past few days. Kasabay nito ang di maintindihang pananakit ng aking tiyan na di ko talaga alam ang dahilan kung bakit. Kala ko nun… simpleng trankaso lang pero kahapon, hindi na siya normal…

Minsan lang ako pumunta ng doctor at nagulat sa sabihin nalang natin na “hypothesis” nito. Mas naloka ako na kailangan daw ng blood samples dahil sa mala-OA na explanation ng doctor.

Matagal na akong nakakaranas ng hilo pero again dedma! Pag nakakafeel ako ng hilo, di ko talaga sinasabi sa iba na nahihilo ako at nacocontrol ko naman siya.

This past few months, madaling mamula o magkapantal ang aking skin kahit simpleng kalot lang yung walang force baga… tapos, alam ko rin naman na madali akong magkapasa kahit simpleng bunggo yung walang effort…

Siguro naman… sa pagkahyper ko, alam ko rin naman kung may nararandaman ako o wala. Pero kahapon, nagulat ako sa sinabi ng doctor na may possibility na may sakit akong leukemia kung masyadong mababa ang aking RBC at kung carry-carry naman, anemia lang daw.

Actually, nagulantang ako sa sinabi at di ko ma-explain ang feeling ko. Habang kinukuhaan ako ng blood sample, hindi ko talaga maalis sa isip ko na mamatay na pala ako hindi dahil sa accident kundi dahil sa malubhang sakit.

Wala pa yung results sa mga tests na ginawa sa akin at aantayin ko pa ang results next week. I keep on praying na sana… anemic lang ako.

Sana lang…

Thursday, November 12, 2009

Photo Tags…

Nauso ang photo tags sa Facebook at inaamin ko naman na sinasayang ko ang buong oras ko sa FB na puro pagcocomment nalang ang ginagawa. Noong una, naaliw ako sa pagcocomment ng bonggang bonggang mga echos at puro kacharmolinan pero di nagtagal, I felt bad sa mga comments ng IBA diyan na di na marunong maghalintulad sa joke at personal na buhay.

Ang point ko naman, I am not that harsh to comment on those pics coz I know that it is open to all people at siyempre, yoko naman na manglait ng todo-todo coz alam ko ang salitang RESPETO.

Siguro, nakaugalian na nila na di naman talaga ako pumapatol sa mga jokes na sabihin na nating below the belt o kung exaggerated pa ang term… durugan ng kaluluwa na lahat. Alam naman nila ni di ako totally affected pero may pagkakataon talaga na you’re going to loose your patience at di mo na masikmura ang lahat.

Kung ilang beses ko ng iimpose ang salitang respeto, alam ko naman na fault ko rin ang lahat dahil siguro, di ko na rin napapansin na lumalampas na din ako sa barriers at limitations. Nakikita at nararandaman na rin nila siguro na yung respetong iniimpose ko eh di ko na rin ma-impose sa sarili ko kaya nagkakaganito.

Sa ngayon, masama ang loob ko sa mga taong di na marunong lumagay sa kanilang kinatatayuan pero gustuhin ko mang ilabas ang kaimbyernahang nararamdaman ko… di ko naman magawa dahil ayoko ng isyu at gulo.

Hindi ako ang tipo ng tao na nagpapapansin unless kung ito ay isang echos o kaPATEZan ang lahat.

Kahit ilang beses ko mang sabihin o isulat sa blog ko ang mga galit na nararamdaman ko, wala naman itong kinahahantungan. Parang mas lumalala pa nga each day goes by.

Hindi ako perfect at dahil sa panunuligsa na akala nila ay isang malaking joke joke joke pa ang lahat, natututo akong maging perfect

Ayokong sabihin na itigil na ang pag-associate ng lahat ng hayop sa pagmumukha ko at talagang isampal sa sarili ko na ako ay isang kabayo dahil kung sa tingin na iba, ito pa rin ay isang malaking joke inside the premises of the office at hindi na nakakatuwa na may iba ng taong nag-aassociate ng kabayo na nakakaimbyerna dahil di kami close at dahil na rin sa photo tags sa FB. Gawin nalang nila kung ano ang nararapat gawin at ayokong himukin sila na gawin kung ano ang dapat dahil hindi ako si Moses para pangaralan sila.

