Saturday, January 29, 2011

wave 13

halos araw araw mo silang kasama. nagkaka-amuyan na nga ng baho sa isa't isa. Usong-uso ang basagan at walang humpay na bastusan. nandiyan ang duruan ng love team at kahit may mga asawa na, patuloy pa rin ang duruan at dut-dutan.
nakakapanibago pero ganito ang takbo ng buhay. kailangan nating tanggapin na hindi sa lahat ng panahon, magkakadikit pa rin ang pulso at galamay ng mga taong nasa paligid mo. dapat, marunong tayong maki-ayon sa panahon.
sa lahat ng katarantaduhan, sa lahat ng may girian, sa lahat ng kapraningan, sa lahat ng may inteniyong maging trainer soon, sa lahat ng may mga planong mambabae lamang sa floor, sa lahat ng parasite, sa lahat ng bastos, sa lahat ng may lihim na crush pala niya, sa lahat na aalis, sa lahat ng magkakaiba ng team, sa lahat ng maniac, at sa lahat ng nakalog sa kagaguhan ko... SALAMAT! hindi niyo na mabubura ang ala-alang binaon niyo sa baul ni SAN JOSE.

Sunday, January 23, 2011

Paliwanag Ni Tiya Inocencia

My only reason kung bakit di ako makatulog... hindi pa rin ako mapakali kung anong mangyayari sa buhay ko for one week. Hindi ko alam. Wala rin akong dahilan kung bakit kailangan kong magkunwari na hindi ako affected ng walang dahilan.

Habang nilalakbay ko ang daan ng coastal kanina, bigla akong napabuntong-hininga. Lam mo kung bakit? Sa bus na sinasakyan ko ba naman, may biglang umutot at aircondioned pa ang sinakyan ko. sino ba naman ang hindi mawiwindang sa ganu'ng sitwasyon.

Sa totoo lang, bigla lang akong napa-isip na ang tagal ko na palang hindi siya nakikita at nakakausap. sa bagay, busy din kasi ako at parang iba lang yung feeling dahil kung tutuusin, jeep nalang ang pagitan para magka-usap kami at di pa rin nangyayari.

napadaan ako sa Tone kanina. nagsimba at nagtirik ng kandila. pero ang nasa loob ko ay ang intesyong makita muli ang kanyang katauhan, nagbabakasakaling magkatagpo muli ang aming landas na nangyayari naman noon. Makausap ng panandalian na tulad ng dating gawi. Pero ang lahat ng iyon ay pawang guni-guni ko na lamang. Umaasang makikita ko ulit ang taong inaantay ko dati sa labas ng simbahan. Dahilan para magsimba ako noon. Pero ang lahat ng iyon ay pawang laruan na lamang sa isip at puso ko ngayon.

Nagkakuwetuhan tungkol sa buhay high skul ang barkada kanina. Ala-ala ng mga nakaraang hindi ko akalain na nagagawa pang pag-usapan kahit may lamat na at matagal ng naka-ukit sa baulb ni Inocecia (ang pangalang iyan ay guni-guni ko rin). Ang hindi ko maintindihan, bakit umaasa pa rin ako na makita ko siya gayu'ng wala naman akong dahilan para magka-usap kami.

Wala na akong dahilan para magkita kami pero sa bawat araw na naiisip ko ang kanyang pagkatao, hindi ko maiwasang buksan muli ang baul ng nakaraan.

At kung saka-sakalaing matalinhaga ang pagkakasulat ko nito, iyon lamang ay isang pagpapaliwanag sa sarili kong damdamin. NAKANANG PETIKS! ang arte arte ko today!

Saturday, January 22, 2011

awkward syndrome...

ang awkward ng feeling kapag awkward din sayo yung taong kinaiilangan mo. Kadalasan, mapapansin mo na parang wala lang pero nakakailang pa rin makipag-usap.

Ang awkward ng feeling kapag alam mo na may ginawa siyang pagkakalat sayo. Kasi, hindi mo alam kung ikaw ba yung may kasalanan o kaya naman, kasalanan naman niya yung nangyari pero awkward ka pa rin.

napaka-awkward ng feeling kapag alam mong pinag-uusapan ka ng ibang tao o kaya naman binabasag ka ng mga kaibigan mo dahil sa kanya. di ba ang awkward ng feeling kapag alam mo yung tunay na nangyari tapos alam din nung iba tapos babasagin ka nila?

at ang pinaka-awkward sa lahat... ang awkward ng feeling kapag alam mong nakipag-sex ka sa ka-officemate mo at sa araw-araw ba naman ng Diyos, lagi mong nakikita, naaamoy ang pabango niya, at nararamdaman ang aura niya na alam mo rin naman na may alam siya sa nangyari AT DI NAMAN IKAW ANG NAGPAKITA NG MOTIBO KUNDI SIYA at sasabihin niya pa na hindi niya matandaan ang mga pangyayari... ano yun? amnesia?

ang awkward diba?

