Sunday, March 21, 2010

Bagong Hain


panibagong header, panibagong lay-out at panibagong putahe. Sa loob ng isang taong pahkukuwento sa buhay ko na puro kapatezan, puro char o di kaya’y mga sentimyentong walang katapusan ang kadramahan sa buhay, isang taon din online diary ang aking blog. Akala ko noon, pang Alta Ciudad ang tinatawag nilang blog. Akala ko noon, sa bawat himutok ng loob ko ay pawang kinikimkim nalang at daanin nalang sa pag-inom ng kape at pagyosi. Akala ko noon, walang silbi ang blog at dagdag account lang sa iilang web mails at addresses ko na ang nakakatawa pa nga, yung iba, di ko na maalala ang password maliban sa FB, Friendster at E-mail add ko talaga na parepareho ang password (tanging si David lang ang nakakaalam ng password ko).

Hindi ko rin alam kung bakit napasok ko ang blogosphere dahil na rin sa required ang bawat TN staffer na magkaroon ng blogsite. Kaya napilitan na rin akong magkuwento tungkol sa buhay ko na hindi naman ganoon kaintresado pero nabibigyan ko naman ng kulay sa pagtatype at pagcoconstruct ng sentences. Kadalasan, at di nga kadalasan kundi “as always”, biktima ako ng balarila lalong lalo na ang salitang ingles. Hindi ko man minsan mailathala sa papel o sa mga posts ko ang gusto kong sabihin in an English manner pero may mga posts din ako na megaenglish din ang drama.

Nagsimula sa Ostentatious Bea ang title ng blog na ito. At kung bakit Ostentatious talaga ang term? Yan ay kadalasang sinasabi ni Lesh na friend ko at nabasa niya ang salitang ito sa Twilight na libro na kahit ako din naman, nagpursige na basahin at may I tulon ang mga salitang sabihin na nating Highfaluting words pero bongga gamitin (alam mo naman ang mga bakla, mahilig sa mga nosebleeding words para sabihin gifted child).

Masyado akong nasilaw sa nosebleeding word na Ostentatious kaya may I change the header na sa pagkakaalam ko, talagang may I overnight sa TN office ang drama para makagawa ng header na Char. Pinangalanan ko tong Chronicles of Bea: the echos, the Char and my wardrobes. Dito rin nagsimula ang pagkakatuklas ko ng mga tools sa Adobe Photoshop. Dito ko rin nalaman na nosebleeding pala lahat ng previous posts ko noon na kahit ako, di ko rin maintindihan. Dito rin ako natutong magconstruct ng isang kuwento na kahit di ko kagustuhang magpatawa, natatawa ang mga nakakabasa sa mga posts ko. At dito ko rin naunawaan na bakit pinagsisiksikan ko ang sarili ko na gumamit ng English Language eh wala naman ako sa beauty contest o kaya naman di ito requirement kay Amards o kay Mam Joy at sarili ko naman itong account! Di ko kailangan magpa-impress sa mga readers dahil di din naman ako binabayaran at hindi rin ako miyembro ng Blogvertise. Di ba! di ba!

Halos buong story ng buhay ko, ladlad na sa blog na ito. Puro KA-echosan sa buhay at walang kamatayang kagaguhan sa buhay at mabibilang lang sa daliri ang mga posts na seryoso at minsan pa nga, may mga serious posts ako na di ko talaga intensiyong funny pero funny pala siya in a sec.

Nagsawa na ako sa header na black ang background at puro picture ko ang nakabalandra. Di naman ako masyadong NARCI, pero nakakasawa din pala na puro pictures mo ang makikita sa blog. At dahil naging inspirasyon ko ang pagsasalita ng mga Out of this world statements tulad nalang ng Fire-out, Tumba Patatas, Chair of Hope, etc. at kahit pagcontruct ng sentences na inaamin ko naman na di sinasadya (yung iba lang) tulad nalang ng “look is in the front”, “what a hell”, “I’d better gotta go”, “let’s make a treeplant” at ang pinakafresh ay ang “where the hell are you go!”, nabuo ang konsepto na Chronicles of Bea: Walang sinabi si Oxford at Webster. Well, I didn’t want anyone to understand it but the factuality can deprive it… it means same! (sinabi ko na kasi wag ng mag-attempt mag-English pag walang tulog!)

