Friday, October 30, 2009
Paking Shet!
Ilang taon na rin akong walang pag-ibig… I mean yung taong magmamahal sa akin ng maximum level. Actually, nakakainggit nga minsan kung may nakikita akong magjowa na ang sweet sweet na para bang naglabasan na ang lahat ng species ng langgam sa ground smanatalang ako… stay luvless at feeling ko, ako na ang pinakachakang nilalang sa Earth.
Natatakot na kasi akong magmahal muli dahil totally natraumatized na ako sa pag-ibig naming ni (blank). Di ko na kailangan imention ang name dahil baka mamaya, lumaki ang ulo nito at maoverwhelmed ako at ulit, magkaroon ulit ng spark at LAGI NALANG GANITO! Paulit ulit nalang!
Dahil sa sobrang busy ko this past few months, nakalimutan ko na ang salitang pag-ibig. I stay focused sa lahat ng ka-echosang ginagawa ko to the point na kahit salitang paglalandi ay nakalimutan ko ng gawin (sa mga hindi naniniwala, PUNYETA!). Ano pa bang saysay kung bakit kailangan kong maghanap ng BUTAKAL at hindi naman ako na nasa stage ng “mating season” at di ko pa naman kailangan ng “artificial insemination” … parang baboy lang! anyway, with all honesty… nawalan ako ng panahon sa Boys…
Natapos ang finals at bigla-bigla akong nagulat sa mga pangyayaring di ko naman ninanais. Last Monday, habang nagkakape sa veranda ng bahay namin, bumugad sa akin ang isang friend daw ng cousin ko at eto naman ako, biglang nawindang dahil in fairness naman to that guy, cutie naman siya. Umandar ang aking pagkapagirl at bigla nalang naligo, nagbihis, nagpatuyo at nagplantsa ng buhok. Paglabas ko ng kuwarto, nagtaka ang lahat ng kasama ko sa bahay dahil bigla akong naligo at nagbihis ng walang pag-aalinlangan. Siyempre, naging tampulan ng tukso at eto naman ako, um-OA!.
Dumating ang oras na inaantay ko at dahil na rin sa mahiwagang BINGKA… kinuha niya number ko at halos um-OA OA OA OA OA na talaga ang feeling ko nun. Diyos ko naman… kahit pagirl ang projection ko, di pa rin naman nawawala ang aking pagiging ugaling bakla! Ayun, megatext kami at di pa nakuntento sa text at maraming salamat sa unli call dahil tuloy ang conversation naming dalawa at malaki ang gratitude ko sa cousin ko na pinain pa ako para lang magkakilala kaming dalawa.
Kahapon, dumating na ang pinakamoment of truth. Nagyaya ang mga pinsan ko na gumimick at siyempre, kasama siya. Umaga palang nung natanggap ko yung text messages ng mga pinsan ko at umaga din na mag-isip ako kung ano ang perfect outfit ko that night. Nasa utak ko na kapag magdress ako sa gimik, biglang mabulabog ang NORSU at di ako papasukin ng mga lintik na guards at maiiwang magkatabi kami ni mik mik (o ni boring) at ang ending, mag-aantay ng alas 9 ng gabi sa Burger Delights o BD at manatakin mo ba naman na may exam pa ako kay Eli dejaresco… ANG PINAKAMAGALING NA TEACHER… ironically, at ayoko naman na magmukhang huggard sa gimik di ba at expected ko pa naman na nandun siya.
So eto na nga… dumating na ang oras at sinundo niya ako sa IS (Internet Station) sa Bizhub at simula palang nung bumackride ako sa kanya, I mean, sa sinasakyan niyang motor, binungad niya sa akin ang mga salitang… “gwapa lagi ka ron…” o maganda pala ako sa paningin niya nung gabing iyon. Alam ko naman na may pagkaASSUMING akong attitude pero mahinhin kong sinabi na “di naman masyado” kahit alam ko sa sarili ko na talagang nag-effort ako di ba?