Wednesday, January 12, 2011

Pikonin ka ba?

hindi ko sinulat ang post na ito para magkaroon ulit ng isyu. I just want to rectify things since my mind my boggling and I can't sleep. hindi ko talaga maatim na may bumabagabag sa utak ko at hindi ko mailabas. Good thing, I keep this blog. It's my medicine for my uneasiness. (ma-charot ba ang intro?)

Again, and again, dalawang bagay ang ayaw ko sa isang tao. Una, ang gumagawa at ginagawan ako ng isyu at ikalawa, mga taong madaling mapikon.

May mga bagay talaga na may nasasabi ako na hindi ko sinasadyang nakakaoffend. May mga pagkakataon na nakakabitiw ako ng mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan. Some people anooyed at me and WHAT THE FUCK I CARE! joke! ma-okray lang talaga ako pagdating sa mga taong nakakasalamuha ko. wala naman akong kaaway so far... naaanoyed lang! haha!

My point is, kung sino pa ang mga taong magaling mang-asar, yun pa ang mga taong madaling mapikon. Kung sino pa ang mga taong magaling mambasag, yun pa ang mga taong madaling basagin at bubog talaga ang kalalabasan. hindi naman strong ang personality ko pero magaling lang ako gumatong at mambasag ng tao. ewan ko! hindi ko inaamin sa sarili ko na matalino ako pero malugod kong pinagmamalaki sa sarili ko ma meron akong WIT! iba yun teh!

wala akong pinatatamaan. I am making a generalization. wala akong hinanakit. hindi ako ganun. ang akin lang, sa mundong ginagalawan natin ngayon, hindi na uso ang salitang pikon. marami ng naglalabasan na chismis na malapit ng gumuho ang mundo at hindi na uso ang pag-mamaasim. kaya nga sumikat si Vice ganda dahil sa pang-ookray niya at para malaman nating lahat na hindi na kailangan uulit-ulitin ang mga salita at kataga para maintindihan o kaya naman masaktan sa mga banat na hindi naman makatotohanan.

yah, i admit, some jokes are half meant to be true. hindi mo kailangang maghanap pa sa google para malaman ang background ng isang taong ino-okray mo para malaman ang limitations mo. sa mundong talamak na ang comedy bars, masasabi mo pa bang kailangang mong mag-ingat sa lahat ng sinasabi mo? well, wala na tayo sa panahong usong-uso pa ang sinaunang Mara Clara at Mula sa Puso ni Juday para maranmdaman natin ang kahirapan ng loob at mag-inarte the whole day.

yun lang naman yun, kailangan natin ng spice sa conversation para naman mabuhayan tayo ng loob. hindi yun sa pagiging prangka. sumesegway lang naman.

Sunday, January 9, 2011

takin' down the risks

hindi ako mahilig sa sugal. alam yan ng mga kaibigan at pamilya ko. bakit? alam ko naman kasi na hindi ako masuwerte sa mga ganyan. kahit nga sa Bingo stations ng mall, hindi ko sinubukang magpaunta at makipagsigawan ng BINGO! dahil hindi ko talaga trip ang mga ganyang gawain. kahit nga lotto, hindi sumagi sa isip ko ang pumila at tumaya at kahit inutusan lang magpataya, hindi ako nagt-try pumila kasabay ng mga taong gustong subukan ang suwerte na meron sila. kahit umabot pa ng 600 milyon pesoses ang lottery proce, hindi talaga ako nag-atubiling tumaya. pramis! kahit simpleng pustahan sa pusoy dos o kaya naman 41, hindi rin ako tumataya. kahit maglaro ng poker, hindi rin ako tumatagal. kahit pustahan sa opisina na bibigyan ka ng 500 kapag nakuha mo ang score na 95 sa videoke na nakalagay sa pantry, hindi talaga ako nag-aatempt. hehe!