Puro imbento!, Puro kafar-outan at kung anu-ano nalang ang maisip, yan ang nahaing putahe ng Chroncicles of Bea: walang sinabi si Oxford at Webster. Siyempre, naging challenge sa akin na maging funny ang mga posts at hindi boring. Naging extra challenge pa sa akin na marami na ang nag-aattempt na basahin ang mga posts ko, na akala ko lang naman, mga TN staffer lang may interesadong basahin lahat ng posts ko. Pati pala ang mga kaibigan kong sosyalerang palaka sa Maynila ay nahohook sa mga sinasabi ko kulang nalang, I name the victim ang konsepto at natatawa nalang sila kung may pinapatay akong tao through written attacks. Haizt! At least, another milestone sa buhay ko na nagbibigay ako ng happiness sa mga readers kahit sa pasimpleng paraaan.

Ngayon, panibaong challenge sa akin kung papaano ko pagbubutihin ang blog ko sa madlang peepz. Hindi lang ito isang blog na nagbibigay kulay sa araw niyo kapag nabobored kayo o kaya naman puro YawYaw you ang Context. Susubukan kong maghain ng panibagong posts na hindi niyo pa nababasa sa buong buhay niyo… parang professional writer at blogger lang! haha! Pero seryoso na! salamat sa mga taong napapadaan lang at napapabasa sa mga kagaguhan ko sa buhay. Salamat sa lima kong followers na walang sawang nagbabasa sa mga posts ko, salamat salamat at maraming salamat.

Ngayon ko lang napagtanto na mahirap pala ang magkuwento sa buhay mo lalong-lalo na kung ito ay world wide web. Mahirap din palang magbanggit ng mga pangalan lalo na kung tunay na pangalan ang nasusulat mo sa posts dahil nacliclick pala sa google ang mga ito (sa isang kaibigan ko ito nalaman). Di rin naman ako anga-anga di ba?

Basta… hapi anniversary sa blog ko!

Sunday, March 14, 2010

contest tayo!

welcome to the world of imagination
that speaks fact, truth, and reality, in my homeland brings good fortune
tonight, you shall witness
the Filipina women of today
fashioned... from the elements of the past
reflective... (nakalimutan ko na!)
blending it, into a colorful pageantry,
indigenous culture..

-pang-entourage na yawyaw pag Mg. Gay!
-gitulon ra pud nako ni Exey

halos dalawang gabi din akong bumalik sa tinatawag kong outside world. di naman ako ganun'g kagimikera pero lagalag lang... at sabihin na nating normal 'yun para sa mga taong katulad ko.

halos dalawang araw din akong nanood ng beuty pageants ahmmm.... actually, tatlong beses akong nanood ng Ms Gay ngayong week. Parang hinahalina ako'ng sumali ulit at mantakin mo ba naman... halos isang taon at mahigit din akong nawala sa circulation ng beauty pageants. feel ko nga, di na ako ganun ka-updated. anyway, sa tatlong araw kong pinagtiisang panoorin ang mga friends ko na rumampa at mega-poise sa pagproject sa madlang people, isa lang ang pumapasok sa ulo ko ng mga panahong iyon... BAKIT MO PA KAILANGAN MAKIPAGTAGISAN NG GANDA KUNG ALAM MO NAMAN NA MAGANDA KA? BAKIT MO PA KAILANGANG MANGOLEKTA NG KORONA AT SASH PARA MAY MAIPAGMALAKI KA AT MAIPALANDAKAN MO SA SA IBA NA MAGANDA KA? BAKIT? sa beauty pageants lang ba ang tagisan ng kagandahan?