Dumating kami sa gimikan at natural… magkatabi kami kahit pahirapan pa kunwari na sinasabi ko pa na nahihiya akong tumabi sa kanya pero ECHOS lang yun… In fairness to him… nakikita ko na there’s something in him na nagustuhan ko coz… never niya akong ikinahiya and the way he treated me eh talagang pa-girl. Ewan ko nga lang kung talagang sinasabayan niya lang yung mga cousins ko o baka naman nagpustahan ang mga gago dahil alam naman nila ang history ko bout pag-ibig at gusto na rin ata nilang bumalik ang aking luv life…
Kaya lang… gustuhin ko mang mahulog sa kanya, nagdadalawang isip pa rin ako dahil baka mamaya, mabankrupt ang lola mo o kaya naman ang lakas humingi ng showcase tulad nalang ng T-shirt, load at kung anu-ano pa. practicality lang naman ang iniisip ko at never akong naspoiled ng ganun na nagbibigay ng sponsorship sa mga jowa nila at hindi lahat ng lalaki ay parang si Emphee na never naman talaga akong hinuthutan ng ganun.
Masarap ngang magmahal pero natatakot ako. Natatakot ako in a sense of baka mamaya… maging burden na naman ito na imbes na happiness at security ang maramdaman ko, maging toxic pa! wag na lang di ba?
Ok lang naman kung wala akong pag-ibig pero minsan, di ko talaga maiwasang magtanong sa srili ko na chaka ba akong pagkabading o mukha ba akong kabayong itim para di mabenta sa madlang people? Di naman siguro… alam kong another challenge nanaman ito at mabuti na nga na may nag-aadmire sakin kesa wala. Kung pwede lang humiling ng bonggang-bongga… malamang hihilingin ko na sana, magkaroon ako ng prince charming na kasing-ugali ni Emphee, mapungay ang mata tulad ni Joel, matangos ang ilong tulad ni Kareem Paul at alluring ang presence tulad ni Eds para naman com[lete package na di ba?
Again… pakinshet talaga! Galing sa word na F*****n shit!
Thursday, October 29, 2009
It's beacause of FACEBOOK...
It’s been almost three months (ata) when I open my account in FB. And I was a bit of excited dahil na rin sa mga email messages ng FB sa email add. ko bout photo tagging. Sa totoo lang, wala na akong ganang mag FB dahil na rin sa mababaw na rason (tungkol sa pagkakahawig ng buhok ko kay Andaya) at eto naman ako, naintriga sa mga pics!
Here are some photos na nakakaloka sa FB at I was really shock na bigla nalang itong napost at wall paper pa! Some photos are too intriguing pero ito lamang ay isang black mail.
Kung mahahanap niyo si Emphee diyan, magkatabi kaming dalawa...
how sweet!
Sunday, October 25, 2009
in my own point
I have no time arguing those things that are not too debatable. Ayoko ng gulo at ayoko na rin magmega explain kung bakit ganito ang kinahihitnatnan nito.
May ganun talaga na decisions sa buhay na bigla biglang nagbabago
May mga taong nasasaktan at may mga taong dapat unawain
Sa palagay ko,
Sarili ko rin naman ang nahihirapan sa mga ganu’ng decisions
Halos ilang oras ko rin’g pinagisipan ang lahat
Bago ako humantong sa huling pasya
Oo nga, masyado akong iresponsable
Hindi disiplinado sa oras
Inaamin ko naman yun!
Hindi ko puwede hatiin ang sarili ko
Alam ko malaki ang aking pagkakamali
At nandamay pa ako ng mga taong nasa paligid ko
Pero ang di ko maintindihan
Sarili ko nga ba ang iniisip ko o kapakanan ng ibang tao ang dapat kong unawain?
Mas importante pa ba sa kanila ang responsibilidad na dapat kong gampanan?