pero kung sugal ng buhay ang pag-uusapan, maraming beses na akong nag-atubiling sumugal kahit kapalit nito ay hinanakit sa buhay o kaya nama'y panalo mo ay ang tiwala at simpatya ng mga tao sa paligid mo. naalala ko nung sinabihan ako ng isang kaibigan na ako daw ang tipo ng taong "risktaker" kahit alam ko naman na ang kapalit ay makaka-apekto sa prinsipyo ng buhay ko, i still pursue and stick sa sarili kong desisyon na walang keme. minsan, nakakafeel ako ng regrets pero nakakatayo naman ako at pinanghahahwakan ko ang desisyon ko. hindi ko to binabale.

last 2006, isang risk sa buhay ko ang manirahan malayo sa lugar na nakagisnan ko. naisipan kong mag-aral at subukan ang buhay probinsya na hindi ko man lang naranasan before. aside sa SPACE na hinihingi ko that time, i decided to stay in a far away place dahil na rin sa pagsusugal ko ng pagmamahal sa taong alam kong mahal ako pero alam kong hindi kami ang itinakda ng maykapal (naks naman! ang laki ng bilat ko sa nuo teh!) yeah! i admit, hindi na sapat ang lahat ng sakit na nararamdaman ko that time at kailangan ko ng space para malaman ko sa sarili ko na hindi ako manhid at marunong din naman akong masaktan. I eventually gave up my studies sa isang university at iniwan ko ang pamilya ko na akala ko nung una, kaya kong tumayo sa sarili kong emotions na wala sila.

it's a risk! alam ko naman yun. pero ang kapalit nito ay mga taong tumulong sa'kin na maranasan ang tunay na mga dagok sa buhay. yeah, it's not easy to mingle with new set of people. malaking asjustments ang ginawa ko noon at iba ang mundong sinampla sa'kin that time. It was a bit horrible and kailangang i-manage. somehow, naging ok ang lahat!

ewan ko... pero gustung-gusto ko ang maipit sa dalawang sitwasyon at ma-tense o kaya naman ma-pressure. gustung-gusto ko ang ma-aligaga ako bigla at gustung-gusto ko ang maparanoid dahil sa dami ng gagawin sa loob lamang ng isang araw. kaya maraming naiinis sa ugali kong 69 years ob kaya naman indian 123 dahil ayoko ng sumusunod sa oras. dapat ang oras ang mag-adjust sa'kina t hindi ako... nag-iinarte! inaamin ko na wala akong time management at ayokong pinaplano ang buhay ko sa pamamagitan ng oras at timeline. hehe! at ngayon... wala akong magawa kundi sumunod sa oras pero ang orasan pa rin dapat ang maki-ayon sa'kin at mapaparanoid ulit dahil takot ma-late at maligwak sa trabaho.

you have to take some risks in order for you to learn the differences of pressure and comfort. in some ways, most of us wanted to savor the extreme effects of uneasiness and may lead to possible regrets. that's the real essence of my own life. I take the risks simply because i love the way it is and I love to deal band manage these things in an improvised form!

way back 2010



way back 2010...

kung babalikan ko man ang year na ito, everything's unstable. Again, it remarked something that is too essential yet, inspiring stories and experiences ang naranasan ko. Way back 2009, it was a beggining of a good fortune para sa'kin. Maturity seems to be the most important role sa buhay ko at hanggang ngayon, it's in my blood na nga.

Way back 2010, i realized na kung sino pa yung mga taong napakataas ng prinsipyo sa buhay at kung sino pa ang mga taong akala mo, hindi mo makakasundo, yun pa yung mga taong tutulong sayo para malaman kung ano ba talaga ang katotohanan ng mga bagay-bagay na hindi mo man lang nakikita o nararamdaman. somehow, hindi naman ako ganoon ka sensitive pagdating sa ibang tao. yung tipong wala akong pakialam kung anong buhay meron ka at kung pano ka makisalamuha sa iba. innisip ko lang ang sarili ko kung papano ko makikissalamuha sa mga taong kilala man ako o hindi, wala rin akong pakialam. Kung na-aanoy ka man, wala rin akong pakialam. kung ano mang buhay at sikretong meron ka, wala rin akong pakialam. pero kung sino pa tong mga taong ito, dun ko nalaman na kahit papano, may silbi at halaga din ang lahat ng prinsipyo nila sa buhay mo. Ngayon ko lang namalayan na sa bawat prinisipyong meron sila, dun ako natutong maging bihasa sa takbo ng buhay na meron ako.

