Thursday, October 28, 2010

Priorities

I was making my post about the recent TN IPR which was happened last two or three weeks ago. And again, my mind wanted me to tell something which is unintentional for me to make(aw?) a choice that i have to make and boggles my mind for the past few months.

Yah! it does not shows that i was a bit problematic and it's not me after all. And the mere fact that I am always happy-go-lucky person, it probably stacked here in my heart... longing for my family and manage my own priorities.

I filed a resignation letter from a previous company... whom I loved for the past few months and honestly, I was not able to give it... (kaw na bahala Pam!) hehe! I will give it tomorrow so that my previous company will give me a COE after all. I just want to clarify that I really love my work. I love the people and the office but Mam Marie, my dearest boss told me that I have to settle my priorities.

Again, one question that boggles me... Would I quit in TN publication? or not? I was doing the lay-out of the paper for the past two days and I realized what Marvin jay Mupal told me last Sunday. "I told mu-resign na ka sa TN?" my heart was bleeding and it ended up staying in the publication with all the burdens and trials that we encountered. I am not sure if I am going to quit... right now... my heart tells me to settle my own priorities.

My plan is, I want to settle my life back in my hometown. my plan is, I want to stay in Dumaguete for two months... (I am longing for the lost cams to be resolved within this year). Before New Year, I want to have a good job... another life for me to move on...

anyway... it's just a plan... it can be changed after all... it does not mean that I will be leaving without fixing everything and put into right place. Wala sa bokabularyo ko ang mang-iwan sa ere! at wala sa isip ko ang mang-iwan nalang basta basta.

Anyway... it's not final... It can be changed...

Tuesday, October 12, 2010

pangungulila....





ayokong mag-emote... ayokong mag-inarte pero nilalamon ako ng isipan ko na maramdaman ang ganitong sitwasyon... ewan ko... so many things to consider, so many works to make and ang daming efforts ang kailangan gawin...

Here I am... stuck sa lay-out pc habang natutulog ang ibang staffers dito sa office. kasalukuyang tahimik ang opisina, ingay ng aircon lang ang maririnig at ang naghihingalong electric fan. Tahimik akong nakaupo. wlang magawa kundi gunamgunamin ang mga bagay bagay na dapat tapusin.

ayokong mag-emote pero eto ako. randam ang pangungulila ng mga magulang at kaisa-isang kapatid ko. ewan ko rin kung bakit. Sa loob ng limang taon, ngayon ko lang ulit naranasan ang pangangalaga at concern ng aking ina. Nagstay kasi siya ng mahigit sa tatlo o apat na buwan at eto na ang pinakamatagal na pagsasama naming dalawa. Kung nung una, kaya ko na mahiwalay sa mama ko... ngayon... hinahanap-hanap ko ang kanyang pangangalaga kahit hudas ang tingin niya sa'kin (paminsan minsan lang naman.

Nakakamiss ang hotdog at itlog na may sangag pa sa mesa tuwing umuuwi ako ng bahay. nakakamiss ang mga pagkaing choco mucho at sylvannas na laging dala ni mama kapag trip niya lang mamasyal sa Robi at downtown. Nakakamiss ang mga panahong katabi ko siya matulog dahil minsan lang mangyari ito sa loob ng isang linggo. Isang beses ng lang at yun ay ang araw ng linggo. Nakakamiss panoorin ang ina kong na-adik sa suertres dahil hindi naman talaga mahilig sa sugal si mama (weeeee?) yung tipong kapag nanalo ng five pesos... tuwang tuwa ang lola mo at megamicrophone ang drama pag-uwi ko ng bahay.

kaya minsan, mas gugustuhin ko pang mag-overnight sa office dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag umuuwi ako ng bahay.

kaarawan ng kapatid ko nung october 8 at eto naman ako, nakalimutan ng onti na borthday pala niya. Dalawa lang kaming magkapatid kaya hindi talaga maiiwasan ang pagiging closeness naming dalawa. Nakakagulat isipin na sa ngayon, kasabayan ko ng uminom ng red horse at iba pang nakakahilong likido na hindi ko lubos maisip na sarili niyang kuya, tinatagayan na at mas malakas pang uminom sa'kin! nakanang! nakakamiss ang ganu'ng happening. Ni minsan, hindi ko narinig sa kanya na kinahiya niya ako sa harap ng kaibigan niya... proud pa nga siya na may kuya siya at the same time time... instant ate pa... naaalala ko nga nung sinabi niya sa'kin na kapag nasa loob kami ng bahay, kuya ang itatawag niya... kapag nasa labas... ATE! supportive!

