Written last 2004
Source: Maryajheramhey na friendster
ang Maryajheramhey last 2004
ang maryajheramhey last 2006
hay!!! were i truly belong!!alam nyo isa
sa baterya ko sa buhay ko ang Marya!!
coz dito ko nalaman kung sino talaga
ang mga tunay na tunay as in!!! walang
kaplastikan 100% talaga!! binuo namin
ang Marya dahil sa inggit sa Chaira na
may name ang grupo nila!! pero thats
ok!! ang ganda nga ng name namin di
ba? kaakibay ko yan sila sa buhay ko!!
pati sa kalokohan.. kasama ko yan... sa
kamalditahan... actually were all mean
but as they are saying!! im the
meanest!! ako talaga ang
pinakamaldita sa Marya at inaamin ko
yan... hundred percent!! ang Marya ang
isa na siguro sa grupo ng mga tao na
nakakainitindi ng buhay!! ang tunay na
buhay!! naranasan na ng Marya kung
paano maging MAsaya!! as in
masaya... Naranasan rin ng Marya na
malungkot dahil sa hayok na hayok na
hindi pag finger lickin good!! knows na
namin yun kung ano yun!! naranasan
namin na magkaroon na mabigat na
pasanin sa buhay!!
as i was saying..... naranasan na namin
ang 20% kung ano ba talaga ang
meaning ng Life para sa amin!! malayo
pa ang mararating namin kaya knows
ko yon!! kasama ko rin yan sa mga
pangarap namin na magin babae kahit
panandalian!! di ba? sa mga contests!!
kasama ko lagi yan!!
Si Bes or mark recently
Si Mark... ang
Bes ko na sa mabuting palad na
hanggang ngayon.. kami pa rin!! yan
ang Brain ng Marya!! sa kanya ka
makakahanap ng sagot pagdating sa
mundo ng Academia!! ang Athena sa
grupo na utak ang pinapairal bago ang
buong katawan!! sa halos araw araw na
pagsasama ng Marya eh yan ang
malapitin sa disgrasya ng Tubig!! sa
kanal o kahit saan basta nay tubig...
andun ang kapalaran na mahagip o
madapuan man lang ang kanyan
munting katawan!! remember wat i said
na munti!! na halos ang di nya pwede
makalimutan ay ang kanyang Nebulizer...
di ba Bes? hayy naku iba rin kung
lumandi... dyan matinik si Bes... mautak
talaga!! halos ang term na Landi...
andyan na.. di ba nga....
Itong pic ni ryan eh taken sa states last fall 08
as the track goes by.... lets move on to
the reigning Ms. Universe of the council
of Marya... Si Ryan.... Actually isa yan
sa pangharap ng Marya!! kasi ba
naman na sa Ganda lang nyan
nakukuha ang Charming at sensuality
ng tao!! and how can you just imagine!!
yan ang pangbato ng Marya di ba?
typical na tao si Ryan.. simple at ang
make up lang nyan.. foundation lang!!
san ka pa? di ba ang daling nahumaling
ng mga tao dyan dahil sa powerful
Fashion 21 color fair na make up!!
sori!!!!!!!!! kaya nga siya ang Aphrodite
ng Marya!! sa Ganda lang nakukuha
nya ang lahat!! as in!!
saan na ba ako nahinto?...... alam ko na
kay ryan!! mahirap ang mawalay sayo
ang taong minahal mo na di ba? siguro
isa sa pinakamasakit at
pinakanakakalokang nangyari ay ang
pag alis ni ryan dito sa Pinas.... sayang
nga lang.. wala ako nung despidida
nya.. pero masakit sa part ko kasi una..
wala na akong accompany pagdating
ssa usapang boyfriend... wala na rin me
kasama na kumain sa KFC na ang
order namin ay number 7 with extra rice
and upsize ang pepsi... wala na rin me
kasama gumimik at bumili ng kung ano
ano na gusto naming bilhin... ito kasi
ang partner in crime ko pagdating sa
shopping spree!! pero alam ko...
darating ang araw na babalik rin ang
aming Ms. Universe title... sabi ko nga..
isipin lang natin na nagcompete sya sa
USA to regain her title...