O mas importante sa kanila ang grade sa class card at magbunyi ng passing grade
Tatlong tao
Laban sa mahigit isang dosenang nilalang
Obvious na obvious naman
Na mas kailngan ng tulong ko ang tatlong tao
Pero ang reponsibilidad na inako ko sa mahigit isang dosenang tao
Na iniwan ko ng bigla bigla,
Ay mas kailangan kong harapin at gawin
Paseciya!, Sori! At Patawad!
Sa mga taong nasaktan ko at nagalit…
Kahit sabihin ko man na paulit-ulit,
Alam kong di pa ito sapat…
Ps: Pls visit bealicious0427.blogspot.com for more details bout this post…
Sunday, October 18, 2009
Twin lake adventure…
AMVOT LANG!!!!
Kung hindi dahil sa pakana ni Dx… di rin naman ako magnanais at mag-aatempt na magtrekking sa bulubundukin ng Sibulan at
Last Saturday, umaga palang ay bunulabog na ako ng mga text messages nila Arriane at Erickson (my classmates) dahil sa pinaplanong pagbisita sa Twin lake at eto naman ako, nagising ng 7 am at di kinaya ang powers ng ‘hangover’ dahil sa letcheng Bacardi, di muna ako bumangon at humigop ng dalawang baso ng kape bandang 8:30 ng umaga. Nawala unti ang nararandamang
Laking gulat ko nalang na ganun talaga kalayo ang Twin
Hanggang ngayon, di naman talaga sa maarte ako, nararamdaman ko ang pananakit ng aking hips at legs at pati na rin ang backpains at handpains. Haay! Kaloka!
Pero the best thing was, I SURVIVED! Yehey! Kahit pahirapan ang pagpunta doon, the place is so great! Nakakarefresh at nakakaunwind ang view! Promise!!!
I would like to share you some of our pagubot na photos!
(ah so... photo blog na ito at NARCISISM)
Wednesday, October 14, 2009
Is this…? I don’t know…
(I would like to apologize if my grammar is incorrect. Anyway… it is an excuse coz I was second year high skul dat time)
Sometimes, I can’t imagine how the wrold moves without a feeling of warm affection in one person.
Maybe the world turns gray because no one knows what is this feeling of something stupid about yourself and makes you crazy everytime, everywhere and every corner, It comes with a four lettered word which is universally discussed and the most familiar conversation in this big big world. It is an emotional factor that helps other people to become united and to prove themselves that they have passion.
It looks like a curse that you cannot invade the power of the precious spell and makes you more inspired in what you are doing. It is a kind of flower that blooms everywhere whether if its rocky,, torny or smooth. You cannot control this psychological opinion arising from emotion because this kind of feeling makes you more concsious to yourself and makes your mind shatter from one person…
Mythological background (in short… history)
Itong essay na to kung tawagin ay sinulat ko dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Emphee noong high school. Alam niyo naman na masyado akong madrama! At wala lang akong magawa noon. I do remember na sinusulat ko to noong nagpagawa si Emphee sakin ng book report at ako naman ay kinikilig dahil magkatabi kami. Ang totoo niyan, copy paste ang book report niya sa English book na textbook at ako naman ay tinetreasure ang moment na magkatabi kami… talking about echos at kung anu-anong bagay na to the point, di na ako nakikinig kay Mrs. Nabua!.
Alam kong napakacorny at so high school pero ganun saw talaga pag naiinlove... nagagawa mong maging KACHEAPAN!
Saturday, October 10, 2009
SNN Exclusibo! expolisibo!