Di rin ako malandi at alam kong lumugar kung saan ko dapat ilagay ang kalandian at ang pagiging pormal.

Ayoko ng gulo at wag nyong antayin ang araw na mawala ang lahat ng amor ko sa inyo at wag niyong antayin ang araw na sabihin ko sa harapan nyo ang isang malaking tanong na gugulantang sa mukha niyo… HU U?

Monday, November 9, 2009

On Leave…

Matapos ang apat na araw na hindi pagpapakita sa office at sa eskwelahan at isang malaking KEVS o kever sa enrollment na nangyayari sa university, maraming nagtatanong kung ano ba ang ka-echosang pinanggagawa ko this past few days. Para di na magtaka ang lahat… eto po ang mga nangyari na di ko naman ninais na mangyari talaga.

Nagulat nalang ako na biglang dumating ang kapatid ko dito at nagbakasyon ng ilang araw. Dala-dala ang mga balitang ikinagulat ko naman and again… isang malaking KEVS ang lahat.

Matagal ko ng alam na ikakasal na si (blank) at matagal ko ng sinabi sa sarili ko na wala akong pakialam dun. Pero di talaga maiiwasan na nasasaktan ako o nanghihinayang at inaamin ko naman yun personally. Gustuhin ko mang manggulo at maglagay ng bomba sa gilid ng simbahan at hahalakhak ng bonggang-bongga habang nakikitang duguan at tanggal ang mga binti at luwa ang mga atay sa mismong araw ng kanilang kasal pero wag nalang. IT’S USELESS!. Seriously, mas maganda nalang na ganito ang mga nangyayari kaysa naman maging OA ang lahat.

At sa sobrang toxic sa pag-iisip ng mga ganu’ng bagay, naisipan kong sumama sa mga couzins ko na maglakbay-diwa o maglamyerda nalang para ma-unwind baga!

At eto nanaman ang nakakalokang scenery na nakita ko ang friend ng couzin ko na itago nalang natin sa pangalang Bryan, kasama pala siya sa adventure trip naming magpipinsan. At alam mo naman ang lola mo, um-OA ulit at umandar ang pagiging pa-girl on the spot.

Ang nakakaimbyernang pangyayari ay naganap mismo sa barkong papuntang Cebu. Magkausap kaming dalawa sa barricades ng barko at natanong niya sa akin kung bakit ang choosy choosy ko daw pagdating sa boys. Mahinhin kong sinabi sa kanya na para bang di pa nababasag ang Hymen sa aking mahiwagang Labia Luvey na hindi naman sa pagiging choosy ang pagpili ko ng guy. It’s just that Di talaga ako flirt at ayokong mag-assume (kunwari lang yun para ma-impress siya. Nasobrahan ata ang pa-girl effect at biglang may bubble gum sa barricade na sinasandalan ko at kumapit sa pantaloon ang nasabing gum.

Somehow, naniniwala ako na ang bawat dagok na nararamdaman sa buhay natin, balang araw ay may katumbas itong biyaya na dapat bigyang pansin. Matagal na akong walang pag-ibig at eto na ata ang pinakahihintay kong moment para magising ang puso kong matagal ng natutulog (ECHOS). Habang sinusulat ko tong post na ito, di ko talaga mapigilang mag-play ang song sa isip ko ang kanatang “Pag-Ibig Nga Kaya” na kinanta ni Rachelle Ann Go at Christian Bautista. Di naman sa pagiging kacheapan, ganun daw talaga pag inspired ka.

Kung magpapakasal siya, yun ang sign na nagmove-on na siya at ako naman ay dapat magmove-on na rin at THIS IS IT! On leave na ako sa pag-iisip sa kanya at sana maging masaya sila sa araw ng kamilang kasal. Again, Seriously, may bahid pa rin ng hinanakit sa puso ko pero nacocontrol ko naman. Ayoko na ng gulo, at mas mabuti na ang mga ganitong pangyayari. I’ve changed my number at tanging sa on-line community nalang kami mag-uusap! At least high tech! at kung ang kasalang magaganap ay makikipagkompitensya sa kasalang Mar at Korina, KEVS!

BTW sa January 27 daw ang kasal at yun ay galling sa aking reliable source. Final na daw yun at kung sakaling may invitation card sa kasalang magaganap, di ko pa alam kung makakapunta ako. Busy ako niyan!