Sunday, August 14, 2011

Drop Dead Burst out!



Day 1
nung sabado pa ako ganito. feeling ko, wala akong masasandalan. sinasarili ko lang lahat ng nararamdaman. kung may masabihan man ako, hesitant ako magsabi... hindi ko alam, maybe I am afraid to tell the reality at ayokong masira lahat... takot na kung takot... in denial na kung in denial... somehow, I am just trying to control things over... and this time... I can't control it... just let it happen what it should be...
yah... favorite lines coming over... HINDI SA LAHAT SA PANAHON, PANAHON ANG MAKIKI-AYOS SAYO... MAY MGA PAGKAKATAON NA IKAW ANG MAKIKI-AYON SA IHIP NG HANGIN DAHIL KUNG BAGYO MAN ITO... DI MAIIWASANG DUMAAN... i said this to someone (sorry naman kung may dagdag) whom i knew na maa-adopt niya ang linyang to! somehow, I should have to say this to myself.. madaling magpayo, pero ang hirap pala gawin...
buong buhay ko, ako ang UPLIFTER sa lahat ng kailangan i-uplift... pano ba naman... napapalibutan ako ng purong problema ng ibang tao. bigla pumasok sa utak ko ngayon... pano naman kung ako ang kailangan i-uplift? kaya nyo bang i-uplift kung ano nararamdaman ko ngayon? alam mo yung feeling na wala kang kaibigan? alam mo yung feeling na gusto mong magsabi pero hesitant ka talaga dahil may mga pagkakataon na hindi nila maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman mo? and here I go again... trying to control things which is uncontrollable.
This time, para di kayo magtaka, I admit, Someone push me to fall in love back again... I keep controlling things as normal coz I resists kung ano ang nararamdaman ko. I admit, It's abnormality. I fell with someone na hindi naman dapat. nung una, I can even control what's happening... I ADMIT IT! and it's true. alam niya yun... complications come over. ok lang naman sana kung ako at siya ang nakakakita at nakaakramdam. Like, most of the people started to wonder if there is a spark happening to us. Like, most of the people think there is something between us and it shouldn't be. Like, one person keeps on reacting which is not right. like, I even told to myself not to indulge with this things coming over. Like, people tried to comprehend things that is not worth it. and lastly, Like, I keep pushing myself to stray out of this... but the thought remains that, I keep holding back the intuitions of others and control things over, which is, the thing right now is stabbing myself with the pain and hurt which is not worth it...
thoughts come up with his head "I don't want to loose you" a promise that keeps me hanging on how do deal with this. paano? again... maki-ayon ka sa panahaon...
I asked him ironically... pano kung iiwas ako... kakayanin mo ba? his eyes keep rolling as if finding right words to say with a blank face ... he said... kaya ko...
honestly, hindi ko kayang umiwas... things will be absurd if this will happen... malaking adjustments ang mangyayari... alam ko high blood siya... alam ko hindi niya minsan ma-control ang anger at temper... iniisip ko lang, ayoko ng makadagdag. I keep things as normal as it should be... masakit na masakit... LAGI NAMAN GANITO... EVRESINCE, AKO NA ANG NAGPAPARAYA. WALA PALANG SIYA SA BUHAY KO, LAGI NG GANITO. JUST READ MY PAST POSTS PARA NAMAN EBIDENSIYA NA MATAGAL NA AKONG MAPAGPARAYANG TAO.
paano naman ako. paano naman ang sarili ko... putrages na pagmamahal to... sinasabi ko na nga eh... tang ina talaga...
dahil sa di sinasadyang pagkakataon, pumasok akong late sa opisina kanina. nagulat nalang ako na VL ko pala ng tatlong araw. di ko alam... sa totoo lang. inantay ko siyang mag-break... I even wondered why he looked so weird... as always... he told me... na yung taong nag-mamareact sa'kin at sinasabing lahat daw ng gusto ko... sinusunod niya... which is not, sila na pala. automatically, I reacted... Whih is good... I even told him na at least, you already have a focus. Dahil sa paulit-ulit nalang na magkasama kami, He always keep remincing the memories of his with his ex... good thing, He found someone who will love him just as what happened to his ex. yah... alam niya kung paano ko siya pinish through na nandyan si N...y para sa kanya. Siya lang naman kasi yung maarte at madrama na hindi maka-move on sa ex niya.
Sa smoking area, I even told him na ayoko na ng gulo. since official na sila na, ayoko ng makigulo. ayoko na ng komplikasyon. somehow, alam ko na kung saan ako dapat lumugar. alam ko naman talaga ang salitang "disposisyon". hindi ko to ginagawa dahil mahal ko siya... ginagawa ko to dahil sa sarili ko at sa ikakabuti ng buhay namin.
Pauwi na 'ko... things bursted out again... ba't ako nasasaktan? alam mo yung feeling na binuhusan ako ng maiinit na tubig? alam mo yung feeling na para akong mamamatay sa sakit? halos tumulo yung luha ko nasa second floor palang ako pababa ng sm... I even remember wat he said... KAYA AKO LAGING MAY SHADES PARA DI MAKITA NG TAO NA UMIIYAK AKO... gud thing may shades ako sa bag. Hanggang sa jeep, parang gripo yung luha ko. di ko mapigilan... hindi naman ako lasing... hanggang sa bahay paghubad ko ng sandals... at heto ngayon, habang ginagawa ko ang post na 'to, i keep crying till the last drop of it. tang ina lord! bakit ang super duper sakit?
I felt I was lost as of this moment. I felt that there is something that should be fixed off... and it's me... hindi ko kailangan ng kaibigan, kamag-anak at di ko kailangan lahat ng advices. have to think things over. I have to think kung ano ba ang nakakabuti sa'kin. mukha akong tanga at since tanga na nga ako, pananagutan ko na ang pagiging katangahan.
since I admit na nawawala ako... what i mean is I am so lost within this past weeks, I have to settle myself and find a right track with my own point. A simple solitude is what i need. kailangan kong gumala mag-isa... kailangan ko ng dagat, something green at fresh air... need to find a destination na puwede akong mag-isip. since ayoko ng malayo... my feet will head off somewhere in batangas.
(tumigil muna para magpahid ng luha at mag-ayos ng gamit)
Time for me to reconstruct everything. count me in! babalik ako ng maayos...