Sabi-Sabi, bulong bulungan, haka-haka… pampanaosebleed lang oi! Anyway… almost everyday in my life na nasa labas ako ng bahay, isa sa mga bagay na importante sa buhay ko ay ang aking mahiwagang bag. Again, with all honesty… hindi ko kayang mabuhay na nagdadala ng isang maliit na bag na pagirl. Mahilig talaga ako sa malalaking bags at sabihin man ng lahat na dinala ko na ang bahay naming, wala akong pakialam dahil halos lahat ng bagay sa nag ko ay importante pag umaalis ako ng bahay. Well… niraid ko ang sarili kong bag para din a magtanong ang iba kung ano bang laman nito at kung bakit mabigat at kung bakit ang laki-laki…
Eto ang pinakaexlusibong report ko as in NOW NA!
Super duper essentials in my Louis Vitton Tote Bag…
Organizer- Listahan ng mge everyday “iterenaries” ko
Notebook- Siyempre… student pa kasi
Ilang uri ng papel- mahilig kasi akong magsulat sa scratch papers kahit importante yung sinusulat
Ballpen- pinakamahusay na sandata sa pagsusulat pati pampatay sa mga mga taong feelerette!
Libro ni Bob Ong- McArthur ang title ang yun ang kasalukuyan kong binabasa
Spiritual book- maniwala kayo sa hindi... nagdadala talaga ako niyan sa bag.
Dalawang magkaibang shade ng compact powder- yung isa pang-umaga na retouch, yung isa pang-gabi
Chucks- pag nangangawit na yung binti ko kasusuot ng heels
Loose baby powder- Pampafresh!
Mga cellphones- yung isa para sa mga Globe users at yung isa, pangSun users…
School ID- ilang years nay an sa bag ko
Press ID- ginagamit lang pag kinakailangan…
Dalawang headset- yung isa pang mp3, yung isa… pangcellphone
Mabatong Earrings- Kapag kailangan magpasosyal… may I use this one…
Charger- kailangan daw di malowbat!
Shades- instant touch-up pag ngarag at mainit ang panahon
VS lotion- needed pag nakikipagshake hands! Love spell po kaya mabango
Nivea Crème- ginagamit ko yan sa paa para hindi dry
Lighter- kapag kailangan maging tambucho for a meantime
Eau de toilette- in short, pabango! Bagong discover ko na scent at brand… Life and leisure’s green tea scent…
Badge pin ng TN- nakasabit yan sa ID ko pero laging natatanggal
Isang shirt, pants at belt- naiwan ko sa office at kailangan ng labhan
Make-up kit- sobrang needed ko bukod sa dalawa kong press powder
Laman ng make-up kit…
Tatlong blush-on brushes- yung isa pang retouch, yung isa naman pangbluh-on at yung malapad… pangbronzer
Lip brush- para sa mga lipstick
Eye pencil na color mocha- very effective para macover ang huggard na mga mata
Eyeshadow brush- para hindi kacheapan na kamay ang ginagamit panglagay ng eyeshadow sa eyes.. duuh… super primitive!
Natasha Sheer spalipstick- color “nude” po yan at ginagamit lang kung feel kong magmukhang may anemic!
Eyeshadows- nude colors para pwede pang-day and night!
Blush-on- pinakapowerful weapon ko at di mawawala sa buhay ko… orange na color ginagamit ko pag umaga at dark pink naman pag gabi
Powder illuminator- press powder din yan na pinaganda lang ang name! obviously… pampafresh sa skin
Dalawang shade ng concealer- sobrang needed pangpatago ng pimples, eyebags, blemishes at mga sumpa!
Avon na lipstick- yan ang lagi ko talagang ginagamit kasi color melon lang siya! Parang wala lang!
Another pale pink na lipstick- ginagamit ko naman pag gabi!
Bronzer- nilalagay ko din sa cheeks para mas maganda ang kalalabasan
Siyampre… di mawawala ang wallet!
Laman ng aking Louis Vitton na wallet na hindi fake!(hindi ako masyadong fan ni Louis Vitton)
Dalawang “Chaos” band ticket- hindi nagamit dahil di ako pumunta
Unting pera- natural kapag wallet nilalagyan talaga ng pera
ESP card ng HBC- di ka makakadiscount sa tindahan ng mga magaganda, ang HBC kung wala ka nito
ATM card- dapat laging nasa wallet just in case wala ka ng cash!
