Wednesday, September 22, 2010

Ang mga Echoserang Manghuhula...

Minsan na akong nagkaroon ng case study, o sabihin nalang natin na Documentary Film tungkol sa mga di kapani-paniwalang super natural powers gaya ng kulam, gayuma at albularyo. Nasa third year college ako nun at nasubukan kong makipaghalubilo sa mga taong kinatatakutan ng iba dahil may angking kapangyarihan silang taglay. Nung mga panahong iyon, alam ko ang katotohanan na risky at delikado ang pag-cover sa ganitong klase ng paglathala sa telebisyon. Tanging baon ko na lamang ay ang tatag ng loob at effort na gawin ang istoryang hindi ko feel at dahil na rin kay DX Lapid!

Namulat ang aking mata sa katotohanang totoo pala ang mga ganitong pangyayari. Ang mga pulang kandilang sumasayaw ang apoy kahit sarado ang bintana, kulob at walang hangin ang lugar. Ang itim na krus na pagmamay-ari ng isang mangkukulam na kapag hinawakan mo, makakaramdam ka ng hilo. Ang mga halamang gamot na niluluto dahil ang mga ito daw ay sangkap para makabuo ng isang makapangyarihang gayuma at ang di ko malilimutang bungo na kapag kinukuhaan mo ng picture, blurred lahat ang shot. Bungo daw ito ng ninuno nilang mangkukulam. Hindi kapani-paniwala pero makatotohanan pala ang lahat. Hindi ko rin maipaliwang ang sarili kong opinyon pero base sa mga nakita at naramdaman ko, madiin kong sasabihin sa sarili ko na dapat mo nalang paniwalaan ang lahat kahit alam mo na may maliit pang tyansa na maipapaliwanag pa ito ng syensya at agham.

Nung nag-aaral pa ako sa FEU, madalas akong napapadaan sa Recto o kaya naman sa Quiapo. Talamak ang mga manghuhula sa mga lugar na iyon. Iba't ibang klase ng manghuhula ang naglipana gamit ang iba't ibang uri ng materyales gaya ng baraha, tarot cards, bolang kristal, ballpen at papel at pati lumang kahoy na galing pa sa bulubunduking hindi na mapangalanan, di pinalampas. Hindi pumasok sa isip ko na magpaghula nun dahil takot ako na malaman kung ano ba ang kahihinatnan ko in the near future. Takot ako na malaman ang eksaktong oras at araw kung kailan ako mamamatay. Takot din ako na malaman kung maghihirap ba ako o kaya naman magiging embalido dahil sa isang karumal-dumal na aksidente. Ayokong malaman yun lahat dahil lang sa isang manghuhula. At malaki ang pagdududa ko sa kanila. Baka mamaya, ini-echos lang ako.

Minsan ng pumasok sa isip ko na subukan ang makapangyarihang hula ni Carmela, isa sa mga kilalang manghuhula sa Dumaguete. Pero inuunahan ako ng takot at baka pinagtritripan lang ako nito. Hindi na ako nag-atubili pang sumama at ginawang trip trip nalang ang hula ni Carmela dahil sa kagustuhan ng isang kaibigan. Hindi ko na idedetalye ang lahat ng usap-usapan namin tungkol kay Carmela dahil nakakatawa lang!

Hindi sa naniniwala ako o hindi sa mga ganitong trip. Malaki ang paniniwala ko sa Diyos at ipapasaDiyos ko nalang silang lahat. Ang akin lang, ito ay parte ng tradisyon, kultura at normal na may ganitong enerhiya at powers sa mundo. Kung patuloy nating ilulugmok ang ating sarili sa ganitong mga pangyayari, hindi tayo aasenso bilang tao.Mas marami pang bagay ang dapat pagtuonan ng pansin. Tayo ang gumagawa ng landas at direksyon na dapat nating tahakin ng wasto. Kung saka-sakaling puno ng mahika at puro kababaglahan ang gusto mong mangyari, problema mo na yun!

Kung Echos lang o True ang lahat, depende na yun sa tao kung maniniwala ka ba o hindi. Kanya-kanyang tripping lang yan. Nasa sayo na yan kung masasakyan mo ba o hindi.

