Tuesday, July 7, 2009
My first attempt….
Tama na muna ang joke joke joke….
Maraming bagay sa mundo na minsan, di natin maintindihan kung bakit may mga taong nilikha na taliwas sa batas ng tao at sinasabi ng iba… maaari ring labag sa batas ng diyos.
I was assigned to write an article about “gay discrimination”. Inspite na willing talaga akong magsulat regarding this topic ah dinadapuan ako ng inarte syndrome or I should say… PMS hormone rush… there is something in me na parang ayokong gawin ang article na ito simply because… wala lang… tintamad ako! Hahaha!!!
Joke! Anyway, sinimulan kong gumawa ng popularization technique (maraming salamat sa investigative reporting na subject) kahapon at eventually, nakausap ko ang aking mga kababaylan and I made a casual talk about them and I talked with them regarding the said gender issue.
As I was talking to them, randam ko ang sympathy nila dahil siyempre, pareho kami ng hinaing at nararandaman. Bago ko isulat ang article na ito… ihahayag ko muna kung ano ang TUNAY na nararandaman ko regarding “gay discrimination” para naman sabihin ng iba diyan na di ako bias.
Well, ang sarap sanang magising sa kama mo na wala kang takot o hiyang nararandaman sa sarili at ang sarap sanang uminom ng isang tasang kape na walang “doubt and regret” sa isip mo at ang sarap sanang maligo ng isang oras na wala kang nararandamang dumi sa pagkatao mo.
Opo, hindi ganun ang nararandaman ko at kabaliktaran ang lahat ng sinabi ko. Pagising ko, randam ko ang takot at hiya sa sarili ko dahil di ko alam kung sino nanamang tao ang titirahin ako ng panlalait paharap man o patalikod. Pag-inom ko ng kape, randam ko ang doubts kung bakit ganito ang naging pagkatao ko at regrets kung bakit ganito ang emotions na nararandaman ko at pagligo ko naman, kahit anong kuskos ko sa katawan ko eh nandun pa rin yung dumi na nakikita ng ibang tao sa pagkatao ko.
Mas lalo akong nahihiyang lumabas ng bahay dahil sa bawat di kilalang tao ang nasasalubong ko eh kanya-kanyang interpretasyon ng pananalita ang sinasabi nila o kaya naman sinisigaw. Mas lalo akong naiirita pag sinasabihan akong “bakla- baka lalaki”, “bading- baklang dalaginding” ng mga taong nasasalubong ko na di ko naman sila pinakikialaman. Pag di pa sila kuntento, halos niyuyurakan na nila ang pagkatao ko sa pamamagitan ng verbal abuse.
Kaya para makaiwas sa mga sinasabi nila, sinasadya ko talaga maglagay ng headset at magshades para naman di ko sila naririnig at pakumwaring di ko sila nakikita.
May mga pagkakataon naman na mismong mga tinuturing mong kaibigan ay di mo rin maiiwasan na mailang. Tulad nalang sa course ko at maging sa student publication. Bukod tanging ako lang ang transvestite at minsan, di talaga maiiwasan na ikaw ang maging topic nila at minsan, below the belt na ang bawat salitang binibitawan nila.Sinasabi ko nalang na “OK lang yun!” pero ang pinakaayokong mangyari ay yung bumabalik sa ala-ala mo ang bawat salita na binibitawan nila pag ako nalang mag-isa na nagmumuni-muni lalo na pag gabi. Nasasaktan ako kapag inaunderestimate nila yung pagkatao ko, tipong ginagawa mo naman ang lahat pero di naman nila nakikita yun. Dinadala ko na lang sa tawa ang lahat pero para akong maskara na nasa labas lang ang nakikita ng iba at di nila alam kung ano ang tunay na nararandaman ko. Naiilang ako minsan na kasama mo puro babae at kahit pareho kami ng emotions eh may mga nararandaman din kaming mga girlaloo na iba sa nararandaman ng mga girls. The same thing with the boys… even though nasanay ako na puro classmates ko ay boys noong high skul, iba ang treatment ng mga lalaking nakakasalamuha ko ngayon. May mga pagkakataon na ako ang naiilang sa kanila at naiilang din sila sa akin. Yung tipong gusto mong makipagkulitan pero natatakot ka na baka maiba ang interpretasyon nila sa bawat banat na ibubulyaw mo.