sumasali din naman ako sa mga beauty pageants before. Hindi ganun kadali ang kompetisyon lalong-lalo na sa mga bakla pagdating sa Ms. Gay. gagawin ang lahat para manalo. kung baga, survival of the fittest ang drama. sabihin nalang natin na kaya mega effort ang mga baklang ito dahil sa matinding pangangailangan at yun ay ang pera. pera ang dahilan at ang pinakasikat na linya ng mga bakla tuwing Ms. Gay "Pera ang gumagawa ng kagandahan... at ganda ko ang gumagawa ng pera"

o nga!o nga! bow down ako diyan. kung kagandahan mo nga naman ang nagbibigay raket sayo, why not di ba... pero konting ingat lang. hindi lahat ng tingin ng mga tao sa beauty pageants lalo na sa Ms. Gay ay isang moral at normal na gawain. ito ay kadalasang sentro ng panlalait ng mga tao, mapa-edukado man o hindi. ito rin ay kadalasang kinukutya ng taong bayan dahil ito ay isang immoral na gwain daw. akala naman ng iba, ito ay isang playtime at pinapakita lang daw na ang mga bakla ay "pagubot". naalala ko tuloy ang sinabi ng isang malapit na kaibigan habang pinag-uusapan ang isang baklang ewan ko lang! "ang mga bayot, pagubot ra gud diri sa kalibutan"...

ayoko ng mag-comment dahil feel ko, isa na akong advocate na protektahan ang mga bakla. parang ganun na nga... hehe! ang akin lang, its is really fine that beuaty pageants are not made para pagtawanan at laitin. ito ay simbolo ng unity lalong-lalo na sa mga bakla. ito ay isang experience na sa sandaling oras, nafeel mo na girl ka sa paningin ng iba at naniniwala talaga ako sa katagang... hindi kumpleto ang isang pagiging bakla kung hindi ka sasali ng Ms. Gay!

Saturday, March 6, 2010

ANG HIRAP!

Balisa
di mapakali
irritable?
magulo ang isipan...
maraming pop-up windows
may tinatago
maya-maya... parang wala lang!
babalik
di makatulog
gigising ng maaga!
magulo ang isipan
ewan!

yan ang habit ng isang taong may tinatagong problema at ayaw ilabas para daw di mahalatang problemado siya. masakit sa ulo! minsan, gusto mong magbreakdown pero di mo magawa dahil iisipin mo nga naman, ayokong mabuang dahil sa sandamakmak na problema na nararanasan mo.

di ako makatulog kagabi sa karamdamang di ko rin maintindihan. Una, i miss my mom and my brother. sanay na akong nasa malayo sila dahil sa inarte ko na rin na gustong maging independent at ganun na nga. Ikalawa, I miss my old friends. Alam mo yung feeling na you're really transparent with them na walang keme at kahit kailan, di ka makakaramdam na binabalewala ka nila kahit na hayup ang mga pag-uugali nila. nakakamiss yung mga moments na batuhan ng punchlines, sadistahan at higit sa lahat... mga kuwentong drawing at imbento na di mo na alam kung ano ang totoo sa hindi. ikatlo, sumagi lang sa isip ko na kamusta na kaya si tooot... Bes, may balita ka ba sa kanya? kung wala eh ok lang... just missin the old days.

kung puwede lang talaga balikan ang nakaraan, matagal ko ng ginawa. Minsan, sa sobrang kapabayaan, kagagahan, katarataduhan... gusto kong balikan lahat ng pagkakamaling nagawa ko. una na dun ang pag-alis ko ng Maynila. Halos lahat, nagtataka kung bakit gusto kong mabuhay sa isang lugar na hindi naman malayo sa sibilisasyon pero yung maraming puno, malinis ang hangin kaysa sa isang mundo na nakagisnan ko na at punong-puno ng oportunidad na angkop sa mga oportunista at ambisyosang katulad ko. Sana, kung nasa Maynila pa'ko, matatapos ko ang college degree tsa apat na taon lang at di na aabot ng anim na taon (extended pa ng isang taon) na feel ko, nagmamasteral na 'ko.

kung pagsisisi nalang ang pag-uusapan, sana, naging girl nalang ako o kaya naging straight na lalaki. ang sarap sanang magmagic na instant girl o kaya boy nalang ako. nakakapagod na kasing maging bakla sa totoo lang. Sinusubukan ka kung gaano ka katatag sa isang society... as a statement sa TN na madalas kong naririnig sa mga lalaking staff... ANG HIRAP!

pero eto na at wala na 'kong magagawa. I have to deal with it. iniisip ko nalang na kaya ka nasasaktan para matuto ka at malaman mo ang lahat ng iyong pagkakamali. kaya may conflict dahil ito ang sukatan kung gaano ka ka-attached sa mga taong mahal mo. kaya ka nagsisisi para malaman mo kung ano ang mga bagay na importante at kung ano ang keme.