Tuesday, September 21, 2010

Pandesal

Pag-uwi ko tuwing umaga, laging may hain na pandesal na nakalagay sa mesa. Ito ang kadalasang kinakain ko kasabay ng paghigop ng kape at yosi. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi nalang ganito ang sistema ko tuwing umaga. Nangangarap ng gising sa balcony at sa bawat higop at hithit ng yosi, nananatiling sariwa ang mga ala-ala ng nakaraan at gugunam-gunamin ang mga hinanakit ng kahapon at magiging depress bigla.

Hindi ako seryoso... feel ko lang sabihin ang mga ito. Wala lang! hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon... walang pumapasok sa utak ko...

ayun! meron na! nakatikim ka na ba ng pandesal na ang palaman ay sardinas at itlog? ako... hindi ako kumakain nun! malangsa kasi at di ko maatim ang lasa. Hindi naman sa pag-iinarte, hindi talaga ako mahilig sa malalansang pagkain. Mas gugustuhin ko pang margarine o kaya mayonnaise ang palaman.

naranasan mo na bang makipaghalubilo sa mga taong akala mo noong una, hindi kayo magiging close at ang ending, sila pa ang mga taong magiging sandigan mo pag ikaw ay nalulugmok o kaya naman, tripping mo lang na mag-inarte. Ikaw ang pandesal at sila ang sardinas at itlog at feeling mo, malangsa sila kaya hindi kayo match!

hindi ko na mabilang kung sino-sino na ang mga taong nakilala at nakahalubilo ko. yung iba, napadaan lang, yung iba naman, kasama kong nag-aantay ng masasakyan sa waiting shed tapos bigla nalang pa-para. Takot dumaan sa mabatong daan. Baka kasi tumagilid at mahulog s bangin ang sinasakyan namin. Yung iba naman, kasama mong kumain ng pandesal na may palaman na bagoong. Kahit kadiri, Carry na!

mabibilang lang ang mga taong kumakain ng pandesal na may bagoong. Pero kung inaakala mo na habambuhay mo silang kasabayang kumain nito, sabay inom ng GSM Blue, diyan ka nagkakamali. may sarili din silang palaman gaya ng atchara, toyo o kaya naman asin. Yung tipong di mo rin kayang kainin. May panahon din na iiwan ka nilang mag-isang kumakain ng pandesal na may bagoong. Kaya dapat, i-enjoy mo nalang ang jammin session. bawat segundo, minuto at oras, dapat mong ipadama sa kanila na mahalaga sila sa buhay mo. Anuman ang ipalaman nila sa pandesal, kaya mong kainin. Anuman'g uri ng ulam o di mo man maatim na lasa, kaya mong lamunin!

Marami na ang naglabasang uri ng tinapay pero di pa rin papakabog ang pandesal. Ikaw ang pandesal na tinutukoy ko. Ang importante, mahalin mo ang lahat ng kaibigan, pamilya at kasintahan mo dahil minsan lang yan dumating sa buhay mo.

ganda ng konek noh? pamatid post para sa nagdudugong utak ni Bea! hehe!

Thursday, September 16, 2010

I-blog mo nalang

PUWEDE NAMAN SABIHIN LAHAT SA BLOG DI BA? KUNG NAIINIS KA, HINIHIGOP KA NA NG STRESS... YUNG TIPONG GUSTO MO NG SABIHIN SA SARILI MO NA PLS LANG! ONE TIME LANG! GUSTO KONG TUMAKBO NG NAKAHUBAD! WALANG SAPLOT!!

hindi ko alam kung magagalit ba ako o pawang dedeadmahin ang lahat. Oo nga naman, pinipilit ko ang sarili ko na maging matatag at maging easy on going ang lahat, pero di talaga maiiwasan na lamunin ka ng sarili mong emosyon.

Sana, sa pagkakataong ito, hayaan niyo munang sabihin ko ang lahat lahat ng gusto kong sabihin. Sa totoo lang, kailangan kong manahimik pero kung mananatili itong tago sa buong pagkatao ko, yung tipong wala akong outlet na malalabasan, para na rin akong isang LPG. pasingawin mo tapos sabay sindi sa lighter... ganun din ang kalabasan. Mas malala pa nga.