Ayokong binabastos ako sa harapan ng iba dahil di rin naman ako ang tipo ng taong nambabastos o bastusin. Ginagawa ko naman ang lahat na di nga ako nagsusuot ng tube o kaya naman mini-skirt pag nasa skul. Di rin naman ako tulad ng ibang bading na ang OA na ng make-up na putok na putok ang blush-on. Di rin naman ako tulad ng ibang bakla na papansin at lalong di ako tulad ng ibang pagirl na bading na naninitsit ng mga lalaki dahil kahit ako… di ako lumilingon pag sinisitsitan ako dahil di ako aso.
Respeto lang naman ang hinihingi ko sa ibang tao pero sa bawat araw na dumadaan, kung irarate ko ang everyday life ko eh halos 14% lang ang nararandamang kong respeto sa mundo. Kahit anong pilit kong maging pormal sa iba, dahil transvestite ako o crossdresser, mahirap makuha ang respetong hinihingi ko. Di ko na mabubura ang diskriminasyon sa mundo. Minsan, dinadapuan ako ng identity crisis na gusto kong maging isang “maya” o magdamit ng panglalaki pero hindi yun ang tunay na nararandaman ko. Mas niloloko ko ang sarili ko! at di ako yun. Marami ng “maya” o bisexual sa mundo at sa pananaw ko naman, iba ang mundo na tinatahak namin kaysa sa kanila. Mas gugustuhin ko pang laitin ako ng paharap ng buong community kaysa maging isang maya na tinatago ang kulo na nararandaman para makaiwas sa diskriminasyon na nangingibabaw sa mundong ito.
Nakakaasar isipin na pati sa dress code ng aming unibersidad ay randam mo ang pagkamuhi sayo. Mantakin mo ba naman na di puwede makapasok sa skul ang doll shoes, tip-toe, pointed o kahit close shoes na pagirl dahil bawal. Nakakabwisit isipin na nasanay ang paa mo sa mga ganitong uri ng sapatos at ayokong magrubber shoes dahil nakakasira sa outfit.
Sabi nila, normal sa isang bading ang gumastos ng gumastos at bigyan ng showcase ang isang lalaking guwapo para siya ay mahalin. Kaya ayokong magmahal dahil mas nanaisin ko pang gumastos sa mga kaibigan ko kaysa lumustay ng pera para hingin lamang ang pagmamahal na ninanais. Sapat na ang minahal ako ng isang taong alam kong hindi sa pera dahil mas mayaman siya at tama na yun. Natatakot lang ako na baka dumating ang araw na di ko na kayang mawala siya sa buhay ko at maging isang desperada at maWangbu. Sa totoo lang, ayoko ng magmahal dahil alam ko naman na walang hahantungan ang lahat.
Hinihingi ko nalang ang pag-unawa sa mga bading na tulad ko dahil ang mundo na aming tinatahak ay kakaiba. Makulay at punong puno ng paghihirap at pasakit. Hindi kami normal… at OO abnormal kami pero patuloy ang paglalakbay namin sa mundo para matamo ang kasigurohan ng “ TAO RIN KAMING NILIKHA NG DIYOS NA MAY KARAPATANG MABUHAY SA MUNDO”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.,aw yaw2x u kaau ka Bea.,
ReplyDeletebtaw k rah na.,
kaya mo yan!
Go 4 d thngs dat wud myk u hapi!
At least, meron din namang kakaunti na may concern regardng sa isyu at syempre sa 'yo.,.ipaglaban mo ang karapatan mo as long as wala kang tinatapakang tao.,
sometimes people don't know that they are doing the wrong thing if you don't tell them.
ReplyDeleteI always believe that the issue on gender and sexuality is something sensitive and like what I said in one of my recent posts, its something that should not be joked about.
I don't think that you are abnormal in the negative sense of the world. I prefer to think that people like you are abnormal as in like, "ABove Normal" because you can do things that not everybody can do.
Gays are talented people and I really admire them for that. Maybe I cannot fully understand why a man would fall in love with somebody from the same sex or why gays become gays but I respect people like you because I know that you deserve it.
aw? btaw mommy bei...sampalin mo ang lahat ng nanlalait sayo!
aba! nagcomment si dj rem at malabongga ang comment ni prisesang palaka!
ReplyDeleteanyway... at least, I cite my reaction regarding this matter... sana nga lang lahat ng tao eh ganito ang perception sa mga gays!
ahw, sori for the late reaction beh... hehe, sori na gd if naa qy nabuhat nimung nka hurt sa imung emotion... mama bya tkah,
ReplyDelete