bago ako magbday, maghahanda ako ng isang matinding nosebleeding post para sa ikagaganda ng buhay ko at buhay nating lahat. minsan, gusto ko mang mag-post pero dahil na rin sa busybussyhan ang lola mo at gusto munang magpahinga sa sandamakmak na calls at trabaho, hindi ko na ring magawang mag-update ng blog ko. buti nalang nabisita ko blog ko ngayon at ginanahan akong magsulat.
tuloy pa rin ang takbo ng buhay ko sa mundong hinahaluan ng isang call center world. halos iba ang mundo ngayon kesa dati. kung nabuhay man ako sa koserbatibong pamumuhay sa visayas, alam ko naman ang katotohanan na mas malala ang nakikita at nararamdaman ko ngayon at halos umiikot ang buhay ko ng puro trabaho at dahil na rin yun sa pera.
siguro, nagsawa na rin ako sa mundong petiks kasabay ng busy-busyhan ang motif. pero ang ikinagugulat ko ngayon ay yung mga taong nakapalibot sa'kin na iba-iba ang opinyon at pananaw sa buhay. i do not want to be sounded as conservative type. minsan, dumarating din sa puntong hindi ko masabayan ang trip na gusto nila o kaya naman, pilit ko nalang iniintindi ang lahat para lamang sa iisang mithiin. PEACE AND WELLNESS.
* isang bisexual na nagmulat sa'kin na ang mundo nila ay sing tulad din ng mundo ng mga trans.
* isang taong may asawa na pero gustong kumilintari ng iba.
* babaeng namatayan ng asawa at ngayon ay nakikiapid sa may asawa.
* babaeng mahilig sa one night stand.
* girl to tibong intimate relationships.
iilan lamang sa mga taong iniintindi ko nalang na ito ang mundong hinaharap ko ngayon. hindi ako nagmamalinis. hindi ako nagpapakasanto. at hindi rin ako relihiyosa. ako lamang ay nabibigla sa mga pangyayarin dahil ang mundo ko ay pawang kalokohan at kabaliwan lamang ang hangad tuwing nagigising ako araw-araw. ayokong magseryoso. ako lamang ay nabibigla at nawiwindang. wala akong intensiyong manakit. hindi ko ito ginusto. ito ang mga taong dapat kong harapin sa mga susunod pang mga araw. alam kong iba din ang pananawa nila sa'kin. and i'd rather remain calm and silent.
Wednesday, May 4, 2011
Sunday, March 20, 2011
linyang quotable quote
one two three... gora!
as in super tagal na ng hindi ako nagpopost sa blog ko. parang nakalimutan ko na ata na may blog ako... pero eto naman ako... unt--unti kong ni-rerestore sa sarili ko na may blog account pala ako na bibisitahin at magkuwento ng kabalbalan sa mundo at kagagahang nagawa sa buhay ko kahit di naman ganun kaganda o kabalahura o kasaya pati na karumaldumal na pangyayari... at bigla kong naalala na umaagos ang pinupuno kong inumin sa kusina. teka lang!
Summer na di ba... at sa naalala ko, March mismo ang buwan na ang lakas kong magblog kahit di naman ganun kaganda ang mga naikukuwento ko. ito rin yung buwan na natuto akong magshorts at hindi magpantalon. at teka nga muna! lumalayo ako sa sarili kong topic na dapat kong ikuwento... may I change the topic...
paminsan-minsan... naaalala pa rin kita....
at may ganu'ng segway!628r5y3weoitu3857r2[pri3p0e3poruw9asfw! isa lang ibig sabihin nun... hindi ko maexplain kung bakit biglang pumasok sa utak ko ang ganyang quotable quote. minsan kong nakuha ang linyang yan nung nakasakay ako sa isang jeep at tinutugtog ang awiting PAMINSAN-MINSAN ni Richard Reynoso. bigla akong napatulala sa minsang naalala ang mga walang kakuwenta-kuwentang nakaraan. papasok ako nun ng opisina. bigla akong natawa dahil may isang ahente sa office ang kumakanta ng ganung linya. what a co-incidence! hindi... kasabay ko kasi siyang sumakay ng jeep! at di kami magkakilala! narinig ko lang siya dahil malapit lang yung station ko sa kanya.
coz I'm dreamin of you tonight...
yan ang linyang nasa IPOD ko ngayon. kantang dreamin of you na pinasikat ni SELENA. Hindi tao ang dream ko... kundi ang total pay ko kaka-OT ngayong two weeks! hindi ito love story! kalakal lang po...