ang buhay ay isang gyera. bago ang labanang duguan, siyempre, handa ka at marami kang sandata at armas na dala. susugod ka at makikipagbakbakan. unti-unting magagamit lahat at mamaya, mapapansin mo na gagamit ka nalang ng kutsilyo para puksain ang mga natititirang kalaban. nasaksak mo na ang kutsilyo at mamaya, matatakot ka,magdadalawang-isip dahil wala ka ng sandatang natitira. wala kang magagawa kundi lumaban gamit ang iyong kamao at nasasayo na iyon kung papatalo ka ba o hindi...

gets mo?

Tuesday, March 2, 2010

Nagjojoke ka ba?

PS: on the process ang aking header... ayaw niya kasing gumalaw! kainis!

Minsan, nakakairita na at nakakapuno!

Pinalaki yata ako ng nanay ko na magaling talaga pumunchline ng mga joes at kalog kung tutuusin. Lumaki ako sa mundong maharot at puno ng halakhak. Di rin naman maiwasan na nasasaktan din naman ako pero kung magcacalculate ka ng happenings sa buhay ko within 24 hours, lahat yun ay puro katatawanan o di kaya, punoong-puno ng jokes.
Ano ba talaga ang meaning ng isang joke? Ito ay kadalasang nangyayari para hindi “lull” ang life. Maaari kang tumawa ng nakatihaya o kaya naman, R.O.F.L.O.L o rolling on the floor, laughing out loud. Madalas, ito ay ang pagbabanggit ng mga salita o kaya naman pangungusap na nakakatawa sa pandinig ng tao at ayon na rin kay mareng Webster, to be merry with words or actions (talagang sumaklolo sa dictionary).
Pano mo ba malalaman kung ang joke ay isang laughing stock at di nakakadegrade ng pagkatao? Ito ay depende sa banat o punchline na sasabihin ng isang tao. Kahit ako, may mga pagkakataon na di ko na rin madistinguish kung ito ay maituturing joke at hindi panlalait. Minsan, may mga nasasabi ako na akala ng iba, true.. pero sa pananaw ko naman, ito ay isang malaking joke. Minsan, may mga nabibitawan akong salita na akala ng iba ay isang joke pero para naman sa’kin, ito ay isang napakalaking true! Ironic di ba?
Kalog din naman ako pero may mga pagkakataon na nakakairita na ang mga jokes na ibang tao. Ok lang naman sana kung yung joke nila ay di nakakabalahura ng pagkatao at nasasabayan ko pa, pero may mga pagkakataon talaga na sabihin na nating below the belt. Alam mo yung feeling na niyuyurakan na nila yung pagkatao mo by means of joke para hindi ganun kalakas yung impact? Alam mo yung feeling na tumatawa ang lahat at plastikan nalang na tumatawa ka pero deep inside, feeling mo, sinusunog ka sa isang napakalaking kawali? Ganun ang feeling di ba?
May nagsabi na sa’kin na kapag nahalo ka sa isang grupo na puro killer sa pagjokoke, dapat marunong kang makisabay sa agos at trip nila. Marunong ka ring pumatay ng tao gamit ang joke at dapat, hindi ka balat-sibuyas. Dumarating talaga sa punto na napupuno ka at gustuhin mo mang magalit at maimbyerna, hindi mo magawa dahil iisipin nila na ikaw ay isang malaking LOOSER. Iisipin nila na napakababaw mo naman para magalit at iisipin nila na hindi ka marunong makisalamuha sa mundo na puro joke. May magsabi na rin sa’kin na gamit ang pagjojoke, it’s a matter of paglalambing at importante ka para sa kanila kaya napaisip nalang din ako na kaya pala sa araw-araw na ginawa ng diyos ako ang target nilang kutyain.
Tao din naman ako na nasasaktan. Tao din naman ako na may damdamin. Sorry kung may panahon na hindi ako perpektong tao gaya ng iba. Yung matalino, sobrang ganda, yung hindi animal yung itsura. Basta.. hirap iexplain! Normal na siguro sa’kin nagseself pity ako. Hindi sa pagiging madrama pero minsan talaga, nakakadegrade na…
I have learned that I should be careful with my words and limit my jokes. I have learned that not all people have the same understanding and personality like mine. It’s so hard for me to adjust with boys and girls. There are things that they don’t understand the lifestyle and minds of gays like me. Sometimes, you are the centre of attraction and distraction for them, moreover, our gender is different and it’s a common ground for the guys and girls to make fun at us. Jokes are said to be funny and nonsense. Sometimes, it has wit and most of all, it’s half meant to be true.
I want to give up but my soul told me to stop thinking about it. It’s just a crap! I am not that intelligent but I am witty. I am worst in writing and speaking the English language but I know how to use it in a serious manner. I am not that pretty in the eyes of the public, others saying that I am a horse but I’m trying my very best to look good in the public. I am a gay, a transvestite type and I have this courage to face all the burdens and criticisms that you throw at me.
Sometimes, it’s really exhausting to hear this things. Nakakatoxic talaga!

