Sunday, May 31, 2009

ok ready....

on the process ang aking post regarding my birthdey... pls wait!!!

Sunday, May 24, 2009

Binaboy nila ako…

I was swined...
Bumabalik ang aking waistline na 34….
I remember those days na inaasar ako ng BABOY, KONTINENTE, TABA, at ang pinakamasaklap… MUNDO. Pakana ni fifi ang lahat ng mga salitang yan. If ever naman na tumaba ako… isang malaking exception naman kasi bakasyon. Alam naman nating lahat na pag bakasyon… buhay baboy talaga ang tamang routine at walang kamatayan ang hang-out at megainuman ng walang humpay.
Alam kong naggain ako ng weight this following days at totoo yun. Pakana ni Lianne ang lahat kung bakit ako tumaba (nangdamay pa ng tao). Naiinis nga ako dahil di ko muna masusuot yung mga pants ko na fitting at magpapahinga muna ang Skinny Jeans sa closet ko.
Kahit yung mga blouses ko na malilit, pumuputok na! kung nung March, kasyang kasya pa eh ngayon… para na akong suman. Ang nakakalungkot, halos lahat ng damit ko eh semi fit o tight fit… wawa naman ako.
Alam ko rin naman na malakas ang aking metabolism at natatawa na nga lang ako sa aking self dahil kung gusto ko pumayat, pumapayat naman talaga ako at kung gusto kong magpakadambuhala, tumtaba talaga ako ng bonggang-bongga.
Wala lang, may mga tao lang kasi nowadays na kinukutcha ang aking figure ngayon.
Wag silang mag-alala dahil babalik din ang aking figure. Luboslubosin nyo ang pagkutya habang mataba pa ako.
To myself… di ka kakainng rice ng sampung araw at bawal ang softdrinks…
Gud luck to myself and so help me papa bear!

Wednesday, May 20, 2009

Si BOOMA at ang mahiwagang banga


Alam kong nagtataka ang iba diyan kung sino si Booma. Iniisip nanaman nila na kapatid siya ni Mik-Mik o kaya ni Mikaela. Sasabihin ko sa inyo na super ekis ang mga hypothesis nyo bout kay Booma at dapat tanggapin nyo ang reality at yun na yun!.

Bata pa lang ako eh alam ko na ang likaw ng bituka ni Booma. Hindi naman siya kasing brutal ni Ramel Abella at Karen Alborte na schoolmate namin sa Tone (St. Anthony School na pangkalyeng term) na laging nanunuligsa at nanlalait ng mga estudyante sa nasabing eskwelahan pero in fairness, pag nag-isip si Booma ng kasamaan, MATAKOT KA!

Kayang magbasag ni Booma ng mga angels (yung kusang pagbabasag at di aksidente) pero figurines lang naman! Ilayo mo na lahat ng gamit mo pati bag dahil pag nakita nya itong nakakalat eh diretso bintana yan lalo na yung mga notebooks na nakakalat na parang arabo ang handwriting kahit standard English naman ang ginagamit. Pero nililinaw ko na hindi naman masama si BOOMA.

At dapat di ka rin matakot kay Booma dahil kaya nya lang naman na sirain ang buhay mo. Halos lahat ng kakilala ko eh sinasabing mas grabe pa siya kay Princess Punzalan sa kanyang pagganap sa nabaon na sa limot na teleseryeng “Mula sa Puso”. Dahil kung puro paninira ng buhay ang pag-uusapan, kaya nyang tumira ng chismis about sa mga taong kinamumuhian nya ng parang din na nga chismis ang term… “katotohanang panlalait”.

Pero kung tutuusin, di natumba ni Booma ang relasyong Cathy at Abeng at dun siya nagsisisi hanggang siya ay mamatay. Kawawang Booma… nabubuhay na lamang na puro galit, poot, pasakit, ganid, kalbaryo, prusisyon… (la na akong maisip). Nang mag-usap nga kami ni Booma eh sabi niya…..

“Isinisumpa ko na di siya magkaka-anak at dahil di niya ito matanggap eh magpapatiwakal ito at makikita ang kanyang bangkay sa estero ng San Andres. At dahil di rin natuwa ang kanyang magulang sa kanyang pagkamatay eh hahayaan nila itong lulutang-lutang sa maduming ilog na pinamumugaran ng sobrang daming insekto. Hahayaan nalang din ito ng mga awtoridad at magpapaspaghetti ang bawat bahay sa San Andres. Magkakaroon ng isang piging at misa ng pagpupugay sa kanyang pagkamatay… hahaha!”

Ganyan magsalita si Booma. Nakakatakot at mahilig manumpa ng kung anu-anong bagay lalo na sa kanyang mga kaaway at katunggali. Di naman siya galit kay Abeng pero malaki ang kanyang pagkamuhi kay Cathy sa kadahilanang tungkol sa relasyong char nila ni Rosero (talagang last name ang binigay)

Sa katunayan, nanahimik na ang buhay ni Booma. Iba na ang mundo na kanyang gingagalawan. Yun ang pagkatao ni Booma na di alam ng mga kasamahan niya today. Pero nilimot na niya yun dahil nalimutan na rin niya si Rosero (kahit ako di convince). MABAIT TALAGA SI BOOMA AT YUN ANG TOTOO.
Sa ngayon, Si Booma ay nagpapahinga sa mahiwagang banga. Walang magawa kaya bumabalik ang pag-iinarte at pagiging choosey….

Kilala nyo na siya…?

Tuesday, May 19, 2009

At sa pagbabalik blog!




Ulit-ulitin nating lahat… ako ay NALOST! Haha!! Isang malaking “im so sorry!” (DAPAT SLANG ANG PAGSABI!) dahil sa di pagpopost ng bago at fresh na fresh na happening sa buhay ni bea!
Ano ang latest…? Now na!
Kung mga lastest na flash news sa buhay ho eh puro kadramahan at tumutulo ang popcorn sa aking mga eyes… PLOK!, back to normal na ang lahat dahil masyadong maarte na at feel na feel ko eh kawawa ang buhay na ginagalawan ko! Di ba…?
Hohoi…. Hohoi… actually, kaya nga pala ako nawala sa pagbloblog dahil sa pagmamaasim ko na bumalik sa aking hometown, ang maynila, halos isang buwan din ako dun na ang ending, ang taba taba ko na as in… di ko matake ang aking waistline sa sobrang pagbulge ng aking tummy… and matuwa na ang mga kontrabida sa buhay ko dahil kusang pumuputok at sumasabog ang skinny jeans sa hips ko! (im so sad)
Pero ok lang…. at least… nakafeel naman ako ng rest as in mega rest na walang ginawa kundi gumimik, kumain ng revo revo at matulog ng reppuusssss! Di ba? Buhay baboy kaw ba yan?
Supah dupang nangyari sa life ko na in fairness…. Dapat kayong matuwa dahil puro naman masasaya!! Tama na muna ang pag-emote dahil kahit ako… di ko kinakaya ang mga ganun…. Minsan ng nagimbal ng todo todo anf buhay ko at wag ganun… tama na ang pagiging choosey! At yun na yun…
Welcome to myself and MABUHAY AKO!