Saturday, August 13, 2011

Moonstar 88 - MIgraine




matagal ko ng all time favorite ang moonstar 88. Pero ang kantang ito ang nagbigay silbi at kunin ang self awareness program o SAP 101 na course ngaung araw na to. nasa IPOD ko to at nasa phone pa nga. sa dami dami ng kantang dapat ipatugtog ngaun, biglang huminto sa IPOD ko ang "migraine". masyado na akong nahuhumaling mag-emote sa sarili ko ngaun... hehe!

and i found myself lying on the wooden floor sa kuwarto yesterday. despite sa pagod kong katawan dahil sa buwis buhay na outlet na cheerdance, despite sa pagsugod namin kahapon sa st. dominic's hospital dahil sa nabangas na labi ng kasamahan ko sa cheer dance, despite sa pagsalpok ng isang sasakyan sa poste ng meralco at walang ilaw sa bahay within 3 hours, at despite sa pag-inom ng malala sa city hub kahit may practice ng cheer dance nung friday night, bigla nalang akong humiga at biglang sumabog ang emotions ko... BOOM!

para akong tangang umiiyak at tipong humahagulgol. nanginginig ako sa sakit at gusto kong matapos ang buhay ko sa mismong araw na yun. nahihilo na ko sa sarili ko. lagi kong iniisip na kaya ko. pero nung gabing yun, hindi ko na kontrolado ang lahat.

ngayon ko sinasabi sa sarili ko na TAO lang din naman ako. may mga pagkakataon na hindi ko na kontrol ang lahat. ayokong maging perfect at hindi ako nagpapakaperfect. nasasaktan di ako. hindi ko masasabing puno ng kalyo ang puso ko. kinakain din ako ng loob ko.

ayokong magpadala. hinahayaan ko nalang yung sarili ko na gawin niya kung anong gusto niyang gawin. HINDI KASI AKO ANG TIPO NG TAO NA KAILANGAN NG ACCOMPANY PARA ILABAS LAHAT NG GUSTO NIYANG ILABAS SA SARILI NIYA. ayoko na ng ganun. mas magandang ikaw nalang mismo ang maghahanap ng sagot sa sarili mo.

masasabi kong ok na ako ngaun. hayaan nalang nating umukit ang mga mga sugat at kontrolin lahat ng galos. kung ano ang nakakabuti, yun ang dapat gawin. kung ito ang tama, sige... pero kung sakaling sumabog ulit ako, bigyan konsiderasyon naman na masakit din sa loob ko ang mga nangyayari. TAO LANG PO AKO...

AT HINDI SA LAHAT NG PANAHON...

* hindi sa lahat ng panahon, ang mga oras at araw ang makikiayon sayo. Tayo ang gumagawa ng paraan para sabihin nating maganda ang takbo ng buhay natin sa araw-araw nalang na ginawa ng diyos. Kung gusto mong maging malungkot, choice mo yan. pero hindi sa lahat ng panahon, ang hangin ang sasabay sa ihip na gusto mo.

* hindi sa lahat ng panahon, ang pagmamahal ay nakukuha lamang sa isang pitik ng kamay. may mga bagay na kailangang i-consider. may mga bagay na kailangang bigyang diin. iba ang salitang pagmamahal kung alam mo sarili mo na marunong kang tanggapin ang lahat ng sakit at pag-asang naidudulot. walang sinuman ang makaka-unawa nito kundi ang ating mga sarili lamang. hindi natin kailangan gipa-explain sa iba kung ano ito. "if you laid all your cards, you have to play the risks"

*hindi sa lahat ng panahon, natatakot ka sa isang sitwasyong dapat hindi ka naman involved. kung di mo na kaya, ikaw na ang magbigay daan at maki-ayon na lamang sa timpla ng panahon. pa'no kung di mo rin kayang magparaya? pano kung natatakot ka rin na mawala siya sa buhay mo? isang malaking PAANO ang naglalaro sa loob mo at tipong kinakain ka na. kaya mo pa bang maki-ayon sa gustong ihip ng hangin? kung iniisip mong isang malaking delubyo ito... hindi lahat ng bagyo, nagtatagal sa isang lugar. hayaan nalang nating dumaan para maging matatag. wala na tayong magagawa, ang bagyo ay bgayo.