Monday, February 22, 2010

bakla bakla! pano ka patayin!

happy ako dahil sa mga happenings ngayong weekends. happy ako dahil alam ko na marami palang tao na nagmamahal sa'kin kahit nagcecelebrate ako ng single awareneness month. happy ako dahil hindi ako desperada na magkaroon ng love interest habang patuloy ang pagcecelebrate ng Valentines day ang iba samantalang ako, loveless daw at looking for someone (hindi naman, mas gugustuhin ko pang makipag-one-night-stand!)

Ayokong manghimasok sa paghihimutok ng iba with regards sa pag-ibig nila na hindi naman mangyayari... in short, pawang ilusyon lang ang lahat. Ayoko ring mag-comment sa mga kacheapang photoshop pics at comments dahil marunong naman akong rumespeto ng opinyon ng iba. ang akin lang naman... ayokong ma-streotype ako sa mga pinanggagawa ng ibang bakla na patuloy ang panliligaw ng mga salitang blok blok blok gamit ang pinakamakapangyarihan at THREAT sa buhay ko na social web... ang FB!

Punto: usong uso ang pagcocomment sa mga pics na sabihin nating pasabog at life threatening talaga sa FB. ok lang naman yun. pero kung paninira na at nakakagimbal na ang mga comments to the point na nakakabalahura na sa paningin ng iba, IBANG USAPAN NA TO!

OK lang naman na maglagay ng mga pics sa FB na sabihin na nating joke joke joke sa mga taong hindi nakikisawsaw sa mga happenings na exclusive lang sa grupo at ok lang naman sa mga nakakarelate nito. pero kung ibang tao na ang nakikialam at nagcocomment sa mga nasabing pics, to the point na hindi naman kayo ganun kaclose... again, ibang usapan na to.

Ok lang magpahiwatig ng pagmamahal mo sa isang tao at humahanga ako sa mga taong ito. Pero kung nakakabuwisit na ang pagpapahiwatig ng pagmamahal sa isang tao, parang stalker na nga o kaya naman desperada na ang labas... ibang usapan na rin ito.

Opinyon: hindi lahat ng tao sa FB ay may sensitivity na tinatawag o kaya naman, open-minded. hindi natin maiiwasan na may mga taong iba ang takbo ng utak at iba ang magiging interpretasyon sa kanila. ayoko ng mag-impose ng salitang respeto dahil pagod na pagod na akong isigaw ang salitang ito sa buong mundo.

may mga tao talgang OA mag-react at naiintindihan ko naman ito dahil OA din ako... actually, drama queen pa nga. pero kung mag-inOA naman ang trip ko, sinisigurado ko na hindi ito malalaman ng buong mundo at isisiwalat ko pa ang pagmamamhal ko sa isang taong mahal na mahal mo na nga dahil alam ko ang katotohanang ako ay isang bakla at hindi ako girl biologically. Wala tayo sa mundo ng pelikula at hindi lahat ng panahon, KIMERALD ang drama. sometimes, these kilig factors to those persons saying it, nakakapiss-off at nakakawala na ng respeto sa sarili. Alam mo yung feeling na deaththreat ka na sa life nung taong yun at natrau2xma na siya sa mga bading. Ok lang sana kung maganda kang nilikha ng maykapal yung babae ang projection mo pero kung bading ka na pinagduduldulan mo ang sarili mo sa isang lalaki, at any moment, magugustuhan ka niya tapos yung image mo naman eh mas mukha ka pang basagulero sa kanya at nakakabasag ka ng hollowblocks, ano to? frog princess ang drama?