Saturday, August 13, 2011

Moonstar 88 - MIgraine




matagal ko ng all time favorite ang moonstar 88. Pero ang kantang ito ang nagbigay silbi at kunin ang self awareness program o SAP 101 na course ngaung araw na to. nasa IPOD ko to at nasa phone pa nga. sa dami dami ng kantang dapat ipatugtog ngaun, biglang huminto sa IPOD ko ang "migraine". masyado na akong nahuhumaling mag-emote sa sarili ko ngaun... hehe!

and i found myself lying on the wooden floor sa kuwarto yesterday. despite sa pagod kong katawan dahil sa buwis buhay na outlet na cheerdance, despite sa pagsugod namin kahapon sa st. dominic's hospital dahil sa nabangas na labi ng kasamahan ko sa cheer dance, despite sa pagsalpok ng isang sasakyan sa poste ng meralco at walang ilaw sa bahay within 3 hours, at despite sa pag-inom ng malala sa city hub kahit may practice ng cheer dance nung friday night, bigla nalang akong humiga at biglang sumabog ang emotions ko... BOOM!

para akong tangang umiiyak at tipong humahagulgol. nanginginig ako sa sakit at gusto kong matapos ang buhay ko sa mismong araw na yun. nahihilo na ko sa sarili ko. lagi kong iniisip na kaya ko. pero nung gabing yun, hindi ko na kontrolado ang lahat.

ngayon ko sinasabi sa sarili ko na TAO lang din naman ako. may mga pagkakataon na hindi ko na kontrol ang lahat. ayokong maging perfect at hindi ako nagpapakaperfect. nasasaktan di ako. hindi ko masasabing puno ng kalyo ang puso ko. kinakain din ako ng loob ko.

ayokong magpadala. hinahayaan ko nalang yung sarili ko na gawin niya kung anong gusto niyang gawin. HINDI KASI AKO ANG TIPO NG TAO NA KAILANGAN NG ACCOMPANY PARA ILABAS LAHAT NG GUSTO NIYANG ILABAS SA SARILI NIYA. ayoko na ng ganun. mas magandang ikaw nalang mismo ang maghahanap ng sagot sa sarili mo.

masasabi kong ok na ako ngaun. hayaan nalang nating umukit ang mga mga sugat at kontrolin lahat ng galos. kung ano ang nakakabuti, yun ang dapat gawin. kung ito ang tama, sige... pero kung sakaling sumabog ulit ako, bigyan konsiderasyon naman na masakit din sa loob ko ang mga nangyayari. TAO LANG PO AKO...

AT HINDI SA LAHAT NG PANAHON...

* hindi sa lahat ng panahon, ang mga oras at araw ang makikiayon sayo. Tayo ang gumagawa ng paraan para sabihin nating maganda ang takbo ng buhay natin sa araw-araw nalang na ginawa ng diyos. Kung gusto mong maging malungkot, choice mo yan. pero hindi sa lahat ng panahon, ang hangin ang sasabay sa ihip na gusto mo.