mahilig sa banda ang kapatid ko... mahilig din sa computer at dakilang adik din sa FB. Siya pa nga nag-impluwensiya sa mga awiting banda banda mapapinoy man o foreign. At proud kong sasabihin a kanya na AKO ANG NAG-IMPLUWENSIYA SA KANYA na sumali sa teatro at naaalala ko pa ang unang skit na ginawa ng grupo niya nung grade 6 pa siya... hehe!

nakakamiss ang mga sermon ni papa. hindi ako papa's girl at inaamin ko naman yun. pero sa totoo lang, masarap ang feeling na alam mo na mahal ka ng tatay mo. Handang dumamay sa'yo at kahit nadapa ka na sa lahat ng pagkakamali mo sa buhay, andyan siya, handang tumulong at gumabay sayo kahit hindi mo siya nakikita at nararamdaman. Inaamin ko na malaki ang galit ko nuon sa tatay ko dahil sa hindi maintindihang sitwasyon. Siyempre, kasagsagan ng adolescent period at puro pagrerebelde ang nasa isip... kapag tumatanda ka na, dun mo malalaman ang tunay na kahulugan kung bakit nagpasyang maging OFW si papa at iwan kami dito sa Pinas. sa totoo lang, bata pa ako nung mawalay ako sa tatay ko at dati, kung uuwi man siya ng Pinas, masaya ako dahil sa importedna pasalubong. Pero ngayon, masaya ako na umuuwi siya. dala ang pagmamahal na hinahanap ko isang ama. dala ang pag-asang mabubuo muli ang isang pamilya na ninanais kong maranasan habang buhay pa ako.

ngayon ko lang nararamdaman kung gaano kahirap mawalay sa pamilya nakalakihan mo ng husto. yung tipong kapag busy ka, hindi mo sila maisip dahil alam mo na mauuwian mo silang buhay sa bahay at ihahanda ka pa ng masasarap na pagkain. mahirap mahiwalay sa magulang at kapatid mo kung ikaw ay nasasaktan at nahihirapang umahon sa lahat ng pagsubok sa buhay... ang hirap hirap mag-isa lalo na kung bugbog ka na sa lahat trabaho at iba pang tasks na dapat mong gawin.

ngayon ko lang naramdaman na hindi ko pala kaya mahiwalay sa kanila... Sa lahat ng nakakabasa nito... kahit nakilala niyo akong tampalasang bata o kaya naman maldita... mas gugustuhin ko pang mahalin ng buo ang aking mama, papa at kapatid ko kesa mag-aksaya ng pagmamahal sa mga taong tanging kapalit lamang ay pera at materyal na bagay....

huhuhu...

Friday, October 8, 2010

dosage

# una, birthday ng kapatid ko ngayon... hapy bday bro... wish you all the best! iwasang uminom ng marami... balita ko, marunong ka na daw mag-yosi! wag! wag ka ng gumaya sa'kin... magkakasakit ka... di baleng ako nalang! masama sa pamilya! magastos na kung tayong dalawa marunong mag-yosi. at umuwi ng maaga. wag na rin gumaya sa'kin!

# bakit ang mga tao nowadays nahuhumaling sa pagasali ng pageant? sa bagay... kahit din naman ako... basta winnable ka lang... gow na!

# hindi madaling magdisenyo ng gown at festival costume... needs to have extensive research!

# kapag hindi ka na masaya sa trabaho mo... iwasan ang "gobyerno" syndrome. Pagpatak ng alas kuwatro ng hapon, makikipagchikahan o kaya naman inaantay ang alas singko at tumunganga ng bonggang bongga! hindi maganda! wala tayo sa city hall o kaya naman sa dswd! hehe!

# kung napapagod ka na sa buhay, wag mawalan ng pag-asa. maraming bagay ang mangyayari ng si mo inaasahan. dapat alert and prepared.

# wag maging aligaga! wag mag-iwan ng wallet sa pedicab. laging bantayan ang id at laging alert kung saan nilagay ang phone. wag maging tanga!