ayokong manglait ng tao, siguro, alam ko rin naman kung saan ako lulugar pagdating sa ganitong sitwasyon. hindi rin naman ako kagandahan pero Im trying my best to be beautiful physically at alam ko rin na naappreciate yun ng mga tao sa paligid ko (may ganu'ng segway) at alam ko rin ang batas ng tao at nature. hindi lahat ng pag-ibig ng mga bading ay isang faity tales... wag maniwala sa ganun. hindi lahat ng pag-ibig ng mga bading ay happy ending! gumising ka sa katotohanan na hindi lahat ng pag-ibig ay makukuha lamang sa salapi at ganda. mare... kung magmamahal tayo, mas mabuti nalang ang masaktan at tanggapin ang tunay na katotohanan at wag ng umasa na ikaw si Barbie na may Ken sa buhay mo. makuntento ka nalang sa tingin at sulyap ng mga lalaking gusto mo at managinip nalang ng gising, wag isiksik sa kukote mo na balang araw, magiging sayo siya at happy ending ang drama. hindi ito Showtime at kung palabas ng pag-iibigan ninyo ang dramang gusto mong mangyari... asahan mo talaga na may babatikos, manglalait at mawawalan ng respeto sa pinanggagagawa mo.

hindi ako nagpapasipsip o kaya naman pinagtatangol ang isang tao dahil may lihim akong pagnanasa sa kanya (pagnanasa talaga ang term). ang akin lang naman, hindi naman talaga maganda ang ganitong mga pangyayari sa buhay ng taong ito lalong-lalo na sa FB ang buwelta sa kanya. isipin nalang natin na may posisyon siyang pinanghahawakan sa isang institusyon at dito papasok ang respeto na kailangan niya para sabihing isa siyang mabuting lider. kahit naman papano, kaibigan at kapatid ang turing ko sa taong ito at hindi rin naman siguro ako makakapayag na isang bakla o higit pa ang gigimbal sa buhay niya dahil ayoko rin namang masterotype ako na ganun din ako sa pananaw niya.

minsan ko ng pinagsabihan ang baklang involved dito sa isyung ito pero hindi sa lahat ng bagay, nakikinig at pinapasok sa utak niya ang moral na gusto mong ipahiwatig. naiintindihan ko rin naman ang ganitong emosyon dahil ako rin ay isang bading. sabihin na nating ilusyonada at ambisyosa lahat ng mga bakla pero may may pagkakataon na ito ay kalabisan na at hindi na maganda sa iba.

Violent Reactivities: Tama na ang ganitong gimik. mas mabuti pang paslangin ang mga baklang ito! yung tipong duguan taapos susunugin ng buhay tapos ipako sa krus na korteng flower! hindi na ito masaya... nakakabalahura na.

Tuesday, February 9, 2010

Feeylings

matgal tagal na rin ako bago mag-post ng isang post (haha!! redundant) dahil sa isang valid na reasons at wala ng kokontra. marami sana akong gustong ikuwento pero limitado ang blog at baga gumive-up ang computer at pati ang mga daliri ko kakatype ng mga gusto kong sabihin, baka makafeel ako ng pulikat mode. di ba?

Miss ko na ang tumambay sa Rob at magstroll hanggang sa mapagod ang aking mga paa. Miss ko ng tumambay sa intramuros at umupo sa may edge ng wall nito habang nagpapahangin sa mausok at mapolusyon na kaMaynilaan. Miss ko ng sumakay ng jeep, taxi at FX. Miss ko ng gumimick ng magdamagan hanggang makita si SUNSHINE Cruz na todo project na sa kalye. Miss ko ng maglakad sa MASUKAL na lugar nila Fifi. Miss ko na ang mga bleachers sa TONE . Miss ko na ang barkada na walang pakundangan kundi uminom at hanggang sa macholic. Miss ko na ang lahat ng ginagawa kong ka-echusan sa hometown ko... ngayon ko lang nafeel.