Library ID- kahit noon pa eh walang validation… di ko man lang nagamit!
Family picture- dapat lang na may picture ako ng mama, papa at kapatid ko di ba?
Graduation Pic ni Emphee- binigay niya yan at kailangan nasa wallet para di mawala at yun na yon!
P.S. maraming pang laman ang aking wallet. Resibo, graduation picture ko nung high skul, load slip, mga pictures, starbucks sugar na nasa sachet (buti nga at di nilalanggam), tissue ng starbucks, kumpletong ID ko simula first year high skul hanggang fourth year) ID ko nung nasa FEU pa ako…
Kaya wag na kayong magtaka kung bakit sobrang bigat ng bag ko! Dinadala ko na lahat ng necessities ko for the whole day. At least, girl scout di ba?
Saturday, October 3, 2009
Pakonsuelo para kay Bes...
I would like to ask for apology… as in Im so sori if I forgot you’re special day…
Anyway… there’s a room for BAWI di ba? Just what I did to Ryan’s birthday, its better to express my sincere thoughts for someone who is really important in my life. I’m talking about my everdearest best friend…MAUI
(PLS allow me to be excused in my English posts coz its better to say it in my own language…)
20 things why MAUI and I became BES….
1. mga batang baklita pa kami noon… grade two to be exact, section “knowledge” pa kami nun… at habang ang mga bata ay nagsasaya sa paborito nilang subject, ang RECESS, kami ni Maui ay busybusyhang inaasar ang isang ubod ng taba at malaman na kaklase naming nagngangalang Edsella. Sa sobrang mahadera namin ng mga panahong iyon… nakagawa kami ng isang jingle na impromptu…
Mama mia (three times na clap)
Si Edsella (three times na clap ulit)
Crispy pata (three times na clap again and again)
oink oink oink (three times na clap na bonggang bongga)
Mama Mia si Edsella Crispy pata oink oink oink…
Makikita mo ang walang humpay na ngiti sa mga mukha namin na halos ngala ngala nalang ang nakaproject habang tumatakbo papalayo kay Edsella para hindi mahampas ng kanyang malaplywood na kamay.
2. Naalala ko pa nung grade 6 kami at habang kaming magbestfriend ay pababa sa hagdanan sa St. Francis Building, nakasalubong namin si Ria Rose, ang pinakamagandang Diyosa ng mga chaka na tumatakbo papalapit sa atin at biglang nadapa dahil pinatid ni Jan-C.
3. eto pa, sabay tayo naging celebrity in the making ng Tone dahil sa etchos etchos na training ni Mam Caringal… (bes buhay pa ba siya ngayon?)
4. alalahanin mo rin ang walang kamatayang pagbebenta ni Mam Caringal ng Bonsai at eto naman tayo na mega alaga sa Bonsai na binili natin kay Caringal…
5. minsang naglawatsa kami nila Karen Alborte sa Rob, na eto naman kasing si Karen ay nagdala ng mamahaling 3210 na cellphone noong year 2000, papauwi na sana tayo at biglang hinablot ng magnanakaw ang phone ni Karen at eto naman tayo na naging Charlie’s angels ang drama na mega run sa eskinita ng Malate at dun nasubukan ang katatagan ng ating mga binti…
6. alam ko rin naman na may pagkaambisyosa tayong pareho at naging Varsity team pa ng Volleyball noong grade skul. Kahit alam naman natin na hikain ka at ako naman ay di ako talented pagdating sa sports, ayun tayo at trying hard…
7. alalahanin din natin ang mga panahong naging Ash at Brock tayo ng Pokemon dahil sa pangngambisyon natin noon dahil sa Bookweek na Pakana ni Mam Valdez. At dahil baliw na baliw tayo sa Pokemon noon, yellow Version ang sayo at ang akin naman ay Blue Version na catridges ng game boy na black and white pa ang concept.