Alone....
kantang pinasikat ng HEART! ALONE! at ngayon... wala pa rin akong lovelife kaya alone...
sa lahat ng linyang napakinggan ko.. ito ang pinaka da best!
dadaan ang crush mo aqt biglang sasabihin mo sa kasamahan mo na itulak ka...
itutulak ka niya... pero hindi yung OA! iba ang tulak sa mudmod!
tapos obvious... madadapa ka...
sabay banat ng linyang..
SEE HOW I FALL FOR YOU...
(galing sa kasamahan kong tralala)

Tuesday, February 1, 2011
Mapaglinlang na Fairies
Alam ko... nasubukan mo na ring makipaglaban sa mga fairies. hindi lahat ng fairies mababait at magaganda. may mga masasama at mapaglinlang din na fairies.
Paggising ko kaninang alas dose ng tanghali, ramdam ko ang argumentong naglalaro sa aking isipan na ito ang araw ng pagtutuos para labanan ang mga fairies sa opisina namin. Ngunit mahina ang katawan ko ng mga oras na 'yun. Hindi na nga ako nakakain ng BRUNCH dahil wala ako sa tamang huwisyo at hindi ko feel maggagalaw ngayon.
Naligo ako at nag-ayos. ramdam ko pa rin ang kaba sa aking puso na hindi ito isang normal na araw. Pakiramadam ko na wari ito ay isang krusada ng buhay at bago ako magtagumpay sa labanang hindi ko naman ginusto, kailangan ko ng tatag ng loob at focus para magtagumpay sa gamitong uri ng pakikipagsapalaran.
Pumasok ako ng opisina. May nagbulong na sa'kin na paparating na sila na para bang sa pelikula ni Kris Aquino na "sukob". Kinabahan ako bigla. Nagtrabaho ng unti at makaraan ng ilang oras, napalingon ako sa kanang bahagi at nagtanong sa ka-officemate ko tungkol sa trabaho. Nagulat ako. habang kinakausap ko siya, mistulang hinihila ng mga fairies ang kaluluwa ng ka-officemate ko. Tumitirik ang kanyang mga matang may contact lens. Kailangan ko agad gumawa ng paraan para masagip ang kaluluwa ng kaibigan ko laban sa mga fairies. Hinila ko ulit pabalik sa katawang lupa niya ang kanyang naligaw na kaluluwa, naging ok naman siya pagkatapos. Normal naman sa kanya ang pagsama sa mga fairies. Siya ay ang ka-officemate ko na si Tin-Tin PARAS.
Matagal na kaming binalaan ng Trainer naming nagbebenta ng keso sa opisina na laging umaatake ang mga fairies lalo na sa work area at training rooms. Matagal na siyang nagkukuwento tungkol sa mga naglilipanang mga fairies at kusa ka nilang pinapasama pautungo sa kanilang paraiso.
kapag nararamdaman mo na ikaw ay groggy, at kumikislap na iyong mga mata, bigla kang napapasigaw ng wala namang boses na lumalabas sa iyong mga labi. o kaya naman napapasigaw ka na haaaayyyy.... senyales na ito ng pagpaparamdmam ng mga fairies. kapag patuloy kang nakakakita ng mga bagay na kumikinang sa flourescent lamp o kaya naman tingin mo sa mga ilaw ay mukha ng bituin sa langit. Sila na ang mga Faries na kinatatakutan mo.
