Sunday, July 26, 2009

Still sick…

Matapos ang isang linggong pakikipaglaban sa typhoid fever… eto nanaman ang bagong pinag-aalburuto ng aking katawan…

Mahina na talaga ang aking immune system at ewan ko ba kung bakit ngayon pa ito nangyari sa buhay ko na sunod sunod ang mga diseases na nararamdaman ko… hay naku…

Lumala ang typhoid ko last week at alam mo yung feeling na di ka na makabangon kahit gustuhin mo man eh di talaga kaya ng forces mo!

Nakadanas ako ng nosebleeds (again) at umabot ang temperature ko ng 40 celcius na di bumbaba ang aking lagnat. I lost weight from 56 to 52 lbs!, wala akong ganang kumain at Which means to say na malala na talaga siya.

Kala ko nga ikamamatay ko na to pero di pa pala. Siguro destiny lang talaga ni typhoid na magstay sa katawan ko na mag ththree weeks na ngayon.

Sa lahat ng apektado ng pagkamood swings ko… pasenciya at sa lahat ng subjects na di ko pinasukan ng ilang lingo… sorry… hindi nga talaga madaling magkasakit!

Thursday, July 23, 2009

Im sick…

Its so sickening moments! As in! hindi pala madaling magkasakit ng isang linggo at humilata ng buong araw na feeling mo sobrang lala na ng sakit mo…

Actually, hindi nga naman madaling magkaroon ng typhoid fever… hindi naman masyadong malala di ba? Hanggang ngayon… hindi ko randam ang kaunlaran ng aking katawan… parang patuloy na sinisira ng punyetang typhoid ang aking pag-iisip pero di pa naman ako nawawangbu… sana na nga lang… magaling na ako next next week… sana nga lang dahil naapektuhan na ang aking pagkamood swings! Sana nga lang

Friday, July 10, 2009

FOR AGES 18 AND ABOVE...