Ayoko ng magpakaplastik. Ayoko ng magpakamartyr. Siguro, ganun talaga pag masyado kang mabait. Kailangan mong intindihin ang kinanatatayuan nilang sitwasyon at kailangan mong sabihin sa sarili mo na manahimik nalang at idaan nalang sa kakatawa at megapictorials ng pangHFM (nabulol sa FHM) daw ang drama pero kadiri ang kinalabasan ng pictorials.

Ikakatuwa ko sana ang 6 day leave ko sa trabaho pero ganun pa rin ang kinalabasan. Binigyang pansin ko ang publikasyon dahil kailangan namin ang bawat isa sa panahong ito. Walang iwanan ang drama. pero habang tumatakbo ang mga araw sa kalendaryo, pakiramdam ko, lumalala ang sitwasyon. ayokong ipakita sa kanila na naapektuhan ang buo kong emosyon dahil alam ko sa sarili ko na wala itong silbi at makakadulot pa ito ng mas maraming negative energy. At alam ko ang katotohanang isa ako sa nakakatanda sa TN kaya siguro, sa akin dapat magmula ang hindi pagsuko sa ganitong labanan... signs of maturity kung baga.

halos nanalamig ang buong katawan ko sa biglaang pag-resign ng ilan sa mga empleyado ng walang abiso sa admin at pati na rin sa'kin. siyempre, responsibilidad ko na magbigay alam sa OM (operations manager) o kaya naman sa CEO (Chief Executive Officer) kung sila ay aalis na sa kompanya. nakakalungkot isipin na binigyan mo na nga ng pagkakataon na sila na ang mismong magresign personally, pero sila pa ang may makakapal ang apog na bigla na lang mawawala... parang MIA... ganun na nga! hindi na parang! tpaos iiwan sa ere na sa'kin ang lahat ng pagisisi at sabon na todo bulang Surf at Tide ang inabot ko sa Taas.


at dun ako nasasaktan ng husto. PAGTITIWALA! mahirap ibalik ang buong pagtitiwala kung hindi mo alam ang tunay na kahulugan nito. MAhirap Umasa sa wala kung ang ugat nito ay ang salitang Pagtitiwala.

sana, naging panaginip nalang ang lahat. Kung saka-sakaling sinusubukan ako ng Diyos kung kaya ko pang lumaban sa stress at burdens... wala na akong magagawa. nandito na ako at obligado akong tapusin ang labanang ito magkamatayan na!

sabi nga nila, huwag kang maniguro na magdala ng mahabang espada, pananggalang at kabayo kung ikaw ay makikipaglaban sa mundo na puno ng mapanuri at traydor. Mas mabuti pang magdala ka ng punyal at magsuot ng sapatos na may makapal na suwelas dahil mas mahaba pa ang timeline ng iyong pakikipaglaban. Madali kang mamatay kung armado ka nga at hindi mo naman ito ginagamit ng wasto at maayos. Mas mabuti ang simplen at makalumang sandata basta alam mo kung paano ito gamitin ng maayos at may tactics at special skills.

Sunday, September 12, 2010

Things that I supahlike in the PUB

  • OA-OA na pag-incorporate sa mga articles na puro erasures, linyang curves, straight at broken lines!

  • Mga missing paragraphs na nawawala dahil di namalayang na-delete! Haha

  • magsulat ng features at magazine articles

  • Overnights! Tapos biglang magiging adik at aandar bigla ang mga “waley” moments pag madaling araw na

  • Pag-inom ng kape sa office tapos mag-eeffort ka pang maghugas ng Mugs dahil gamit lahat!

  • mga gaguhan, “yabuhanay” at asaran moments as in Mega Mega patayan session. (actually, gimingaw ko sa mga lines ni Poldo, Marvin, Junrell at Gian)

  • tawaging White Horse! Hehe!

  • Ang Pictorial moments pag Photo shoot sa Magazine Issues!

  • Pag-emote sa Balcony

  • Ang paggamit sa Editors PC dahil lahat ng files ko nandun… bigla nalang na-reformat! Huhu!
  • Si Joel Senico Aba! Wala na akong mayakap! Hahaha!
  • Ang hindi pag-open sa facebook, twitter, at anu mang sites na hindi related sa trabaho... DATI YUN!

  • Ang Patayan session sa mga meetings

  • Ang mga Narcisismo sa office!