Kala nyo kayo lang ang may maasim na pic...?
asan na ba me.... ayun punta naman
tayo sa sarili kong pangalan.. ako nga
pala si Jhe... pangatlong myembro ng
Marya.. well... isa na ako sa
pinakasadissssssta sa lahat ng
nilalang!! pinakamasama na ginawa ng
langit para maghasik ng kasamaan at
kasalanan dito sa mundo... inaamin ko
naman yun eh.... im meanest kung baga
sa Marya!! kaya matakot kayo pag ako
ang kaharp di ba... but not all things eh
masama ako!! i have a white heart
na nakatago na hindi nakikita ng ibang
tao at Marya lang nakapansin nyon!!
malaking pasasalamat ko sa Marya
kasi sila ang aking supporter to achieve
my goals in life.... siguro isa sa factor at
iishare ang aking artist of the year sa
Marya... kasi.. sila ang kasama ko sa
mga plays na ginagawa kong idirect!!
sila ang inspirasyon ko sa buhay na
naiintindihan nila kung anong ugali
meron ako na pagkaweirdo kaya bagay
ako sa teatro...
sila ang aking wreighning crown of
glory.... kaya ganyan ko kamahal ang
MArya!! walang kokontra... Sino ba
naman kasi ang tumutulong sa akin
halos... eh yung naaksidente ako...
MArya.... nung naging masama ako...
Marya!! nung issue chenes... Marya... di
ba!! damayan lang kami at ganyan ka
solid ang grupo namin!! ako naman ang
tinuring na boses ng Marya!!! coz one
factor is maingaay talaga akong
tao!! and what i like to convey to the people ... sinsabi ko talaga!!!
the songbird rin
kung ituring... he he he!! contest tayo?
hayyyyy kapagod!!! kapagod talagang
magdadakdak di ba? kahit naman
paano eh napapagod din me
kadadakdak!! tao naman din ako!!!! di
bale ang susunod na prinsesa at
whreigna ng Marya... ito... di ka
mapapagod!!!! ha ha ha!!!
Ang Wreighnah ay nagtratrabaho sa call center ngayon...
eto na ang nag-iisang Wreigna ng
Marya!!! si Raffy!!! hayyy naku as in!!!
nakakaloka at Bratinella talaga itong
babaeng ito!! "bratinella" meaning
babang pasaway!! di ba.. ang
tinaguriang queen of alibi!!!! ang
empress of laughter!!! ang Princess of
impersonation!!! at wreighning
lightness para sa Marya!!! di ba!! saan
ka pa!! ang daming title!! yan si raffy!!
ang kagandahan ang nauuna kaya
halos kumunoy na ang utang sa mga
taong pinaiikot niya sa kanyang
palad!!! magaling ng hypnotizer at
psychologist pagdating sa alibi nyan!!!
magsalita yan asus!!! ang
bulabulaklak!! akala mo true to the
extent of talagang maninwala ka!!! pero
kahit ganyan si raffy na madilim sa
paningin ng Marya ehhh maliwanag
naman ang kanyang prinsipyo sa
buhay!!! yan ang hinahangaan ng
Marya sa kanya pati ng ibang tao!!
magaling maggpaikot at magrolyo ng
buhay at pag ibig si raffy!!! ask ka lang
dyan parang bingo na!!! soul partner ko
yan pagdating dyan!! prinsipyo ang
nanaig sa aming dalawa!!! pareho ang
pananaw sa lalake puwera lang sa
pagiging askal ng babaeng ito!! pareho
ng impact kung ano ang buhay namin at
mga tama at mali na ginagawa ng
bawat nilalang dito sa mundo....
mahirap minsan ng wala kang makausap
pagdating sa ganitong issue!! kaya
dyaryo yan sa akin!! lahat halos ng
buhay ko... alam ni raffy!!! wala akong
sikreto na tinatago diyan at ganyan ako
magtiwala kay raffy!! parang lahat ng
kadiliman sa buhay ko napawi!! dahil
sa tulong ni Raffy at ng mahiwagang
dermablanca!! sabon ng maganda!!
wreighnang wreigna ka!!! dagdagan
mo pa ng maxipeel!!! wreignang
wreigna ka!! todo relax.... sa zema!!