Huwag sasama sa kanila. makipaglaban ka. Huwag mong hayaang kunin nila ang kaluluwa mo. Hindi lang sila makikita sa mga opisina at kahit sa eskwelahan ay mayroong mga naglilipanang fairies.
para tapusin ang kuwentong ito, ito lamang ay senyales na inaantok ka at gusto mong matulog pero hindi mo magawa dahil bawal.

Saturday, January 29, 2011
wave 13
halos araw araw mo silang kasama. nagkaka-amuyan na nga ng baho sa isa't isa. Usong-uso ang basagan at walang humpay na bastusan. nandiyan ang duruan ng love team at kahit may mga asawa na, patuloy pa rin ang duruan at dut-dutan.
nakakapanibago pero ganito ang takbo ng buhay. kailangan nating tanggapin na hindi sa lahat ng panahon, magkakadikit pa rin ang pulso at galamay ng mga taong nasa paligid mo. dapat, marunong tayong maki-ayon sa panahon.
sa lahat ng katarantaduhan, sa lahat ng may girian, sa lahat ng kapraningan, sa lahat ng may inteniyong maging trainer soon, sa lahat ng may mga planong mambabae lamang sa floor, sa lahat ng parasite, sa lahat ng bastos, sa lahat ng may lihim na crush pala niya, sa lahat na aalis, sa lahat ng magkakaiba ng team, sa lahat ng maniac, at sa lahat ng nakalog sa kagaguhan ko... SALAMAT! hindi niyo na mabubura ang ala-alang binaon niyo sa baul ni SAN JOSE.

Sunday, January 23, 2011
Paliwanag Ni Tiya Inocencia
My only reason kung bakit di ako makatulog... hindi pa rin ako mapakali kung anong mangyayari sa buhay ko for one week. Hindi ko alam. Wala rin akong dahilan kung bakit kailangan kong magkunwari na hindi ako affected ng walang dahilan.
Habang nilalakbay ko ang daan ng coastal kanina, bigla akong napabuntong-hininga. Lam mo kung bakit? Sa bus na sinasakyan ko ba naman, may biglang umutot at aircondioned pa ang sinakyan ko. sino ba naman ang hindi mawiwindang sa ganu'ng sitwasyon.
Sa totoo lang, bigla lang akong napa-isip na ang tagal ko na palang hindi siya nakikita at nakakausap. sa bagay, busy din kasi ako at parang iba lang yung feeling dahil kung tutuusin, jeep nalang ang pagitan para magka-usap kami at di pa rin nangyayari.
napadaan ako sa Tone kanina. nagsimba at nagtirik ng kandila. pero ang nasa loob ko ay ang intesyong makita muli ang kanyang katauhan, nagbabakasakaling magkatagpo muli ang aming landas na nangyayari naman noon. Makausap ng panandalian na tulad ng dating gawi. Pero ang lahat ng iyon ay pawang guni-guni ko na lamang. Umaasang makikita ko ulit ang taong inaantay ko dati sa labas ng simbahan. Dahilan para magsimba ako noon. Pero ang lahat ng iyon ay pawang laruan na lamang sa isip at puso ko ngayon.
Nagkakuwetuhan tungkol sa buhay high skul ang barkada kanina. Ala-ala ng mga nakaraang hindi ko akalain na nagagawa pang pag-usapan kahit may lamat na at matagal ng naka-ukit sa baulb ni Inocecia (ang pangalang iyan ay guni-guni ko rin). Ang hindi ko maintindihan, bakit umaasa pa rin ako na makita ko siya gayu'ng wala naman akong dahilan para magka-usap kami.
Wala na akong dahilan para magkita kami pero sa bawat araw na naiisip ko ang kanyang pagkatao, hindi ko maiwasang buksan muli ang baul ng nakaraan.
At kung saka-sakalaing matalinhaga ang pagkakasulat ko nito, iyon lamang ay isang pagpapaliwanag sa sarili kong damdamin. NAKANANG PETIKS! ang arte arte ko today!