  • ang pag-edit sa videos!

  • ang mga artists na mega paint at draw….

  • photo essays ng mga photographers

  • mag-inarte tuwing umaga lalo na pag galing overnight

  • ang pagpunta sa office pag Sunday kahit di naman kailangan!

  • ang masayahing mukha ni Dorothy Mae Acabo!

  • and lastly… ang magulo kong locker ko na may picture ni Eds! Hahahaha!

Friday, September 10, 2010

Problemado ka ba?

Oh well... bago muna ang lahat, gusto ko sanang maibsan muna ang lahat ng pagsubok at paghihirap sa TN. Gusto ko lang labanan ang stress at wala akong pakialam kung hindi ito English. pasensiya!

kahit sabihin man ng iba na ako ang taong madaling makalimot sa stress at ginagawang maging simple ang lahat, ayoko lang talagang higupin ako na pagod at maging emosyonal. sana, sa mga larawang ito, sa mga sasabihin ko na sa tingin niyo na walang kuwenta at nonsense, malaman niyo ang dahilan at kahulugan ng pag-asa, solusyon at tiwala. Sana, maisip natin na masarap mabuhay sa lupang puno ng pagsubok at kalbaryo... di ba?

May mga pagkakataon talaga na umaatake ang salitang stress. Nanghihina ka na para bang ayaw mo ng kumilos o kaya naman masyado mong dinidibdib ang lahat ng kalbaryo sa buhay. dapat strong tayo... huwag na nating antayin na may magsabi sa atin na wala tayong kuwenta at tama na ang paghihimutok...
(pagmasdan ang larawang ito... "anak... kumain ka na? Pls. naman ubusin mo! [commercial ni tita Shawie na Lucky ME])


Mas masarap ang buhay kung may nararamdaman kang pag-asa hindi lamang sa sarili kundi pati sa iba. Mas naaayon sa batas ng tao kung may makakapitan ka at maibsan ang hirap na nadarama, Malay mo, sila pa ang patuloy na aakay sayo. Huwag na natin antayin na malunod tayo sa problema. Lagi nating tatandaan na may katapusan ang buhay na hiram lamang sa maykapal. Tulad nalang ni Jonas. Kahit hirap na hirap sa litratong ito na i-angat ang kanyang "MUMUNTING" katawan, kaya niyang lumutang kahit pressure at effort sa kanya.


Iwasang puluputin ang sarili sa problema at manatiling nakatunganga na para bang pakiramdam mo, wala ng bukas. Gumigising tayo araw-araw at masuwerte ka kung nagising ka pa. Ang problema nung nakaraang araw ay mananatiling sariwa sa iyong katawan pero dapat natin isipin na hindi ito ang dahilan para kainin tayo ng sarili nating emosyon. Lahat ng problema ay may solusyon. Ito ay dapat gawin ng maayos, mabilis at walang keme at huwag ng tumunganga na para bang nag-aantay na umulan ng nyebe sa Pilipinas. Humanap kaagad ng solusyon. Tulad nalang nito... ang mga dekorasyon na nakalambitin ay ginawang props... siya daw si Naruto... ewan ko nalang!


Iwasang mag-inarte. Hindi na uso ang emo... Jejemon na! mas mabuti na kapag may problema sa buhay, hinahaluan ito kaunting sahog gaya ng kaibigan, pamilya, kapaligiran at hindi puro nalang sarili. Kailangan mo sila... hindi ikaw ang kailangan nila. Huwag ng gumaya kay Rolyn na mahilig mag-inarte... gaya nito! hehe!


(pasensiya kung hindi maayos ang pag-photoshop... nakakatamad na!) At ang pinaka-importante at masaya sa lahat, magrelax at huminga ng malalim. Patuloy lang ang takbo ng buhay at mundo. Ikaw, siya o tayo ang gumagawa ng daan patungo sa tagumpay at hindi tayo uusad kung mananatili tayong bigo at ramdam ang bawat hinanakit sa buhay. Walang silbi ang pag-iinarte sa problema at mananatiling makulong sa apat na sulok nito. Walang kuwenta! Pero wag ng gayahin ang nasa litratong ito... OA na!

To my dearest Team... Webpage, Arts and Photography Unit...