May utang!! todo lagay... ng pearl
cream.. saan.. sa mata!!!
grabe noh!!! kapagod ang chant na
yun dedicated kay raffy!! kaya pag
kinakanta yun ng Marya... pagkatapos
nun... talagang stressful kami!! sobra!!!
lahat ng energy namin to the highest
level!!! sa bagay... si Raffy ang leader
din ng bagong sectoral group ng
Marya.. ang Kilometro girls!!! na saan
ka pa? lakarin ang pinakadulo ng
quirino highway sa Roxas boulevard
hanggang sa bahay ni raffy!! di ba? kaya
si raffy ang aming mga paa sa marya!!!
kasi siya ang stand sa Marya.. pag
walang madilim na mundo... eh walang
liwanag!! wat i mean is kung walang
raffy... di masaya ang Marya!!! di ba?
iba ang impact sa amin ni Raffy!!! todo
todo yan!!!!
alam mo parang ayaw kong
magsintemyento sa Marya noh!! well
ganyan ko kamahal ang marya!!
Si mhey noon... pa-girl
Si Martin ngayon... pa-men!
susunod na ang sex goddess !! na
walang alam sa buhay kundi ang sex!!
sex sex!!! sex is her game and martin is
her name!! he he he!! pero kahit sex
lang ang bumabalot sa utak nyan eh
may tinatagong abilibidad yan sa
buhay!! di ba..!! ang ricky reyes ng
Marya!! magaling sa larangan ng
cosmitology di ba..? kaya saya nyan
kasama!! gaganda ka!!! ang endorser
ng HORTALEZA products!! di ba!!
kulang nalang ang poster ni martin
andun!! di ba ang saya!! well!! kahit
ganyan yan si martin... mahal yan ng
marya!! dahil nagiisa lang yan!! ibang
uri ng prinsipyo meron yan!! kaya nga
iba iba ng rebelasyon ang maririnig mo
dyan!! talagang revelation!! promise!!
ang pinakamagandang nilalang dahil
sa tulong ng Diane di ba..? kaya nga
ang saya nyan eh!! laklakera ng
pildoras yan!! promise!!! kaya nga
gumanda!! siya naman ang suso ng
marya!! pang-akit sa mga tao!! di ba!!!
wag ka ng magkaila
well!! yan ang nagssusum up ng
marya!! halos maloka ako dyan di ba!!
pero ok lang!! yan ang
MARYAJHERAMHEY!! as in!! mga
kilometro girls!! the virgins!! "true ba?"
mean girls, pildoras sisters, the
elements,... basta marami pang okxys!!!
marami pang names!! at katawagan
lalo na sa SFA!! sonnys angels!! at
marami pang iba!! ganyan ka saya ang
Marya!! so... if you to meet the new
starlets!! andito lang kami!! ok!!
Thursday, February 19, 2009
Tuesday, February 17, 2009
Minsang bumalik ang kahapon
Sa tagal ng panahon kong nag-aantay ng aking mr. right… malamang siya na talaga sa haba ng oras na pag-aantay ko
Matagal na panahon ko na ring nakalimutan ang salitang “relasyon” dahil kung tutuusin, busy ang aking buhay-buhay at masyado kong minamahal ang aking sarili dahil alam ko naman na walang “special someone” ang nagpaparamdam sa akin nowadays.
Matagal na rin na ala-ala na tila binaon ko na sa mahiwagang baul ang lahat ng kilig moments at kakirian sa buhay ko. Kung baga ang term na lovelife ay tigang na sa mga oras na narramdaman ko ang paglalaro ni Mik-Mik at ni Myrtle sa aking tabi. (By the way sila Myrtle at Mik-Mik ay mga hidden ghosts sa TN office)
Matagal ko na ring kinalimutan ang isang tao na minsan ko na ring minahal sa loob ng apat na taon… ngunit di ko alam na andyan pa rin siya na nagmamahal pa rin hanggang ngayon na eto naman ako pilit hinahanap ang taong nararapat para sa akin. Di ko man lang naiisip na andyan lang pala siya na nag-anntay din para malaman ko ang katotohanan na siya ang taong hinahanap ko.
Matagal ko ng sinasabi sa kanya na darating ang panahon na hindi para kami sa isa’t isa ngunit andyan pa rin siya na pinipilit baliktarin ang prinsipyong pinananiwalaan ko. Di ko lubos maiisip na ganito kakulit ang taong ito.
Matagal ko ng inakala na sa milyong milyong tao dito sa mundong ibabaw… pilit kong tinatanngi sa sarili ko na siya ang taong hinahanap ko at maghanap ng ibang tao na magmamahal sa akin ng lubos…
Matagal ko ng sinasabi sa sarili ko na di ko na siya mahal ngunit hanggang ngayon, binukbuksan niya ang pinto para maiintindihan ko na buhay na buhay ang pag-ibig niya para sa akin.
Sobrang tagal ko ng inaantay ang pagdating ng aking prinsipe ngunit dumating na pala siya… matagal na…
Tuesday, February 10, 2009
It's a Gay Linggo...
Actually... nakakatuwang isipin na may mga salita talaga na naiimbento na akala mo foreigner na language pero gay linggo pala. Minsan, kahit ako... may mga salita na di ko maintindihan pero trademark as gay linggo pala... haha! anyway..
i want to share you some of the gay linggos galing sa bading.com
matudnila
- (adj) One whose hobby is to collect things that don’t belong to him/her.
balay, balaysung
- (n) habitat; a place where one resides
mara-mara
- (adj) one who is tightfisted; not generous and uncharitable
forty-eight years
- (adj) an expression used when something or someone is taking like forever to do or accomplish
bet, betsung, betsive, betchiwariwariwaps
- (v) a special kind feeling when one is really inclined in liking a person, a thing, or anything.
bebang, mayta, chimi, chimi-aa,chimini,chimini-aa
-(n.) maid-servant, houshold helper
aida macaraeg
- (n) the MOST feared sexually transmitted disease
jun polistico
- (n) a uniformed person who enforces the law
ohmbre
- (n) a person bearing an X and Y chromosome pair in the cell nuclei and normally
warla
- (v) an act towards total annihilation
dilemma
- (adj) darkness; the absence of light
tanawan, batangas
- (v) an act of noticing something that is not supposed to be seen.
skuala lumpur/iskuwey/iskuwating
- (adj/n) slums; squatter
jaguar
- (n) a uniformed personnel whose job is to watch and protect a certain establishment
counting words
- 10 - TENTACLES
carmi martin
- (n) a powerful force that brings about reciprocal altruism among people.
continent
- (adj) few; less; not enough
witchelles, witteles, wit, wai
- negative, nothing, no, signifying disapproval
maida, shutol, aleli
- (n) a help; paid housekeeper; a servant
botswana
- (n) a type of shoes which usually extends up to the legs
Yan muna as of now... cz marami pang mga set of words na talagtang nakakalerkeyy!
Thursday, February 5, 2009
My Pre-Valentine Post- Ang Mga Lecheng Lalaki sa Buhay ni BEA
Sila Robert Pattinson, Shane west at Chad Murray ay di ko kaano-ano! wala lang!
Everyone says: Masarap ang ma-inlove… but for me.. isang malubhang sakit ang ma-inlove!
Sabihin na nating manhater kung manhater na ang labas ng istoryang ito. Hindi naman sa umaarte o nagiinarte ako pero ang lahat ng ito ay pawang katotohanan lamang. Ika nga nila na ang katotohanan ang mananaig sa mundo. Wala akong intensiyong siraan o yurakan ang mga taong naging minsan eh parte ng aking buhay pero lahat sila ay parang mga estrangherong pilit sinugatan ang aking namamahingang damdamin. Hindi rin naman sa nagtatago o nagkikimkim ako ng sama ng loob pero minsan na rin nilang dinungisan at nilaspatanganan ang aking karapatan na ang adhikain lamang ay mabuhay ng normal sa aking MALAPALASYONG MUNDO na ang trono lamang ay para sa akin. Hehe
malinaw na sa inyo ang lahat… isang napakalaking PASENSIYA! kung magbanggit ako ng mga di kaaya-ayang mga salita sa mga lalaking minsang naging mga hayop sa aking paninigin.
ANG BOYFRIEND NG BAYAN
Nasusuka ako kapag naaalala ko ang isang lalaking pinapapasapasahan na ng aking mga kabaro na ang pinalalabas niya ay isa siyang leading man at SOLOMON sa kanyang buhay. Marami na siyang mga “concubines” at naging isa ako sa mga biktima ng trahedyang ito. Itago nalang natin siya sa pangalang “Bryan na nagtratrabaho sa CHOWKING”. Siguro, yung mga panahong iyon ay di maiiwasang naging alembong o makati ako na kahit anong kamot ko eh di talaga siya matanggal sa aking sistema. Ang di ko lang matanggap ay naging sawsawan siya ng bayan at ginawa niya lang akong parausan (sa totoo lang). kung tutuusin… mahayok talaga siya. Di nagtagal… iniwan niya akong nagtataka kung bakit wala na kaming komyunikasyon sa isa’t-isa. Laking gulat ko nalang na naging sila na ng aking matalik na matalik na kaibigan na si Exey at masayang masaya silang naghahalikan sa harapan ko.
I was raised by my mom with values and morals…
Di ka ba maulirat…?
ANG FEELERETTE…
Nabwibwisit ako sa sarili ko kapag nakikita ko sa campus ang lalaking feelerette o feeler talaga kung tawagin. Mano ba naman na minsan… nagkita kami sa ordinaryong tambayan ng mga lasinggero… ang (MAYCHEN) na bigla nalang naging kami within two hours. Alam ko naman na bangallou ako ng mga panahong iyon dahil sa hudas na Cossack Vodka na kapatid ni Tanduay na pinsan naman ni Emperador. Siyempre, tao rin naman akong nahumaling sa kanyang mala Coby Bryant na height at in fairness… sobrang bango niya na dumating sa punto na ang amoy niya ay dumidikit na sa aking balat… pero ang nakakainis sa lahat ay mano ba naman ibroadcast sa ibang tao na mahal na mahal ko siya at hinahabol ko daw siya para di daw siya mawala sa aking buhay. Gagawin ko daw ang lahat lahat na ultimo allowance niya eh pagtitiyagain kong paghirapan para sa kanya! HALLeeRRR!! So ang pinalalabas niya eh obsess na obsess ako sa kanya!
Di ko gagawin ang lahat para sa kanya. Mas gugustuhin ko pang gumastos at bumili ng Designer bags kaysa sa paggastusan siya…
Itago nalang natin siya sa pangalang Mr. Intrams way back two ow ow… yun na yun!.
PUNYETANG MAYA BIRD
Isang napakalaking pagkakamali sa aking buhay ang minahal ang isang MAYA BIRD. Ang MAYA ay balbal na salita na ang ibig sabihin ay “dicreet gays”. Masyado na ata akong praning at wangbu sa aking mga emosyon… Nagimbal ang aking mga friensters sa rebelasyong ito at nagimbal din ang buhay ko nung nakaramdam ako ng ganung klaseng pakiramdam. Haay naku! Eto pa ang mas nakakaloka!.... mas bakla siya kaysa sa akin. Walang kamatayang pag-uusap tungkol sa kanyang pagkatao na puro kabaklaan ang lahat!! Di ko talaga makaya ang lahat!
Hanggang ngayon ay kinokontrol ko pa rin ang aking emosyon at napagtanto ko na di ko na siya mahal… mas mahal pa ako sa kanya kung presyo ang pina-uusapan!
Itago nalang natin sa pangalang JOJO EL ABRINGE.
To be Continued sa Valentines Day!

Sunday, February 1, 2009
Buhay Buhay Jhe noon... ngayon Bea na!!
matagal ng patay si Jhe-ar!! nung 5 years pa
Ako na ata ang isa sa mga taong pinagpala ng maykapal na magkaroon ng sandamakmak na friendships From the Capital City of the Philippines hanggang sa City of Gentle people. Hindi ko na nga mabilang sa aking mga mumunting kamay kung ilan na sila lahat. Siguro… sobrang malambot lang talaga ang aking Aorta kaya kung magkakaroon ng burol sa bahay namin.. hindi sapat ang drum of biscuits and isang pitcher ng Kofea Rubusta na walang halong tubig.