hindi naman sa nag-eemote ako pero nakakamiss talaga ang lahat ng routine na ginagawa ko pag umuuwi ako ng Maynila. Iba kasi ang mundo ko pag andun ako. kung feeling ko, easy-go-lucky lang ako sa buhay ko dito sa City of Gentle People, eh mas nafefeel ko na parang bakasyonista lang ang inaatupag ko pag andun naman ako sa kinalakihan kong lugar. mahirap i-explain in fairness pero yun talaga ang nararandaman ko.

mahilig talaga akong tumambay sa isang lugar at uminom ng kape o di kaya softdrinks sa isang coffee shop o kaya naman sa isang burger stand. wala lang! yun lang kasi yung moment ko na magrelax at i-aliw ang sarili ko sa mga nakikitang bagay sa paligid nito o di kaya mag daydream o di kaya mag-isip ng mga kakaibang bagay na gusto ko lang isipin... weird ba? di ako ako baliw pero ganun lang talaga ang takbo ng aking Nervous System.

Minsan nga, yung tipong bored na bored ka at wala ka ng maisip, sumasagi sa utak ko na ano kaya ang feeling pag namatay ka na? Natanong ko yan sa isang kaibigan na gago rin ang pag-iisip. sabi niya, Natural, wala ka ng feeling dahil patay ka na nga! sabay hirit ng pinakacommon na expression na HALLER! O nag naman. kahit may sayad ang utak ng taong natanong ko, may point naman siya di ba?

madalas kong sabihin sa sarili ko na sana pinanganak nalang ako na may kapangyarihang maging manhid at walang emosyon. lahat ng nabubuhay sa mundong ito ay may pakiramdam. sana, wala nalang akong ganun. pero pano ko malalaman na masarap palang mabuhay kung di ko maramdaman ang bawat masasaya, mahahapdi at on-the-spot emotions na nagyayari sa buhay ko kung di ko naman ito mararamdaman? di ba?

ganoon lang kasimple. kaya tayo may pakiramdam para malaman natin ang kahulugan ng buhay. kaya tayo nag-iisip para malaman natin kung tama ba ang ginagawa natin o mali at kaya tayo nakakaramdam ng kasiyahan at kalungkutan para alam natin ang katotohanan na sa bawat sulok ng ating ginagalawan, may mga tao palang magbibigay sayo ng pakiramdam na ganito.

Happy Valentines sa lahat! (FAR-OUT? la lang! Duguan mode ako ngayon)

Sunday, January 10, 2010

Retoke para ikakabuti ng mga "Pagirl"

blank. blank. blank...

sa mga oras na 'to, blanko ang utak ko! haizt... pagod ata sa biyahe...

wala akong maisip na topic kung ano ba ang ipopost ko ngayong araw na to. ayoko din naman magdrama dahil sa totoo lang, masaya naman ako ngayon at wala namang bumibuwisit sa'kin. haayyy, kung totoo lang talaga ang genie at kung anu-anong bagay na pwede daw matupad yung mga pangarap mo sa buhay... isa na ako sa nag-bid at pumunta sa mga subastahan all over the Pinas.

-Mahal ang Collagen-
-mahal ang chin Augmentation-
-mahal magpaRhinoplasty-

mga bagay na laging naka'pop-up' sa isip ko ngayon at kung tutuusin, talagang mahal magparetoke ng katawan nowadays. bakit ko nga ba sinasabi sa post na ito ang mga bagay bagay tungkol sa pagpaparetoke? gusto mo malaman? sige! pagbibigyan kita!

Ang pagpaparetoke ay isang siyensya (o nga naman!). marami na akong nakilalang mga bading na retokada ang hips, ilong, chin, cheeks, boobs pati na rin ang itmiguels at ninotchka ay pinutol na nila at wala ng bahid ng Adan sa kanilang katawan. Ang nakakatawa pa nga, sari-saring mga kuwentong kabaklaan ang narinig ko na at natawa talaga ako ng sobra.

Tulad nalang ng kuwento ni Rian Barrameda, isang transexual na nanalo sa Amazing Gay Philippines, isang prestigious na pageant sa Maynila na pwedeng kabogin ang Queen of the FarEast sa F.E.U. minsan na siyang nagkuwento tungkol sa buhay niya. Kung pwede lang isuka at tanggalin ang esophagus habang nagkwekwento siya, ginawa ko na!