8. hanggang naging high skul tayo, mega absent si Bes at Missing in Action nung first year, nakuha pa rin naman na pumasa at magproceed ng second year.
9.aliw na aliw ang magbestfriend dahil magkaklase ulit nung second year at aliw na aliw sa panlilibak kay Fifi, na noon ay isang bagong salta sa room at kung ilalarawan ko si Fifi noon, isang maitim na bakla na sunog ang balat, kulot ang buhok at isang mahirap na nagnanakaw ng Gel Pen sa National Bookstore at kacheapan ang bag ng mga panahong iyon. Dun nagsimula ang pagiging laitera naming magbestfriend dahil kay Fifi.
10. nagexcel ng todo todo sa academics noon at naging top 1 si Maui at ako naman ay Top 4...mega kompetisyon ang mga bakla at bukod tanging si Fifi lang ang di nageexcel nun.
11. minsan ng tumibok ang aming mga puso at eto namang si Bes ay masyadong expressive sa nararamdaman niya kay alec… (Sori Bes pero alam ko nman na di mababasa ni Alec to at di naman na ito sikreto) at mano ba naman na magsulat ng letter sa crypt paper na blue gamit ang zonrox bilang tinta, at sinulat ba naman na “I love you” at itinago ni Bes ang kanyang name sa name sang sung na CHERRY. Eto naman si Paolo Aqui na bastarrda, nilagay pala sa bag ni Alec ang letter at ang kawawa kong Bes eh nananahimik sa classroom dahil sa kagagahang ginawa.
12. nagulat nalang ako… sa isang meeting de Abanse ng Maryajheramhey, hindi gragraduate ang magbabarkada na may Virgin sa grupo. Eto naman si Bes na masyadong mahayok, mano ba naman na kumerengkeng ng todo todo noong high skul at ang kanyang first sex ay si… ( Emerson…) Im so Sori… pero matagal na yun at puwede ng ibulgar dahil di na yun sikreto.
13. at huwag ka… di pa nakuntento si Bes… biruin mo ba namang pinagsabay niya ang apat sa mga SFA nung Friday night na di ko na maalala kung kailan ang date, at kung sino sino yun… yun ay isang malaking sikreto namin ni Bes… basta yung isa, crush na crush niya noon, yung isa… matangkad, at patpating lalaki na nakatira sa tinatawag kong masukal na lugar, yung isa naman eh di ko na maalala kung sino siya, at yung isa naman eh love na love ni Fifi na kahit hanggang ngayon di pa rin ako naniniwala na wala siyang grudges kay Bes at kung bakit nagawa ni Bes na ahasin si Fifi noong mga panahong iyon.
14. isang di ko malilimutan sa buhay ko ay ang pagtupad ni Bes sa aking mithiin na maging leading man ko si Emphee sa “Wanted A Chaperon” na play. Si Bes ang director nun at mega inarte pa talaga ako na di ako papayag na iba ang gaganap sa lead role kahit si Krishan pa.
15. pinakabonding time naming magbestfriend ay ang pinaglaruan si Osting! Hahaha!!! Di ko na dapat idetalye iyon dahil iyon ay isang malupit na sikreto naming magbestfriend…
16. grumaduate si Bes nung high skul at Salutatorian ang bakla, naging SG president sa Tone, at nakatanggap ng Saint Francis of Assisi award, sa kabila ng pagiging pok pok nito at malandi… nag-iba ang mundo naming dalawa dahil busy siya sa pagiging politician sa skul noon at ako naman ay busy sa teatro.
17. oo nga pala, sabay kaming nag-audition sa teatro nung second year kami. Dahil makakapal talaga ang mga mukha naming… natanggap kami ng bonggang-bongga. Nauna siyang binigyan ng exposure sa teatro at naging isang guni-guni (back-up dancer yun na role) sa isang dula na ang title ay “dagundong”. At masaya naman kami sa kalokohang pinangagagawa namin sa teatro.