# kapag walang internet connection, wag ipilit! nakakabwisit lang ng araw!
Dosage...

# una, birthday ng kapatid ko ngayon... hapy bday bro... wish you all the best! iwasang uminom ng marami... balita ko, marunong ka na daw mag-yosi! wag! wag ka ng gumaya sa'kin... magkakasakit ka... di baleng ako nalang! masama sa pamilya! magastos na kung tayong dalawa marunong mag-yosi. at umuwi ng maaga. wag na rin gumaya sa'kin!

# bakit ang mga tao nowadays nahuhumaling sa pagasali ng pageant? sa bagay... kahit din naman ako... basta winnable ka lang... gow na!

# hindi madaling magdisenyo ng gown at festival costume... needs to have extensive research!

# kapag hindi ka na masaya sa trabaho mo... iwasan ang "gobyerno" syndrome. Pagpatak ng alas kuwatro ng hapon, makikipagchikahan o kaya naman inaantay ang alas singko at tumunganga ng bonggang bongga! hindi maganda! wala tayo sa city hall o kaya naman sa dswd! hehe!

# kung napapagod ka na sa buhay, wag mawalan ng pag-asa. maraming bagay ang mangyayari ng si mo inaasahan. dapat alert and prepared.

# wag maging aligaga! wag mag-iwan ng wallet sa pedicab. laging bantayan ang id at laging alert kung saan nilagay ang phone. wag maging tanga!

# kapag walang internet connection, wag ipilit! nakakabwisit lang ng araw!

Wednesday, September 22, 2010

Ang mga Echoserang Manghuhula...

Minsan na akong nagkaroon ng case study, o sabihin nalang natin na Documentary Film tungkol sa mga di kapani-paniwalang super natural powers gaya ng kulam, gayuma at albularyo. Nasa third year college ako nun at nasubukan kong makipaghalubilo sa mga taong kinatatakutan ng iba dahil may angking kapangyarihan silang taglay. Nung mga panahong iyon, alam ko ang katotohanan na risky at delikado ang pag-cover sa ganitong klase ng paglathala sa telebisyon. Tanging baon ko na lamang ay ang tatag ng loob at effort na gawin ang istoryang hindi ko feel at dahil na rin kay DX Lapid!

Namulat ang aking mata sa katotohanang totoo pala ang mga ganitong pangyayari. Ang mga pulang kandilang sumasayaw ang apoy kahit sarado ang bintana, kulob at walang hangin ang lugar. Ang itim na krus na pagmamay-ari ng isang mangkukulam na kapag hinawakan mo, makakaramdam ka ng hilo. Ang mga halamang gamot na niluluto dahil ang mga ito daw ay sangkap para makabuo ng isang makapangyarihang gayuma at ang di ko malilimutang bungo na kapag kinukuhaan mo ng picture, blurred lahat ang shot. Bungo daw ito ng ninuno nilang mangkukulam. Hindi kapani-paniwala pero makatotohanan pala ang lahat. Hindi ko rin maipaliwang ang sarili kong opinyon pero base sa mga nakita at naramdaman ko, madiin kong sasabihin sa sarili ko na dapat mo nalang paniwalaan ang lahat kahit alam mo na may maliit pang tyansa na maipapaliwanag pa ito ng syensya at agham.

Nung nag-aaral pa ako sa FEU, madalas akong napapadaan sa Recto o kaya naman sa Quiapo. Talamak ang mga manghuhula sa mga lugar na iyon. Iba't ibang klase ng manghuhula ang naglipana gamit ang iba't ibang uri ng materyales gaya ng baraha, tarot cards, bolang kristal, ballpen at papel at pati lumang kahoy na galing pa sa bulubunduking hindi na mapangalanan, di pinalampas. Hindi pumasok sa isip ko na magpaghula nun dahil takot ako na malaman kung ano ba ang kahihinatnan ko in the near future. Takot ako na malaman ang eksaktong oras at araw kung kailan ako mamamatay. Takot din ako na malaman kung maghihirap ba ako o kaya naman magiging embalido dahil sa isang karumal-dumal na aksidente. Ayokong malaman yun lahat dahil lang sa isang manghuhula. At malaki ang pagdududa ko sa kanila. Baka mamaya, ini-echos lang ako.