Way back 2010, dun ko nalaman ang kahulugan ng kaibigan sa kalagitnaan ng trabaho, pagiging mukhang pera at katumbas ng lahat ng ginagawa mo ay umiikot sa pera, at pagpoposisyon ng sarili sa gitna ng pera, trabaho at tinuring mong pamilya. NO OFFENSE! naalala ko ang mga linyang "work equals stress at no work means no stress" puwede ka naman magtrabaho ng walang stress di ba? dun ko rin naintindihan ang mga salitang mas importante ang pera kaysa sa tinuring mong pamilya at puro pera ang usapan at mistulang nahihilo na'ko kung bakit pera ang gumagawa ng pagkakawatak-watak ng isang samahan na hindi mo naman inakala na hahantong sa isang madilim na kahapon. Dun ko rin nalaman na naiiba ang tingin sayo kapag pera na pinag-uuspan. mapa positive side man yun o nega...

WAy back 2010, dun ko nalaman na kung wala kang initiative, hindi mo kaagad malalaman na sa bawat segundo ng buhay na meron ka, maraming mga pangyayaring ang hindi mo inaasahang dumating at sinayang mo lang yun. dapat mong magsakripisyo para naman sa sarili mong kapakanan at unahin ang mga bagay-bagay na dapat mong bigyang pansin kaagad. INITIATIVE plus PRIORITIES may lead to success.

and Way back 2010, dun ko nalaman ang tunay na kahulugan ng LETTING GO... at hanggang ngayon, hindi ko mapaliwanag ng brief and concise kung ano ang nilalaman ng mga sinasabi kong MOVE ON... basta ang alam ko lang, masaya ako para sa kanya at masaya ako sa sarili ko ngayon. kung ano mang sugat ng nakaraan ay mananatiling KELOID nalang. basta ang alam ko, ang nararamdaman ko, kampante ako na nasa tamang landas ang iwan at panatilihing closed book at wag ng ungkatin pa muli.

sa mga taong naging parte ng buhay ko noong 2010, sa mga taong nanghusga kung sino ako, sa mga taong nagduda sa kakayahan na meron ako, sa mga taong binigyan ako ng pagkakataong maging ako, sa mga taong naka-away ko, sa mga taong nagmahal sa'kin, at sa kaisa-isang taong.......... yun na yun! hehe! salamat sa lahat pagkakataong naging makulay ang taong ito para sa'kin!

Tuesday, January 4, 2011

but wait... there's more...

hindi ko malilimutan sa buong buhay ko ang trainer kong si Monique Almanza... well, i admire her because of her pagiging strict pero nasa lugar. Hindi ako straw or pasipsip pero nabuo ang pangarap kong maging trainer dahil sa kanya. Hindi man ako gahaman sa pay pero ang kung passion ang pag-uusapan, nandun yun teh!

samu't saring mga linya ang naglalabasan sa training area ng trabahong pinapasukan ko ngayon. kanya-kanyang linya at segway na naging parte na ng daily routine ko. Everything's change sa daily routine ko at kahit mga taong nakakasalamuha ko, it's not the same thing before. ngayon ko lang naranasan makisalamuha sa mga taong may asawa, separated, widowed, lesbians at kung anu-ano pang mga uri ng taong hindi ko naman nakakasalamuha before.

"are we good" - Jen Cab
"but wait there's more" - Monique
"masternation!!!" - master nathan
"monay party" - VG
"puki palda" - Tintin Paras

ilan lamang sa mga naalala kong mga linya at kung LSS pa toh, everyday nalang pumapasok sa utak ko ang mga ganitong segway.

As I've said. Iba ang pagiging mean sa isang keen observer. Hindi ko naman kagustuhan maging laiera pero kung araw-araw ba naman ng Diyos maririnig ang ganitong mga salita, hindi ka ba matatawa o kaya naman pasulyap mong uulitin ang mga ganitong words.

Bandols-bundles
chinz-change
conferm-confirm
praduk-product
petz mango iced tea-peach mango iced tea

at kung anu-ano pa. well, I admit. I am a certified BISDAK! at hindi ko naman nilalait ang ganitong mga klaseng pagpronounce. My point is, kaya tayo nagtratrabaho sa call center para malaman ang tamang pag pronounce ng mga words ng tama. buti nalang at hindi FOH o front of house ang account! or else, ligwak sa accent training... hehe!

I am not pointing somebody. kahit ako, nagkakamali ng pagpronounce. my point is, nakakatuwa lang kasi pakinggan. nakakawala ng stress. I dunno pero nasanay kasi ako sa publication before na kinocorrect ang pagpronounce at GRAMMAR. kaya pag may naririnig ako na wrong gramming, i keep it to myself at natatawa patago. anyway, human as it is di ba...