Tuesday, February 17, 2009
Minsang bumalik ang kahapon
Sa tagal ng panahon kong nag-aantay ng aking mr. right… malamang siya na talaga sa haba ng oras na pag-aantay ko
Matagal na panahon ko na ring nakalimutan ang salitang “relasyon” dahil kung tutuusin, busy ang aking buhay-buhay at masyado kong minamahal ang aking sarili dahil alam ko naman na walang “special someone” ang nagpaparamdam sa akin nowadays.
Matagal na rin na ala-ala na tila binaon ko na sa mahiwagang baul ang lahat ng kilig moments at kakirian sa buhay ko. Kung baga ang term na lovelife ay tigang na sa mga oras na narramdaman ko ang paglalaro ni Mik-Mik at ni Myrtle sa aking tabi. (By the way sila Myrtle at Mik-Mik ay mga hidden ghosts sa TN office)
Matagal ko na ring kinalimutan ang isang tao na minsan ko na ring minahal sa loob ng apat na taon… ngunit di ko alam na andyan pa rin siya na nagmamahal pa rin hanggang ngayon na eto naman ako pilit hinahanap ang taong nararapat para sa akin. Di ko man lang naiisip na andyan lang pala siya na nag-anntay din para malaman ko ang katotohanan na siya ang taong hinahanap ko.
Matagal ko ng sinasabi sa kanya na darating ang panahon na hindi para kami sa isa’t isa ngunit andyan pa rin siya na pinipilit baliktarin ang prinsipyong pinananiwalaan ko. Di ko lubos maiisip na ganito kakulit ang taong ito.
Matagal ko ng inakala na sa milyong milyong tao dito sa mundong ibabaw… pilit kong tinatanngi sa sarili ko na siya ang taong hinahanap ko at maghanap ng ibang tao na magmamahal sa akin ng lubos…
Matagal ko ng sinasabi sa sarili ko na di ko na siya mahal ngunit hanggang ngayon, binukbuksan niya ang pinto para maiintindihan ko na buhay na buhay ang pag-ibig niya para sa akin.
Sobrang tagal ko ng inaantay ang pagdating ng aking prinsipe ngunit dumating na pala siya… matagal na…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment