Home tip: kasalukuyang di makatulog dahil sa shift ko na six to 2 pm... at buti naman, last day ko na to... balik 2pm ang shift ko next week.
Sa totoo lang, hindi ko feel ang pasko at new year ngayong taon. Siguro, hindi ko lang masyadong na-emjoy dahil may pasok ako kahit special special holiday ang pucha! anyway, pera naman ang katapat. tsaka na ako magcecelebrate ng pasko at new year pagdating ng jan.7.. haha!
ang dami kong gustong i-blog at marami akong gustong sabihin. Nung pasko ko pa gustong magblog tulad ng nakagawian ko na last year pero dahil na brin sa pagod at busy-busyhan ang drama, ayun, kahit FB ko o kahit FB mobile ko, hindi ko na magawang bisitahin.
hindi na nga rin ako makapagtext dahil sa totoo lang, hindi naman ako mahilig sa text. kahit bumati nung pasko, hindi ko magawang magtext hindi dahil sa ayokong bumati pero wala lang, ayoko lang magpaload dahil ayoko ng makipagpatintero sa bug down system ng Globe tuwing holidays.
May isang taong lumapit sa'kin kagahapon nung papasok ako ng opisina. multi colored ang highlights, pinaghalong toskolate at putik ang kulay ng balat, at nakasuot ng puting damit na hindi nilabhan gamit ang Tide Bar, in other words, isang pulubi. naloka ako dahil hindi literal na hindi pa sumisikat ang araw, may ganu'ng kalakalan na ang nagaganap. it was 5:30 in the morning pa at masyado namang maaga para manglimos di ba? at bigla akong nawindang dahil hindi siya ordinaryong pulubi, isa siyang Badjao na normal ko lang na nakikita sa Dumaguete at wag ka!!! nakaabot na sila ng Maynila!! Badjao's attack ang concept nila na kinakabog ang mga pulubi dito sa maynila.
alam nyo naman ako pag umaga, basag at kasalukuyang nagbubuffering ang katawan ko lalo na pag-tuntong ng six ng umaga. kailangan ko ng kape. alam mo yung nasa verge ka na at tipong kapeng kape ka na, isang vending machine sa smoking area ang nag-ooffer ng brewed coffee at yung tipong tuwang-tuwa ka dahil makakainom ka na ng kape at hindi lang ordinaryong 3-1 (sabi pa ng trainer ko, ang 3-1 daw ay cheap, dapat daw brewed) kundi BREWED... tsaka ka pa bibigyan ng lecheng vending machine na yan ng MAINIT NA TUBIG... ano ako, masakit ang tiyan ko ganun? kaya whole day akong naghimutok dahil lahat pala ng vending machines sa office ay puro walang laman at hindi naglalabas ng kape... NO CHOICe ang pucha! Brewed coffee sa Country style at kailangan pang gumastos ng mahal para sa kape... namimiss ko tuloy ang kape sa Blue monkey...
ilan lamang sa mga experiences ko ngayong linggo. at dahil magnenew year na mamaya... lemme greet you a happi new year at alam kong segway lang toh!
Thursday, December 30, 2010
Tuesday, December 7, 2010
This is really is it…
Mabait talaga ang Diyos sa’kin… bakit? Everything happens for a reason. Ika nga ng mga quotable lines na madalas kong naririnig before. At long last, naging madali sa’kin ang makahanap ng isang desenteng trabaho at wala ng keme-keme… PERA na to! Hahaha
Matagal ko na talagang pinaplano na pumasok sa isangh malaking kompanya at maging costumer service associate… in other words, ang common na trabaho during graveyard shifts, ang call center. Pinlano ko na mag-apply sa convergy’s dahil sa tumatagingting na 20,500 na basic pay, manila rates kasi… ay mali… MAKATI rates nga pala! At kasalukuyang naman akong natanggap sa TELETECH! Hahaha! Pero mas malaki naman ng sahod ikumpara sa Provincial rate sa Dumaguete. Ok na sa’kin yun dahil alam ko naman ang kikitain ko ay sakto naman sa pangangailangan ko at wag ka! Makakaipon pa ako dahil hindi naman ako masyadong obligado na tumulong sa mga expenses sa bahay… haha! Kaya ang first goal ko ngayong pasko ay ang mahiwagang SONY ERICKSON EXPURIA! Hahaha! At long last, magkakatouch screen na rin ako… SOON! Hahaha
Habang nagtratrabaho sa isang malking kompanya, may nag-alok din sa’kin ng isang napabonggang trabaho bilang MUA sa mega magazine… natakot ako nung una dahil hindi naman ako professional MUA. Pero base na rin sa portfolio na sinubmit ko, pasado sa taste nila ang ganu’ng make-up, natawa ako bigla dahil nakahiligan ko lang naman ang maging isang make-up artist at stylist nung nasa Dumaguete ako… ay mali IMAGE STYLIST as what Sweet Lapus stated sa isang pelikula. Dito pala ako mabibigyan ng isang magandang trabaho at susi na rin sa trabahong gusto ko at mapabilang sa world of fashion! Magkaribal ang cocept ng lola mo! Hahaha! So far, scheduled pa ang mga MUA kahit mga small photo shoots lang naman. Balang araw, makakamake-up na rin ako sa Cover shoot nila pero di muna ngayon. Magsimula muna tayo sa maliit na break bago mabigyan ng isang malaking break. I do remember nung sinabi ng isang stylist sa Mega… dati nga si Liz Uy, nagstart lang sa mga small fashion shoots. Ngayon, halos din ha magkaugaga si Liz dahil sa dami ng mga clients niya. Kahit si PNOY nga, nakuha niyang bihisan ng maayos. Yun nga ang sinasabi nila! Kung gusto mo umangat sa buhay, dapat, magsimula ka sa maliliit na bagay muna.
Hindi rin naman ako makakapasaok sa Teletech kung hindi rin ako nagsimula sa isang maliit na kompanya. Doon ko rin nalaman ang importansya ng trabaho bilang isang CSR at Admin Assistant. Hindi rin medali ang maging CSR. Dapat mahalin mo rin ang trabahong ito para may commission ka at incentives na rin.
At least, Masaya ako dahil alam ko na sa bawat araw na puro trabaho at pera ang nasa isip ko, magaan ang loob ko na uuwi ako ng bahay na alam kong nag-aantay sa’kin at paghahanda ako ng pagkain. Pagmamahal na siyang papawi sa stressful day at walang kamatayang kasiyahan sa bahay dahil sa mga ka-lechehang pinanggagagawa ko at isali mo na rin ang kapatid ko! Haha!
Subscribe to:
Posts (Atom)