Sunday, February 1, 2009

Buhay Buhay Jhe noon... ngayon Bea na!!




matagal ng patay si Jhe-ar!! nung 5 years pa

Ako na ata ang isa sa mga taong pinagpala ng maykapal na magkaroon ng sandamakmak na friendships From the Capital City of the Philippines hanggang sa City of Gentle people. Hindi ko na nga mabilang sa aking mga mumunting kamay kung ilan na sila lahat. Siguro… sobrang malambot lang talaga ang aking Aorta kaya kung magkakaroon ng burol sa bahay namin.. hindi sapat ang drum of biscuits and isang pitcher ng Kofea Rubusta na walang halong tubig.

Simula Kinder, Elementary hanggang High School, nabuhay ako sa mundo kung ano ba talaga ang tunay na kulay ng TONE! ( a Slang term sa St. Anthony School). Doon ako natutong umutang at siyempre… naging talented na naging popular sa buong institusyon ng TONE. naging isa sa mga pinag uukulan ng mga insecurities tulad ng mga mahahaderang sila R_CH A_N at C_THE_R_NE. Naaranasan kong maging isang pipichuging starlet at nagijng isang sunodsunurang hampas tubig para sa mga taong pilit itinataas ang kanilang posisyon… hahay… nakakaawa ang mga panahon na iyon para sa akin!.

Tanging mga taong kaakabay ko ng mga panahon na iyon ay ang MARYAJHERAMHEY, CHAIRAMABELISH at siyempre… ang SFA. They gave the joy and essence of aa high school life. Of course, andyan ang mga loveteam… Walang kamatayang Jhe at Emphee na loveteam at puro inarte to the max… (in fairness… kinikilig pa rin hanggang ngayon!). puro nalang panlalait, kasakiman, kalbaryo at mga pag-asang walang hustisya ang kasunod ng lahat!! Nakakaimbyerna isipin pero ang pawang lahat ng ito dati ay puro ekspresyon na galing sa mga bastarrdang sila ramel, Bebe, Fifi, Lianne at Karen!

Iniwan ko ang TONE at naging MATINONG mag-aaral ng Far Eastern University sa masukal at masyadong lapitin sa mga rally AT bahain na lugar na malapit sa Recto. Ang taong dahilan ng lahat kung bakit ako naenroll sa FEU ay si BORGE (ang taong nagturo sa akin ng kung anu-anong mga masasamang impluwensiya… in short BI! Hehe!) Panibagong lugar at elemento sa aking mga mata ang lahat ng mga panahon na iyon. Dito ko nadiskubre na ang inuman ay puwedeng gawin bago pumasok sa Chemistry Lab class na lasing at magbasag ng Erlenmeyer flask at babayaran pagkatapos ng sem. Dito ko rin nalaman na walang pasok ang FEU pag baha ang LAGUSNILAD na isang kalye malapit sa Mania City Hall at magsasaya dahil cancelled ang finals. Dito rin namulat ang aking mga mata sa mga magnanakaw sa Recto at makikita mo na lang na yung cellphone mo nakadisplay na sa isa sa mga cellphone shops doon at binebenta ng two taw five hundred peso….(Di ka maloka?). Siyempre… panibagong pakikisalamuha mula sa 13L at 9R na siyang nagdala sa akin na kalasingan, kakirian, katatawanan at walang humpay na lakaran na wala naming pupuntahan hanggang tumambay nalang sa USTE!

Naging makulay ang aking kasaysayan sa FEU di dahil sa kolehiyo na ako kundi natuto akong maranasan kung ano ang buhay sa labas ng TONE… mistulang isang hangin na dumampi sa aking mga pisngi ang mga taong minsa’y naging parte na rin ng aking buhay!. Mga kaibigang akala mo eh BI ngunit sila ang naging sandigan ko sa hirap ng English class Chemistry na 5 units lalong lalo na pag finals na kopyahan to the max sa harapan ng mga prof… (WALA KAMING PAKIALAM). Mga taong akala mo eh iiwanan ka at bibiglain ka na lang na nandiyan na sila sa pintuan at dadamayan ka hanggang mauuwi sa inuman!. Hay nako!

Buhay nga naman ay sadyang pabago-bago… naisipan kong lumipad sakay ng eroplano hanggang makarating sa City of Gentle People.

Haay naku… panibagong buhay, panibagong pakikisama at siyempre… panibagong makakasalamuha! Pero I miss my life before…

Sabi nga nila… di mo na maibabalik ang panahon… tanging mga alaala nalang lahat…

No comments:

Post a Comment