Minsan ng pumasok sa isip ko na subukan ang makapangyarihang hula ni Carmela, isa sa mga kilalang manghuhula sa Dumaguete. Pero inuunahan ako ng takot at baka pinagtritripan lang ako nito. Hindi na ako nag-atubili pang sumama at ginawang trip trip nalang ang hula ni Carmela dahil sa kagustuhan ng isang kaibigan. Hindi ko na idedetalye ang lahat ng usap-usapan namin tungkol kay Carmela dahil nakakatawa lang!

Hindi sa naniniwala ako o hindi sa mga ganitong trip. Malaki ang paniniwala ko sa Diyos at ipapasaDiyos ko nalang silang lahat. Ang akin lang, ito ay parte ng tradisyon, kultura at normal na may ganitong enerhiya at powers sa mundo. Kung patuloy nating ilulugmok ang ating sarili sa ganitong mga pangyayari, hindi tayo aasenso bilang tao.Mas marami pang bagay ang dapat pagtuonan ng pansin. Tayo ang gumagawa ng landas at direksyon na dapat nating tahakin ng wasto. Kung saka-sakaling puno ng mahika at puro kababaglahan ang gusto mong mangyari, problema mo na yun!

Kung Echos lang o True ang lahat, depende na yun sa tao kung maniniwala ka ba o hindi. Kanya-kanyang tripping lang yan. Nasa sayo na yan kung masasakyan mo ba o hindi.

Tuesday, September 21, 2010

Pandesal

Pag-uwi ko tuwing umaga, laging may hain na pandesal na nakalagay sa mesa. Ito ang kadalasang kinakain ko kasabay ng paghigop ng kape at yosi. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi nalang ganito ang sistema ko tuwing umaga. Nangangarap ng gising sa balcony at sa bawat higop at hithit ng yosi, nananatiling sariwa ang mga ala-ala ng nakaraan at gugunam-gunamin ang mga hinanakit ng kahapon at magiging depress bigla.

Hindi ako seryoso... feel ko lang sabihin ang mga ito. Wala lang! hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon... walang pumapasok sa utak ko...

ayun! meron na! nakatikim ka na ba ng pandesal na ang palaman ay sardinas at itlog? ako... hindi ako kumakain nun! malangsa kasi at di ko maatim ang lasa. Hindi naman sa pag-iinarte, hindi talaga ako mahilig sa malalansang pagkain. Mas gugustuhin ko pang margarine o kaya mayonnaise ang palaman.

naranasan mo na bang makipaghalubilo sa mga taong akala mo noong una, hindi kayo magiging close at ang ending, sila pa ang mga taong magiging sandigan mo pag ikaw ay nalulugmok o kaya naman, tripping mo lang na mag-inarte. Ikaw ang pandesal at sila ang sardinas at itlog at feeling mo, malangsa sila kaya hindi kayo match!

hindi ko na mabilang kung sino-sino na ang mga taong nakilala at nakahalubilo ko. yung iba, napadaan lang, yung iba naman, kasama kong nag-aantay ng masasakyan sa waiting shed tapos bigla nalang pa-para. Takot dumaan sa mabatong daan. Baka kasi tumagilid at mahulog s bangin ang sinasakyan namin. Yung iba naman, kasama mong kumain ng pandesal na may palaman na bagoong. Kahit kadiri, Carry na!

mabibilang lang ang mga taong kumakain ng pandesal na may bagoong. Pero kung inaakala mo na habambuhay mo silang kasabayang kumain nito, sabay inom ng GSM Blue, diyan ka nagkakamali. may sarili din silang palaman gaya ng atchara, toyo o kaya naman asin. Yung tipong di mo rin kayang kainin. May panahon din na iiwan ka nilang mag-isang kumakain ng pandesal na may bagoong. Kaya dapat, i-enjoy mo nalang ang jammin session. bawat segundo, minuto at oras, dapat mong ipadama sa kanila na mahalaga sila sa buhay mo. Anuman ang ipalaman nila sa pandesal, kaya mong kainin. Anuman'g uri ng ulam o di mo man maatim na lasa, kaya mong lamunin!

Marami na ang naglabasang uri ng tinapay pero di pa rin papakabog ang pandesal. Ikaw ang pandesal na tinutukoy ko. Ang importante, mahalin mo ang lahat ng kaibigan, pamilya at kasintahan mo dahil minsan lang yan dumating sa buhay mo.

ganda ng konek noh? pamatid post para sa nagdudugong utak ni Bea! hehe!