Habang ang buong Pinas ay baliw na baliw at patay na patay sa mga Koreanovelas at mga Primetime shows, habang ang buong tao naman ay busybusyhan sa buhay nila na puro pagmamaganda ang inaatupag, at habang ang buong kabataan ay baliw na baliw sa pinagkakaguluhang pet society, mafia, farmtown at Farmville… eto ako… SABOG! Kahit wala naman akong gingawang nakakahuggard!
Its Friday and tila Forks ang concept ngayong araw na ito. Maulan dahil sa natagpuang dalawang low pressure at isang bagyo kaya patuloy ang cryola ni mother nature. Ang mahiwagang aroma ni Mr. Nescafe… hinahanap hanap ko sa mga panahong ito at gustuhin ko mang matulog ng 256 hours eh di puwede dahil ayoko namang sumunod Kay Michael Jackson at magcelebrate ng Coffee Party sa Araneta Coliseum.
Isang malaking BLANK ang utak ko ngayon at nakikicoordinate ang isip ko sa panahon. Eto nanaman ako na ang dami-daming pop-ups sa mind ko ngayon at maraming nakastock na images at uulit-ulitin ko, di ko alam kung bakit.
TORJAK!! Unang word na pumasok sa brain cells ko ngayon. Ang word na torjak ay hango sa salitang “torrid sex” na natural,ang ibig sabihin ay sex. Mali ang iniisip nyo at di ako maniakers!. Siguro, naging part lang sa everyday language ko ang salitang ito. Ayoko naman maging SEX GURU dahil sa post na ito pero naaalala ko lang ang mga experiences ng mga friends ko (di po ako included… “pagirl!”) at mga articles sa Cosmopolitan Magazine kapag nababanggit ang salitang TORJAK!
ITO PO AY HINDI SA PAGIGING BASTOS AT ITO LAMANG AY PARTE NG PAGIGING OPEN-MINDED NG ISANG TAO AT ITO AY PAWANG KATOTOHANAN LAMANG!
Again, let me share to you some tips or do’s and don’t pag tinotorjak ka!!
PS: ang post na ito ay para lamang sa ages 18 above at ang mga virgin dyan…. Wag ng ituloy ang pagbabasa ng post na ito
TIP#1: wag magsusuot ng relong mabibigat o bracelet na maraming palawit dahil ito ay maingay! Nakakasira ng concentration at nakakawalang gana
TIP#2: iwasang magsuot ng mga lingerie na may fur o feathers dahil isang malaking kadiri ang nakikipag F.K (French kiss) ka tapos sabay bahing! Eeeww.
TIP#3: kung masyadong maharal o masyadong haliparot ang katorjak mo, pumili ng lugar na malambot o kaya naman depende sa mood ninyong dalawa. Kung feeling mo eh si Tarzan and Jane kayong dalawa, welcome na welcome ang damuhan at kakahoyan para sa inyong dalawa. Kung gusto mo naman na baboy na baboy ang concept… andyan ang putikan para sa inyo (at least wild) at kung pagirl ka naman na tulad ko… mas maganda sa kama na ang bedsheet ay white (para may ebidensiya) o kaya naman sa couch par iring-iring (malapusa) ang venue.
TIP#4: hindi nakakatuwa ang candle wax o kandila pag nagtotorjak… hindi rin nakakaarouse ng katawan ang third degree burn… instead, gumamit ng pinakacommon na props… ang ICE! Proven and tested by pamet ito at talagang manginginig ang binti at tatayo ang balahibo mo!
TIP#5: iwasan ang pagsusuot ng lingerie ni lolabells o kaya naman ni mudra dahil masagwa ang amoy at lasa ng Naptalina. May mga nabibiling lingerie sa bangketa kaya walang masama na bumili ng worth 10 pesos.
TIP#6: sa mga girls o pati sa mga pagirl…. Iwasan ang pagbukaka ng bonggang bongga dahil isang malaking diyahe ang “pamaol” o crumps ng biglaan. Pag feel na feel mo na ang torjak… ipitin nalang sa pamamagitan ng paa ang guy at wag na iextend pa ng o.a ang mga paa dahil hindi ikaw si Zang Zi Yi!
TIP#7: sa mga boys, UTANG NA LOOB… kung gifted ka ni Ninotchka Marie… wag ipasok ang lahat ng biglaan… learn the value of patience and accuracy dahil ayaw nyo naman atang magkaroon ng criminal case number 1265 at ang rason ay namatay ang katorjak mo dahil sa malaki mong notch. At kung gifted ka naman ni Hello Kitty at di naman ganun kavavavoom… wag mo ng ipilit na ipasok lahat… nanganambisyon ka lang!
TIP#8: minsan, nangyayari ang torjak sa mga lasing na tao. Kung lasing ka… piliting wag sumuka! Hindi maganda tingnan ang mga starship troopers na figures sa kama o sa sahig pag ikaw ay sumuka. Kahit maganda ka pa o kagwapuhan, super duper turn off ang maging isang poso negro for a while.
TIP#9: kapag pumipili ng medyas o condom, piliin ang flavor na vanilla dahil delicioso ang taste ika nga ni Dora the explorer. Sabi nila, may nakakataas ng orgasm ang amoy ng vanilla at yun ang sabi nila… sumusunod lang po.
Last tip: wag maging praning o kaya sumigaw ng revo revo pag tinotorjak dahil hindi ka gumagawa ng scandal. Sa halip, ilugar ang emotions base sa venue na inyong kinalalagyan.
ITO LAMANG AY HANGO SA SABI-SABI, HAKA-HAKA AT BULONG-BULONGAN AT ANG LAHAT NG ITO AY DI KO PO KARANASAN… YUN IBA LANG! HAHAHA!

Thursday, July 9, 2009

kuwentong beauty contest...

Sa dami-dami na rin ng beauty contests na sinalihan ko, alam ko na ang bawat likaw ng bituka at pasikot sikot kung paano manalo sa mga pageantry na ito. Dapat, presentable ka at dapat “pagpangusog” o mega effort ang dapat mong gawin para magrab ang title na inaasam…
Hindi naman sa pagmamayabang o lumalaki ang ulo ko… ganun talaga ang life bilang isang celebrity (hala!) at the funny thing is, sa bawat pageant na sinalihan ko, samu’t saring mga katatawanan ang nangyayari lalo na sa pinakachallenging portion na QUESTION AND ANSWER!
Let me share to you some of the answers ng mga co-candidates including my answers (actually, grupo grupo kami pag sumasali ng pageantry) pag Question and answer na ang part.
Question: what is your favorite color?
Answer: Green… because green symbolizes nature… and nature loves me!