Hindi lang si Rian ang nagsabi na isang mahirap na proseso ang pagpaparetoke ng katawan. Kalaban mo ang sakit at hapdi na sa bawat turok at tahi, madalas ng sabihin ng mga nagpaparetoke na "TIIS GANDA TOH!". nagtitiis sa bawat dugong nakikita nilang tumatalsik, patuloy na umaagos na para bang Amazon river lang, sa bawat pulang likidong nagmamantsa sa tinatawag nating "Deathbed", para ka na ring nagpatanggal ng lalamunan tapos papalitan naman ito ng gawa sa ginto bandang huli (gets mo?).

kagabi, habang umiinom ng kape at nakikitulog muna sa kaibigan ko sa Cebu, napanood ko ang interview ni Rica Paras, isang Transpinay, Exhousemate ng PBB. In fairness, lahat ng opinyon niya sa interview with Boy Abunda, lahat ng sinabi niya ay puro malaman. nagpaparetoke ang mga bakla dahil na rin sa kagustuhan nilang maging ganap na babae at isang malaking Kevs ang gastos basta nakasalalay ang kaligayahan ng mga bading! gow!

eh kahit naman retokada ka na... maganda ka nga! mukha ka ng babae sa paningin ng mapanuring mundo, hindi pa rin maaalis ang panibagong problema na dapat harapin ngm mga retokadang bakla. at yun ay ang PAPELES, DOKYUMENTS at ilang personal data sheets na nagsasaad ng tunay na pagkatao mo. OO nga naman... maganda ka sa paningin ng iba pero pag naungkat ang ppaers mo at nalamang MALE ang nakalagay sa birth certificate mo, yuna ay isang malaking CHISMIS.

nagulat ako sa isang balita na na-carryover (may term na ganun! ako pa!) ng Ladlad partylist ang problema nila sa sa COMELEC. hindi rin ako sure sa balitang narinig ko pero parang ganun na nga. mabuti naman kung ganun. mali ang sinasabi nila na ang mga miyembro daw ng Third sex ay di na kailangan ng puwesto sa gobyerno dahil sa term nila na MAGINALIZED na daw ang mga ito. ang ibig sabihin ay mostly sa mga bading, edukado at may propesyon, may marangal na trabaho (hindi nila alam na may mga prosting bading... marangal ba yun?, may kaya naman sa buhay at hindi naman naghihirap ng todo-todo. at may sinabi pa ang COMELEC na immoral ang mga bakla.

tsk.tsk.tsk. yan lamang ay isa sa mga problema sa tao kaya napipilitang magparetoke ang ilan sa mga bading natin sa Pinas. tandang tanda ko pa ang kwento ni Rian na may isa siyang costumer sa Japan na isang miyembro ng YAkuza. Nung mga panahong iyon, si pa siya nagpapasex change. dahil sa kagustuhan ng Hapon na may mangyari sa kanila, napilitan si Rian na maglaslas o magsugat sa katawan gamit ang blade at ilublob ito sa bowl at ipakita sa Hapon ang dugo sa Bowl at sabay Bingka na may regla siya kaya hindi pwede ang Sex.

anong connect? sadyang makipot pa rin ang mundo pagdating sa mga bakla. bukod sa diskriminasyon, kahit magparetoke ka na at nagtagumpay sa pagiging girl physically, marami pang problema ang dapt mong solusyunan sa sarili mong paraan. marami sa mga kakikalala ko ay nagparetoke na at ang hamon sa akin ngayon ay kung susundi ko ba ang yapak nila para patuloy kong mahalin ang aking pagkatao.

my answer is... OO! Game ako na magparetoke para naman sa ikabubuti ng aking sarili at maibsan ang diskriminasyong nararandaman ko sa lipunan. hindi ako magpaparetoke dahil sa ginusto ng iba. gagawin ko to para sa sarili kong kapakanan at maihampas o masampal sa mga taong nag-aalipusta sa pagkatao ko na kaya kong baguhin ang takbo ng buhay ko at sisimulan kong sabihin na hindi kayo ang hadlang para maangkin ko ang kagandahan tinatamasa ko pa noong bata pa ako!