bago ako magbday, maghahanda ako ng isang matinding nosebleeding post para sa ikagaganda ng buhay ko at buhay nating lahat. minsan, gusto ko mang mag-post pero dahil na rin sa busybussyhan ang lola mo at gusto munang magpahinga sa sandamakmak na calls at trabaho, hindi ko na ring magawang mag-update ng blog ko. buti nalang nabisita ko blog ko ngayon at ginanahan akong magsulat.
tuloy pa rin ang takbo ng buhay ko sa mundong hinahaluan ng isang call center world. halos iba ang mundo ngayon kesa dati. kung nabuhay man ako sa koserbatibong pamumuhay sa visayas, alam ko naman ang katotohanan na mas malala ang nakikita at nararamdaman ko ngayon at halos umiikot ang buhay ko ng puro trabaho at dahil na rin yun sa pera.
siguro, nagsawa na rin ako sa mundong petiks kasabay ng busy-busyhan ang motif. pero ang ikinagugulat ko ngayon ay yung mga taong nakapalibot sa'kin na iba-iba ang opinyon at pananaw sa buhay. i do not want to be sounded as conservative type. minsan, dumarating din sa puntong hindi ko masabayan ang trip na gusto nila o kaya naman, pilit ko nalang iniintindi ang lahat para lamang sa iisang mithiin. PEACE AND WELLNESS.
* isang bisexual na nagmulat sa'kin na ang mundo nila ay sing tulad din ng mundo ng mga trans.
* isang taong may asawa na pero gustong kumilintari ng iba.
* babaeng namatayan ng asawa at ngayon ay nakikiapid sa may asawa.
* babaeng mahilig sa one night stand.
* girl to tibong intimate relationships.
iilan lamang sa mga taong iniintindi ko nalang na ito ang mundong hinaharap ko ngayon. hindi ako nagmamalinis. hindi ako nagpapakasanto. at hindi rin ako relihiyosa. ako lamang ay nabibigla sa mga pangyayarin dahil ang mundo ko ay pawang kalokohan at kabaliwan lamang ang hangad tuwing nagigising ako araw-araw. ayokong magseryoso. ako lamang ay nabibigla at nawiwindang. wala akong intensiyong manakit. hindi ko ito ginusto. ito ang mga taong dapat kong harapin sa mga susunod pang mga araw. alam kong iba din ang pananawa nila sa'kin. and i'd rather remain calm and silent.