Question: What is your greatest asset?
Answer: I love everything about me. The magic of my presence, the appreciation of my beauty, and the sweetness of my whole existence… PAK!

Question: How do you define morality?
Answer: morality has morals… therefore; morality is next to honesty (huh?)

Question: Are you in favor in Same Sex Marriage?
Answer: Yes, love is the essence of life. So, I am in favor of same SIX marriage.

Question: Do you believe that the weapons of mass destruction is important to the existence of man?
Answer: ladies and gentlemen, your question is my question and definitely, your answer is my answer!

Question: do you believe that falling stars make your wishes come true?
Answer: Yes… because stars belong to universe and universe belong to outer space.

Question: what is the essence of being a gay?
Answer: gay is really talented… that is why…. Thank you!

Question: if you are the first person who landed on the moon, what is the first thing that you will do and why?
Answer: there is no person in the moon so I will promote peace.

Question: what is your greatest fear in life?
answer: will… my greatest fur is to fiss god…. Bicause…. God can moub mountains…

Question: if you were an animal, what would that be and why?
Answer: fish… because fishes can swim so I can swim too...

Tuesday, July 7, 2009

My first attempt….


Tama na muna ang joke joke joke….

Maraming bagay sa mundo na minsan, di natin maintindihan kung bakit may mga taong nilikha na taliwas sa batas ng tao at sinasabi ng iba… maaari ring labag sa batas ng diyos.

I was assigned to write an article about “gay discrimination”. Inspite na willing talaga akong magsulat regarding this topic ah dinadapuan ako ng inarte syndrome or I should say… PMS hormone rush… there is something in me na parang ayokong gawin ang article na ito simply because… wala lang… tintamad ako! Hahaha!!!

Joke! Anyway, sinimulan kong gumawa ng popularization technique (maraming salamat sa investigative reporting na subject) kahapon at eventually, nakausap ko ang aking mga kababaylan and I made a casual talk about them and I talked with them regarding the said gender issue.

As I was talking to them, randam ko ang sympathy nila dahil siyempre, pareho kami ng hinaing at nararandaman. Bago ko isulat ang article na ito… ihahayag ko muna kung ano ang TUNAY na nararandaman ko regarding “gay discrimination” para naman sabihin ng iba diyan na di ako bias.

Well, ang sarap sanang magising sa kama mo na wala kang takot o hiyang nararandaman sa sarili at ang sarap sanang uminom ng isang tasang kape na walang “doubt and regret” sa isip mo at ang sarap sanang maligo ng isang oras na wala kang nararandamang dumi sa pagkatao mo.

Opo, hindi ganun ang nararandaman ko at kabaliktaran ang lahat ng sinabi ko. Pagising ko, randam ko ang takot at hiya sa sarili ko dahil di ko alam kung sino nanamang tao ang titirahin ako ng panlalait paharap man o patalikod. Pag-inom ko ng kape, randam ko ang doubts kung bakit ganito ang naging pagkatao ko at regrets kung bakit ganito ang emotions na nararandaman ko at pagligo ko naman, kahit anong kuskos ko sa katawan ko eh nandun pa rin yung dumi na nakikita ng ibang tao sa pagkatao ko.

Mas lalo akong nahihiyang lumabas ng bahay dahil sa bawat di kilalang tao ang nasasalubong ko eh kanya-kanyang interpretasyon ng pananalita ang sinasabi nila o kaya naman sinisigaw. Mas lalo akong naiirita pag sinasabihan akong “bakla- baka lalaki”, “bading- baklang dalaginding” ng mga taong nasasalubong ko na di ko naman sila pinakikialaman. Pag di pa sila kuntento, halos niyuyurakan na nila ang pagkatao ko sa pamamagitan ng verbal abuse.

Kaya para makaiwas sa mga sinasabi nila, sinasadya ko talaga maglagay ng headset at magshades para naman di ko sila naririnig at pakumwaring di ko sila nakikita.