Simula Kinder, Elementary hanggang High School, nabuhay ako sa mundo kung ano ba talaga ang tunay na kulay ng TONE! ( a Slang term sa St. Anthony School). Doon ako natutong umutang at siyempre… naging talented na naging popular sa buong institusyon ng TONE. naging isa sa mga pinag uukulan ng mga insecurities tulad ng mga mahahaderang sila R_CH A_N at C_THE_R_NE. Naaranasan kong maging isang pipichuging starlet at nagijng isang sunodsunurang hampas tubig para sa mga taong pilit itinataas ang kanilang posisyon… hahay… nakakaawa ang mga panahon na iyon para sa akin!.
Tanging mga taong kaakabay ko ng mga panahon na iyon ay ang MARYAJHERAMHEY, CHAIRAMABELISH at siyempre… ang SFA. They gave the joy and essence of aa high school life. Of course, andyan ang mga loveteam… Walang kamatayang Jhe at Emphee na loveteam at puro inarte to the max… (in fairness… kinikilig pa rin hanggang ngayon!). puro nalang panlalait, kasakiman, kalbaryo at mga pag-asang walang hustisya ang kasunod ng lahat!! Nakakaimbyerna isipin pero ang pawang lahat ng ito dati ay puro ekspresyon na galing sa mga bastarrdang sila ramel, Bebe, Fifi, Lianne at Karen!
Iniwan ko ang TONE at naging MATINONG mag-aaral ng Far Eastern University sa masukal at masyadong lapitin sa mga rally AT bahain na lugar na malapit sa Recto. Ang taong dahilan ng lahat kung bakit ako naenroll sa FEU ay si BORGE (ang taong nagturo sa akin ng kung anu-anong mga masasamang impluwensiya… in short BI! Hehe!) Panibagong lugar at elemento sa aking mga mata ang lahat ng mga panahon na iyon. Dito ko nadiskubre na ang inuman ay puwedeng gawin bago pumasok sa Chemistry Lab class na lasing at magbasag ng Erlenmeyer flask at babayaran pagkatapos ng sem. Dito ko rin nalaman na walang pasok ang FEU pag baha ang LAGUSNILAD na isang kalye malapit sa Mania City Hall at magsasaya dahil cancelled ang finals. Dito rin namulat ang aking mga mata sa mga magnanakaw sa Recto at makikita mo na lang na yung cellphone mo nakadisplay na sa isa sa mga cellphone shops doon at binebenta ng two taw five hundred peso….(Di ka maloka?). Siyempre… panibagong pakikisalamuha mula sa 13L at 9R na siyang nagdala sa akin na kalasingan, kakirian, katatawanan at walang humpay na lakaran na wala naming pupuntahan hanggang tumambay nalang sa USTE!
Naging makulay ang aking kasaysayan sa FEU di dahil sa kolehiyo na ako kundi natuto akong maranasan kung ano ang buhay sa labas ng TONE… mistulang isang hangin na dumampi sa aking mga pisngi ang mga taong minsa’y naging parte na rin ng aking buhay!. Mga kaibigang akala mo eh BI ngunit sila ang naging sandigan ko sa hirap ng English class Chemistry na 5 units lalong lalo na pag finals na kopyahan to the max sa harapan ng mga prof… (WALA KAMING PAKIALAM). Mga taong akala mo eh iiwanan ka at bibiglain ka na lang na nandiyan na sila sa pintuan at dadamayan ka hanggang mauuwi sa inuman!. Hay nako!
Buhay nga naman ay sadyang pabago-bago… naisipan kong lumipad sakay ng eroplano hanggang makarating sa City of Gentle People.
Haay naku… panibagong buhay, panibagong pakikisama at siyempre… panibagong makakasalamuha! Pero I miss my life before…
Sabi nga nila… di mo na maibabalik ang panahon… tanging mga alaala nalang lahat…
Subscribe to:
Posts (Atom)