* hindi sa lahat ng panahon, ang pagmamahal ay nakukuha lamang sa isang pitik ng kamay. may mga bagay na kailangang i-consider. may mga bagay na kailangang bigyang diin. iba ang salitang pagmamahal kung alam mo sarili mo na marunong kang tanggapin ang lahat ng sakit at pag-asang naidudulot. walang sinuman ang makaka-unawa nito kundi ang ating mga sarili lamang. hindi natin kailangan gipa-explain sa iba kung ano ito. "if you laid all your cards, you have to play the risks"

*hindi sa lahat ng panahon, natatakot ka sa isang sitwasyong dapat hindi ka naman involved. kung di mo na kaya, ikaw na ang magbigay daan at maki-ayon na lamang sa timpla ng panahon. pa'no kung di mo rin kayang magparaya? pano kung natatakot ka rin na mawala siya sa buhay mo? isang malaking PAANO ang naglalaro sa loob mo at tipong kinakain ka na. kaya mo pa bang maki-ayon sa gustong ihip ng hangin? kung iniisip mong isang malaking delubyo ito... hindi lahat ng bagyo, nagtatagal sa isang lugar. hayaan nalang nating dumaan para maging matatag. wala na tayong magagawa, ang bagyo ay bgayo.

*at hindi sa lahat ng panahon, natatago ang mga pangyayaring hindi mo inaasahan. may mga weather forecasts na bigla nalang mag-uudyok sayo na gawin at mangyari ang dapat mangyari. wala tayong magagawa. eto nanaman tayo, hayaan na nating maki-ayon tayo sa panahon...

PANO KUNG DI MO NA KONTROLADO ANG LAHAT NG ITO... MATATAHIMIK KA PA BA? SA TINGIN MO MAGIGING OK PA BA? SA TINGIN MO, HINAHAYAAN MO NA LANG NA KAININ KA NG LOOB MO... PANO KUNG BIGLA KA NALANG SUMABOG? PAANO? HAAAAYYYYY tang inang buhay to oh!

Saturday, August 6, 2011

Super paulit-ulit...

D.I.A.R.Y...

hindi ko alam kung papano sisimulan ang post na to... isang malaking pasencya nalang kasi ayokong i-post at i-share ang link na to sa FB. It's somewhat private (ang question... ba't mo pinost sa blogger?)

may rason siguro ang lahat kaya ko na-open ang account at blog na'to. sabihin na nating MAARTE at MAASIM ako this past few weeks. Sabihin na natin na ito na ang taman panahon para mailabas ko na ang lahat ng emosyon at kakayanin ko sigurong sabihin ang lahat ng detalye sa post na to. hoping na hindi mabasa ng mga makikitid ang utak. anyway, it is just a matter saying your experiences... I do not blame myself or anyone else...

eto nanaman ako at nagmumukhang tanga. eto nanaman ako na para bang namumuhay sa sarili kong mundo. at eto nanaman ako... nararanasan muli ang salitang pagmamahal... mariin kong sinasabi sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ng kahit sino man sa mundo. ayoko ng ganitong pakiramdaman. ayokong kainin ako ng loob ko. pero eto... nangyayari na para bang bagyo na lumagi na sa Philippine area of responsibility. hindi na 'ko maka-get over at nasasaktan ng paulit ulit mapapisikal man at emosyonal.

Yun nga ang problema. ayoko ng paulit-ulit... eto nanaman ako... kontrolado nanaman ang lahat. eto nanaman ako, at eto nanaman ako... minsan nakakasawa na. pero nandito bna tayo. huminto man ang jeep, di ko kayang bumababa. maraming mga bagay ang dapat isipin at bigyang konsiderasyon.

ayokong magmahal at ayokong masaktan. kung magkakakitaan tayo ng cerebrum, nakakatatak yun dun. pero minsan, nagkakaroon tayo ng brain loss. ayokong maging komplikasyon ang lahat. kaya eto nanaman ako. kontrolado nalang ang lahat.

bakit ganun? masyadong malalala ang nangyayari sa'kin kapag ako na-inlove. hindi ba puwedeng kahit minsan lang man, hindi ako ang mapagparaya? hindi ako ang kinokontrol? hindi ba puwedeng ako nalang lagi ang naiipit? pilitin ko mang hindi maging ganito... yun ang hindi ko maintindihan...

Walang nagbibigay ng magandang solusyon so far... at eto nanaman ako... paulit-ulit... kailangan ako ang umintindi ng lahat. walang tutulong sa'kin kundi sarili ko lang. hindi ako nag-eemote... wala akong dapat sisihin. hindi ito kasalanan ng iba. walang dapat i-blame. masama ang loob ko sa sarili ko. at eto nanaman ako... private self- pity.

hahay... ayoko ng ganito...

Wednesday, August 3, 2011

Let's get back to business dude!!

Super duper saya ko na na-open ko ulit yung blog ko. dahil sa di malamang dahilan na pag-block ng email add ko... hindi ko na siya ma-open ulit... yeheyy!! na-open ko ulit siya.

eto na naman ako at magkukuwento muli ng mga ka-pestehan sa buhay. sa bagay... sa loob ng ilang buwan na hindi ko pag-bloblog... napuno na ang utak ko sa lahat ng dapat ikuwento.

ito muna ay isang sampler. hehe! para naman malaman niyo na buhay pa ako at buhay pa ang account na to'.