May mga pagkakataon naman na mismong mga tinuturing mong kaibigan ay di mo rin maiiwasan na mailang. Tulad nalang sa course ko at maging sa student publication. Bukod tanging ako lang ang transvestite at minsan, di talaga maiiwasan na ikaw ang maging topic nila at minsan, below the belt na ang bawat salitang binibitawan nila.Sinasabi ko nalang na “OK lang yun!” pero ang pinakaayokong mangyari ay yung bumabalik sa ala-ala mo ang bawat salita na binibitawan nila pag ako nalang mag-isa na nagmumuni-muni lalo na pag gabi. Nasasaktan ako kapag inaunderestimate nila yung pagkatao ko, tipong ginagawa mo naman ang lahat pero di naman nila nakikita yun. Dinadala ko na lang sa tawa ang lahat pero para akong maskara na nasa labas lang ang nakikita ng iba at di nila alam kung ano ang tunay na nararandaman ko. Naiilang ako minsan na kasama mo puro babae at kahit pareho kami ng emotions eh may mga nararandaman din kaming mga girlaloo na iba sa nararandaman ng mga girls. The same thing with the boys… even though nasanay ako na puro classmates ko ay boys noong high skul, iba ang treatment ng mga lalaking nakakasalamuha ko ngayon. May mga pagkakataon na ako ang naiilang sa kanila at naiilang din sila sa akin. Yung tipong gusto mong makipagkulitan pero natatakot ka na baka maiba ang interpretasyon nila sa bawat banat na ibubulyaw mo.

Ayokong binabastos ako sa harapan ng iba dahil di rin naman ako ang tipo ng taong nambabastos o bastusin. Ginagawa ko naman ang lahat na di nga ako nagsusuot ng tube o kaya naman mini-skirt pag nasa skul. Di rin naman ako tulad ng ibang bading na ang OA na ng make-up na putok na putok ang blush-on. Di rin naman ako tulad ng ibang bakla na papansin at lalong di ako tulad ng ibang pagirl na bading na naninitsit ng mga lalaki dahil kahit ako… di ako lumilingon pag sinisitsitan ako dahil di ako aso.

Respeto lang naman ang hinihingi ko sa ibang tao pero sa bawat araw na dumadaan, kung irarate ko ang everyday life ko eh halos 14% lang ang nararandamang kong respeto sa mundo. Kahit anong pilit kong maging pormal sa iba, dahil transvestite ako o crossdresser, mahirap makuha ang respetong hinihingi ko. Di ko na mabubura ang diskriminasyon sa mundo. Minsan, dinadapuan ako ng identity crisis na gusto kong maging isang “maya” o magdamit ng panglalaki pero hindi yun ang tunay na nararandaman ko. Mas niloloko ko ang sarili ko! at di ako yun. Marami ng “maya” o bisexual sa mundo at sa pananaw ko naman, iba ang mundo na tinatahak namin kaysa sa kanila. Mas gugustuhin ko pang laitin ako ng paharap ng buong community kaysa maging isang maya na tinatago ang kulo na nararandaman para makaiwas sa diskriminasyon na nangingibabaw sa mundong ito.

Nakakaasar isipin na pati sa dress code ng aming unibersidad ay randam mo ang pagkamuhi sayo. Mantakin mo ba naman na di puwede makapasok sa skul ang doll shoes, tip-toe, pointed o kahit close shoes na pagirl dahil bawal. Nakakabwisit isipin na nasanay ang paa mo sa mga ganitong uri ng sapatos at ayokong magrubber shoes dahil nakakasira sa outfit.

Sabi nila, normal sa isang bading ang gumastos ng gumastos at bigyan ng showcase ang isang lalaking guwapo para siya ay mahalin. Kaya ayokong magmahal dahil mas nanaisin ko pang gumastos sa mga kaibigan ko kaysa lumustay ng pera para hingin lamang ang pagmamahal na ninanais. Sapat na ang minahal ako ng isang taong alam kong hindi sa pera dahil mas mayaman siya at tama na yun. Natatakot lang ako na baka dumating ang araw na di ko na kayang mawala siya sa buhay ko at maging isang desperada at maWangbu. Sa totoo lang, ayoko ng magmahal dahil alam ko naman na walang hahantungan ang lahat.