Thursday, September 16, 2010

I-blog mo nalang

PUWEDE NAMAN SABIHIN LAHAT SA BLOG DI BA? KUNG NAIINIS KA, HINIHIGOP KA NA NG STRESS... YUNG TIPONG GUSTO MO NG SABIHIN SA SARILI MO NA PLS LANG! ONE TIME LANG! GUSTO KONG TUMAKBO NG NAKAHUBAD! WALANG SAPLOT!!

hindi ko alam kung magagalit ba ako o pawang dedeadmahin ang lahat. Oo nga naman, pinipilit ko ang sarili ko na maging matatag at maging easy on going ang lahat, pero di talaga maiiwasan na lamunin ka ng sarili mong emosyon.

Sana, sa pagkakataong ito, hayaan niyo munang sabihin ko ang lahat lahat ng gusto kong sabihin. Sa totoo lang, kailangan kong manahimik pero kung mananatili itong tago sa buong pagkatao ko, yung tipong wala akong outlet na malalabasan, para na rin akong isang LPG. pasingawin mo tapos sabay sindi sa lighter... ganun din ang kalabasan. Mas malala pa nga.

Ayoko ng magpakaplastik. Ayoko ng magpakamartyr. Siguro, ganun talaga pag masyado kang mabait. Kailangan mong intindihin ang kinanatatayuan nilang sitwasyon at kailangan mong sabihin sa sarili mo na manahimik nalang at idaan nalang sa kakatawa at megapictorials ng pangHFM (nabulol sa FHM) daw ang drama pero kadiri ang kinalabasan ng pictorials.

Ikakatuwa ko sana ang 6 day leave ko sa trabaho pero ganun pa rin ang kinalabasan. Binigyang pansin ko ang publikasyon dahil kailangan namin ang bawat isa sa panahong ito. Walang iwanan ang drama. pero habang tumatakbo ang mga araw sa kalendaryo, pakiramdam ko, lumalala ang sitwasyon. ayokong ipakita sa kanila na naapektuhan ang buo kong emosyon dahil alam ko sa sarili ko na wala itong silbi at makakadulot pa ito ng mas maraming negative energy. At alam ko ang katotohanang isa ako sa nakakatanda sa TN kaya siguro, sa akin dapat magmula ang hindi pagsuko sa ganitong labanan... signs of maturity kung baga.

halos nanalamig ang buong katawan ko sa biglaang pag-resign ng ilan sa mga empleyado ng walang abiso sa admin at pati na rin sa'kin. siyempre, responsibilidad ko na magbigay alam sa OM (operations manager) o kaya naman sa CEO (Chief Executive Officer) kung sila ay aalis na sa kompanya. nakakalungkot isipin na binigyan mo na nga ng pagkakataon na sila na ang mismong magresign personally, pero sila pa ang may makakapal ang apog na bigla na lang mawawala... parang MIA... ganun na nga! hindi na parang! tpaos iiwan sa ere na sa'kin ang lahat ng pagisisi at sabon na todo bulang Surf at Tide ang inabot ko sa Taas.


at dun ako nasasaktan ng husto. PAGTITIWALA! mahirap ibalik ang buong pagtitiwala kung hindi mo alam ang tunay na kahulugan nito. MAhirap Umasa sa wala kung ang ugat nito ay ang salitang Pagtitiwala.

sana, naging panaginip nalang ang lahat. Kung saka-sakaling sinusubukan ako ng Diyos kung kaya ko pang lumaban sa stress at burdens... wala na akong magagawa. nandito na ako at obligado akong tapusin ang labanang ito magkamatayan na!

sabi nga nila, huwag kang maniguro na magdala ng mahabang espada, pananggalang at kabayo kung ikaw ay makikipaglaban sa mundo na puno ng mapanuri at traydor. Mas mabuti pang magdala ka ng punyal at magsuot ng sapatos na may makapal na suwelas dahil mas mahaba pa ang timeline ng iyong pakikipaglaban. Madali kang mamatay kung armado ka nga at hindi mo naman ito ginagamit ng wasto at maayos. Mas mabuti ang simplen at makalumang sandata basta alam mo kung paano ito gamitin ng maayos at may tactics at special skills.