18. It was November days, Book week celebration sa Tone ng minsang binigyan kami ng opportunity na maging Diyosa dahil na rin sa pakana ko. Nag-usap usap ang mga echoserang bakla noon na si Fifi ang gaganap na Hera (kahit labag sa loob ko dahil si Emphee ang gumanap na Zeus… leche!), si Ryan ang gaganap na Aphrodite, si Magbanua ang gaganap na Hestia (hindi siya known), si Bes bilang si Athena (dahil favorite niya yun), at ako naman ay bilang si Artemis… megaovernight ang mga bakla para gumawa ng costume at eto ang eksena… nagmamadali akong pumasok sa skul at as usual, late na ako at first time kong maranasang maging late sa buong high skul life ko… di na ako pinapasok ng guard dahil nag-iinarte si Mam Ignacio! At bigla akong nawindang nang makita ko si Bes na late rin at si Fifi na laging late…! Sa pangangambisyong maging Diyosa, ayun ang napala…
19. Kung tutuusin… Si Bes talaga ang malapitin sa Aksidente nung High skul kami AT KAHIT ATA NGAYON… mano ba naman na mahulog sa kanal dahil hinulog ni Fifi bandang 7 am, pinukpok sa ulo sa pamamagitan ng lata na nakasilid sa BonBon bag na ang promotor ulit ay si Fifi, mistulang nagdudurog ang heels na parang bato noong graduation ball dahil sa din sa di na nagamit na sapatos na pakana ko naman, laging natatalsikan ng kung anu-anong likido sa damit… basta… isang walking disaster talaga si Bes…
20. At ang di makalimutang pangyayari… minsang nag-eemote si Bes dahil sa Jalousy na hinulog niya sa kuwarto nila Bebe at ang natamaan ay isa lang naman na Diabetic… halos pitong pulgada ang sugat at kailangang tahiin at namoromroblema si Bes kung paano niya ito mababayaran… yun ang rason kung bakit nagtrabaho siya bilang call center agent at ngayon… nagmamayaman na. anyway… habang kaming dalawa ay nag-iiyakan sa tambayan namin sa ilalim ng punong mahiwaga na pinanghihiwagaan ni SAPS, biglang dumating si Fifi na umiiyak din dahil sa mababaw na rason.. dahil sa pagmamahal niya sa isang kasamahan niya rin sa trabaho… sori pero nakalimutan ko name niya.
Actually… sobrang dami ng moments kung bakit kami naging magBes… siguro, nagsimula ang tawagan namin ng Bes dahil sa “Buttercup” na series noon sa channel 2 at alam kong kacheapan… yes nalang…
Matagal na rin ang panahon ang maisusukat ang samahan naming magbestfriends. Kahit nung mga college na kami, halos walang humpay pa rin ang chickahan namin sa Mcdo sa España dahil nag-aaral pa ako sa FEU noon at siya naman ay sa UST. Hanggang ngayon, eto kami at mega chickahan pa rin pag umuuwi ako sa Maynila at text messages. wala pa akong naalala na nag-away kaming dalawa o may misunderstanding na naganap at dahil na rin sa acceptance namin kung sino kami at alam din namin ang kahinaan ng bawat isa sa amin. Thankful ako na binigyan ako ng Bes na alam kong maaasahan at makikinig sa lahat ng katarantaduhan, porblema, tripping, at kung anu-ano pa.
Bes, you're turning 22 this year and I know that we have to hold on in our lives. This post is not just an ordinary post that I made coz it is one of my special write-ups ever. No matter what happens, I am always be your Bes… even though distance will not tear us apart. You know that I’m so proud of you. May god showers you more blessings in life and I know that this post is really O.A na as in nobela na siya…
Thanks Bes and belated Happi Birthday….