Hinihingi ko nalang ang pag-unawa sa mga bading na tulad ko dahil ang mundo na aming tinatahak ay kakaiba. Makulay at punong puno ng paghihirap at pasakit. Hindi kami normal… at OO abnormal kami pero patuloy ang paglalakbay namin sa mundo para matamo ang kasigurohan ng “ TAO RIN KAMING NILIKHA NG DIYOS NA MAY KARAPATANG MABUHAY SA MUNDO”

Sunday, July 5, 2009

Wahed, ethnan, thalata…


Wahed means one, ethnan means two and Thalata in arabic means three…
There are three things that I want to express this Monday morning… (ayoko talaga ng Monday)

First, pagod na pagod na akong magrubber shoes pag pumapasok sa punyetang unibersidad namin. Nakakasira ng outfit at miss na miss ko na ang mga footwear ko tulad ng mga doll shoes ko at naaawa na ako sa mga rubber shoes ko. Sana naman maayos na ang dress code para makapagoutfit na ako ng maayos at di na mukhang rugged lagi.

Second, nakakainis na ang Arabic class ko dahil patuloy ang pagdurugo ng aking ilong dahil sa di mapaliwanag na dahilan… actually… di mapaliwanag na mga letters sa Arabic na kapag binasa mo ang bawat words eh di mo na madistinguish kung ano ang letter h at letter T. Sana, nag-korean nalang ako para mas magaan pa sa kukote at di tulad ng Arabic na laging naglalaro si Mik-Mik sa harapan ko… (in short, Boring!) na wala na kaming ginawa kundi makinig ng mga tinuturo niya na di ko naman maintindihan dahil eto naman ako… nagpapacute sa ex ko na kaya naman pala nag-Arabic eh para maging classmate kami… (malandi!)

Lastly… Di naman siguro labag sa human nature ang kimkimin kung naiimbyerna ka di ba? Di naman siguro against sa human rights kung naiinis ka na ikaw nanaman ang pinupunterya at sinasabon ng iba na dumarating din naman sa point na hindi lahat ng araw ay feel na feel mo na makisalamuha at makijam sa kanilang kalokohan at tumawa ng tumawa at magtrip ng magtrip hanggang magsawa ka. Siuro naman, may pagkakataon na ayaw mong pakialaman ka sa lahat lahat ng gingawa mo mi ultimo outfit, bag, o kahit color ng hair eh pinagdidiskitahan pa… may mga panahong ayaw mong magkaroon ng comments o suggestions sa life mo at may mga araw na ayaw mong pinapatay ka ng paharap dahil sa kung anu-anong panlalait sayo.Hindi naman siguro plastikan sa isang tao kung di mo makayanang magalit o pagbuhosan ng mga words na megahit sa character ng taong gusto mong dakdakan at bigyan ng machine gun beam na puro mura ang concept dahil kahit papano eh di naman ako ganun. There are some things na gusto mo ngang magsabi ng katotohanan pero di lahat ng katotohanan ay dinadaan nalang sa pahapyaw na pananalita. Ako rin naman ang taong open sa lahat ng open when it comes “paglilibak” mapatotoo man yung sinasabi mo o hindi pero di sa lahat ng bagay eh naabsorb ko yun lahat. Tao rin naman ako siguro na nasasaktan even though it doesn’t show sa iba. Hindi sa lahat ng panahon ay kaya kong intindihin ang lahat at kahit sabihan nyo pa ako na tanga, walang silbi… papresyo o ano pa man…
ayoko na sanang i-open to pero may mga panahon talaga na dinadapuan ka ng PMS hormones o pagka-iritable o kahit nalang ang term na “inarte”, na minsan… di mo matake yung mga joke joke joke ng iba at bigla ka nalang mabwibwisit dahil akala mo eh niyuyurakan na nila ang pagkatao mo. May mga pagkakataon din na minsan, gusto mong matawa sa joke nila na ikaw naman ang major topic at nilalait ka ng walang pakundangan pero pinipigilan ka ng cerebellum mo na wag tumawa at maimbyerna sa mga sinasabi nila. OO at isang malaking OO! Di na ako natutuwa sa mga puro comment ng iba diyan at ayoko na ng mga argumentong ako angtopic at ako ang laging pinagtatawanan. Lagi niyong tatandaan na sa binibilang ko ang bawat panlalait na binabato niyo sa akin at kuwentado yun sa paghihimagsik na gagawin ko sa mga susunod na araw… MAG-ANTAY KAYO at MATAKOT!
PS: ito lamang ay isang likha ng isang guni-guni at di makatotohanan ang lahat! Ito lamang ay resulta ng gutom at financial scarcity… salamat!