Sa mga Editors... (pasensiya na walang pic si DJrem... di ko mahanap eh!)

Sa mga Writers

At Newbies....

Walang iwanan...
Ayokong magmaka-awa
Pero isipin nalang natin
malalampasan natin toh!
Gow TN!

Tuesday, September 7, 2010

Pira Pirasong Pangonsensya

* matagal ko ng gustong gumawa ng wishlist ngayong BER months, pero tinatangay ako ng katamaran pag nasa harapan na ako ng PC. marami kasing mga hadlang. Tulad nalang ng facebook, twitter at pesteng yahoo updates at PEP! hehe! kung hindi naman tinatangay ng mapaglinlang na katamaran, dinidemonyo naman akong magsulat ng ibang topic gaya nito!

* may itinakda ang maykapal kung dapat ko bang maranasan muli ang magmahal at umibig sa isang matipuno at matikas na lalaki at hindi bisexual! pero kung maghihintay ako sa takdang panahon, baka mamaya, lamunin na ako tubig at magsanib puwersa ang kapangyarihan ng lindol at pagsabog ng bulkan, walang pag-ibig ang dumating sa buhay ko. Pilitin ko man na sabihin sa sarili ko na ayoko ng magmahal pero kung nakikita mo ang iyong mga malalapit na kaibigan na may tinatawag na "baby" at "hon", ang tamis tamis tingnan na para bang candy... at alam mo yung tipong out of place ka sa isang grupo na puro may ka-partner, di mo ba masasabi sa sarili mo na ganun ka na ka-manang o kaya naman ka conservative na puwede ka ng tubuan ng kepyas sa nuo? hindi naman sa pagiging inggitera pero tao rin naman ako... nagtataka kung bakit wala akong panahon magmahal ng iba at makuntento na lamang ng pagmamahal sa sarili, kaibigan at Diyos. umaaasa din naman ako na may taong magbubukas ng loob ko na magmahal muli pero kung aasa ka ba naman sa wala, hindi ba nakakainis o kaya nakakadismaya! TAO DIN AKO! marunong magtaka kung bakit ganito ang kapalaran ko pagdating sa lecheng pag-ibig na yan!

* kung bibigyan ka ng pagkakataong maging isang element, ano ka? ako.... isang Iron o Ferrous! bakit? naisip ko na kahit ano mang pagsubok ang dumating sa'kin, eto pa rin ako... matatag at puno ng stressstabs! ewan ko ba pero eto talaga ako... Kung deadmahan ng problema ang pag-uusapan, wala talaga akong pakialam. ayoko ng stress! pero kung tingin ng iba, binabalewala ko lahat ng dapat problemahin at sabihin niyo man na easy go lucky ako... WHAT DO YOU EXPECT FROM JAY-AR LUYAS? ang taong hindi marunong magseryoso sa buhay at laging at ease at lax ang lahat... ayokong magkuwenta pero kung saka-sakaling may portal at may pinto at puwede niyong masilip ang buhay ko NGAYON... baka mamaya, gusto niyo ng lumabas sa sobrang gulo o kaya naman stress at toxic. ayoko ng isa-isahin dahil ayoko ng STRESS! mas mabuti nalang na ganito ang nakikita niyong imahe ko... dahil kung ako mag-emote! hahahaha! drama kung drama! watch-out!

* sa sobrang dami ng pagkakamali sa buhay ko, yung iba nga di ko na maalala, iisa lang ang masasabi ko... Ces OreƱa Drilon... I survived! matagal ko ng gustong i-try magcliff jumping na sinasabi ni Bella ng New moon na recreational daw ito, matagal ko ng gustong maglaslas at magbigti, pero lagi akong dinadalaw ni Aphrodite at sinasbi ang line "Oh my! Oh my! ain't do that honeybee! you're effin pretty my motha fuckin muse" with new york accent pa yan! wag ka! modern na si Aphrodite today! nagmumura na! haha! sa totoo lang, kung binabalak ko man lang na magpakamatay, mas nanaisin ko pang kumain ng 5,466 na boxes ng choco mucho at magka-cancer of the throat! at least! hindi masyado suicidal. at di ko pinangarap na magpakamatay dahil kahit kalbaryo ang buhay ko, narito pa rin ako sa mundong mapusok at mapaglaro.