Saturday, January 22, 2011
awkward syndrome...
ang awkward ng feeling kapag awkward din sayo yung taong kinaiilangan mo. Kadalasan, mapapansin mo na parang wala lang pero nakakailang pa rin makipag-usap.
Ang awkward ng feeling kapag alam mo na may ginawa siyang pagkakalat sayo. Kasi, hindi mo alam kung ikaw ba yung may kasalanan o kaya naman, kasalanan naman niya yung nangyari pero awkward ka pa rin.
napaka-awkward ng feeling kapag alam mong pinag-uusapan ka ng ibang tao o kaya naman binabasag ka ng mga kaibigan mo dahil sa kanya. di ba ang awkward ng feeling kapag alam mo yung tunay na nangyari tapos alam din nung iba tapos babasagin ka nila?
at ang pinaka-awkward sa lahat... ang awkward ng feeling kapag alam mong nakipag-sex ka sa ka-officemate mo at sa araw-araw ba naman ng Diyos, lagi mong nakikita, naaamoy ang pabango niya, at nararamdaman ang aura niya na alam mo rin naman na may alam siya sa nangyari AT DI NAMAN IKAW ANG NAGPAKITA NG MOTIBO KUNDI SIYA at sasabihin niya pa na hindi niya matandaan ang mga pangyayari... ano yun? amnesia?
ang awkward diba?

Wednesday, January 12, 2011
Pikonin ka ba?
hindi ko sinulat ang post na ito para magkaroon ulit ng isyu. I just want to rectify things since my mind my boggling and I can't sleep. hindi ko talaga maatim na may bumabagabag sa utak ko at hindi ko mailabas. Good thing, I keep this blog. It's my medicine for my uneasiness. (ma-charot ba ang intro?)
Again, and again, dalawang bagay ang ayaw ko sa isang tao. Una, ang gumagawa at ginagawan ako ng isyu at ikalawa, mga taong madaling mapikon.
May mga bagay talaga na may nasasabi ako na hindi ko sinasadyang nakakaoffend. May mga pagkakataon na nakakabitiw ako ng mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan. Some people anooyed at me and WHAT THE FUCK I CARE! joke! ma-okray lang talaga ako pagdating sa mga taong nakakasalamuha ko. wala naman akong kaaway so far... naaanoyed lang! haha!
My point is, kung sino pa ang mga taong magaling mang-asar, yun pa ang mga taong madaling mapikon. Kung sino pa ang mga taong magaling mambasag, yun pa ang mga taong madaling basagin at bubog talaga ang kalalabasan. hindi naman strong ang personality ko pero magaling lang ako gumatong at mambasag ng tao. ewan ko! hindi ko inaamin sa sarili ko na matalino ako pero malugod kong pinagmamalaki sa sarili ko ma meron akong WIT! iba yun teh!
wala akong pinatatamaan. I am making a generalization. wala akong hinanakit. hindi ako ganun. ang akin lang, sa mundong ginagalawan natin ngayon, hindi na uso ang salitang pikon. marami ng naglalabasan na chismis na malapit ng gumuho ang mundo at hindi na uso ang pag-mamaasim. kaya nga sumikat si Vice ganda dahil sa pang-ookray niya at para malaman nating lahat na hindi na kailangan uulit-ulitin ang mga salita at kataga para maintindihan o kaya naman masaktan sa mga banat na hindi naman makatotohanan.
yah, i admit, some jokes are half meant to be true. hindi mo kailangang maghanap pa sa google para malaman ang background ng isang taong ino-okray mo para malaman ang limitations mo. sa mundong talamak na ang comedy bars, masasabi mo pa bang kailangang mong mag-ingat sa lahat ng sinasabi mo? well, wala na tayo sa panahong usong-uso pa ang sinaunang Mara Clara at Mula sa Puso ni Juday para maranmdaman natin ang kahirapan ng loob at mag-inarte the whole day.
yun lang naman yun, kailangan natin ng spice sa conversation para naman mabuhayan tayo ng loob. hindi yun sa pagiging prangka. sumesegway lang naman.

Subscribe to:
Posts (Atom)