Sunday, July 5, 2009

Wahed, ethnan, thalata…


Wahed means one, ethnan means two and Thalata in arabic means three…
There are three things that I want to express this Monday morning… (ayoko talaga ng Monday)

First, pagod na pagod na akong magrubber shoes pag pumapasok sa punyetang unibersidad namin. Nakakasira ng outfit at miss na miss ko na ang mga footwear ko tulad ng mga doll shoes ko at naaawa na ako sa mga rubber shoes ko. Sana naman maayos na ang dress code para makapagoutfit na ako ng maayos at di na mukhang rugged lagi.

Second, nakakainis na ang Arabic class ko dahil patuloy ang pagdurugo ng aking ilong dahil sa di mapaliwanag na dahilan… actually… di mapaliwanag na mga letters sa Arabic na kapag binasa mo ang bawat words eh di mo na madistinguish kung ano ang letter h at letter T. Sana, nag-korean nalang ako para mas magaan pa sa kukote at di tulad ng Arabic na laging naglalaro si Mik-Mik sa harapan ko… (in short, Boring!) na wala na kaming ginawa kundi makinig ng mga tinuturo niya na di ko naman maintindihan dahil eto naman ako… nagpapacute sa ex ko na kaya naman pala nag-Arabic eh para maging classmate kami… (malandi!)

Lastly… Di naman siguro labag sa human nature ang kimkimin kung naiimbyerna ka di ba? Di naman siguro against sa human rights kung naiinis ka na ikaw nanaman ang pinupunterya at sinasabon ng iba na dumarating din naman sa point na hindi lahat ng araw ay feel na feel mo na makisalamuha at makijam sa kanilang kalokohan at tumawa ng tumawa at magtrip ng magtrip hanggang magsawa ka. Siuro naman, may pagkakataon na ayaw mong pakialaman ka sa lahat lahat ng gingawa mo mi ultimo outfit, bag, o kahit color ng hair eh pinagdidiskitahan pa… may mga panahong ayaw mong magkaroon ng comments o suggestions sa life mo at may mga araw na ayaw mong pinapatay ka ng paharap dahil sa kung anu-anong panlalait sayo.Hindi naman siguro plastikan sa isang tao kung di mo makayanang magalit o pagbuhosan ng mga words na megahit sa character ng taong gusto mong dakdakan at bigyan ng machine gun beam na puro mura ang concept dahil kahit papano eh di naman ako ganun. There are some things na gusto mo ngang magsabi ng katotohanan pero di lahat ng katotohanan ay dinadaan nalang sa pahapyaw na pananalita. Ako rin naman ang taong open sa lahat ng open when it comes “paglilibak” mapatotoo man yung sinasabi mo o hindi pero di sa lahat ng bagay eh naabsorb ko yun lahat. Tao rin naman ako siguro na nasasaktan even though it doesn’t show sa iba. Hindi sa lahat ng panahon ay kaya kong intindihin ang lahat at kahit sabihan nyo pa ako na tanga, walang silbi… papresyo o ano pa man…
ayoko na sanang i-open to pero may mga panahon talaga na dinadapuan ka ng PMS hormones o pagka-iritable o kahit nalang ang term na “inarte”, na minsan… di mo matake yung mga joke joke joke ng iba at bigla ka nalang mabwibwisit dahil akala mo eh niyuyurakan na nila ang pagkatao mo. May mga pagkakataon din na minsan, gusto mong matawa sa joke nila na ikaw naman ang major topic at nilalait ka ng walang pakundangan pero pinipigilan ka ng cerebellum mo na wag tumawa at maimbyerna sa mga sinasabi nila. OO at isang malaking OO! Di na ako natutuwa sa mga puro comment ng iba diyan at ayoko na ng mga argumentong ako angtopic at ako ang laging pinagtatawanan. Lagi niyong tatandaan na sa binibilang ko ang bawat panlalait na binabato niyo sa akin at kuwentado yun sa paghihimagsik na gagawin ko sa mga susunod na araw… MAG-ANTAY KAYO at MATAKOT!
PS: ito lamang ay isang likha ng isang guni-guni at di makatotohanan ang lahat! Ito lamang ay resulta ng gutom at financial scarcity… salamat!

No comments:

Post a Comment