*at hindi sa lahat ng panahon, natatago ang mga pangyayaring hindi mo inaasahan. may mga weather forecasts na bigla nalang mag-uudyok sayo na gawin at mangyari ang dapat mangyari. wala tayong magagawa. eto nanaman tayo, hayaan na nating maki-ayon tayo sa panahon...

PANO KUNG DI MO NA KONTROLADO ANG LAHAT NG ITO... MATATAHIMIK KA PA BA? SA TINGIN MO MAGIGING OK PA BA? SA TINGIN MO, HINAHAYAAN MO NA LANG NA KAININ KA NG LOOB MO... PANO KUNG BIGLA KA NALANG SUMABOG? PAANO? HAAAAYYYYY tang inang buhay to oh!

Saturday, August 6, 2011

Super paulit-ulit...

D.I.A.R.Y...

hindi ko alam kung papano sisimulan ang post na to... isang malaking pasencya nalang kasi ayokong i-post at i-share ang link na to sa FB. It's somewhat private (ang question... ba't mo pinost sa blogger?)

may rason siguro ang lahat kaya ko na-open ang account at blog na'to. sabihin na nating MAARTE at MAASIM ako this past few weeks. Sabihin na natin na ito na ang taman panahon para mailabas ko na ang lahat ng emosyon at kakayanin ko sigurong sabihin ang lahat ng detalye sa post na to. hoping na hindi mabasa ng mga makikitid ang utak. anyway, it is just a matter saying your experiences... I do not blame myself or anyone else...

eto nanaman ako at nagmumukhang tanga. eto nanaman ako na para bang namumuhay sa sarili kong mundo. at eto nanaman ako... nararanasan muli ang salitang pagmamahal... mariin kong sinasabi sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ng kahit sino man sa mundo. ayoko ng ganitong pakiramdaman. ayokong kainin ako ng loob ko. pero eto... nangyayari na para bang bagyo na lumagi na sa Philippine area of responsibility. hindi na 'ko maka-get over at nasasaktan ng paulit ulit mapapisikal man at emosyonal.

Yun nga ang problema. ayoko ng paulit-ulit... eto nanaman ako... kontrolado nanaman ang lahat. eto nanaman ako, at eto nanaman ako... minsan nakakasawa na. pero nandito bna tayo. huminto man ang jeep, di ko kayang bumababa. maraming mga bagay ang dapat isipin at bigyang konsiderasyon.

ayokong magmahal at ayokong masaktan. kung magkakakitaan tayo ng cerebrum, nakakatatak yun dun. pero minsan, nagkakaroon tayo ng brain loss. ayokong maging komplikasyon ang lahat. kaya eto nanaman ako. kontrolado nalang ang lahat.

bakit ganun? masyadong malalala ang nangyayari sa'kin kapag ako na-inlove. hindi ba puwedeng kahit minsan lang man, hindi ako ang mapagparaya? hindi ako ang kinokontrol? hindi ba puwedeng ako nalang lagi ang naiipit? pilitin ko mang hindi maging ganito... yun ang hindi ko maintindihan...

Walang nagbibigay ng magandang solusyon so far... at eto nanaman ako... paulit-ulit... kailangan ako ang umintindi ng lahat. walang tutulong sa'kin kundi sarili ko lang. hindi ako nag-eemote... wala akong dapat sisihin. hindi ito kasalanan ng iba. walang dapat i-blame. masama ang loob ko sa sarili ko. at eto nanaman ako... private self- pity.

hahay... ayoko ng ganito...

Wednesday, August 3, 2011

Let's get back to business dude!!

Super duper saya ko na na-open ko ulit yung blog ko. dahil sa di malamang dahilan na pag-block ng email add ko... hindi ko na siya ma-open ulit... yeheyy!! na-open ko ulit siya.

eto na naman ako at magkukuwento muli ng mga ka-pestehan sa buhay. sa bagay... sa loob ng ilang buwan na hindi ko pag-bloblog... napuno na ang utak ko sa lahat ng dapat ikuwento.

ito muna ay isang sampler. hehe! para naman malaman niyo na buhay pa ako at buhay pa ang account na to'.

Wednesday, May 4, 2011

getting in silence....

bago ako magbday, maghahanda ako ng isang matinding nosebleeding post para sa ikagaganda ng buhay ko at buhay nating lahat. minsan, gusto ko mang mag-post pero dahil na rin sa busybussyhan ang lola mo at gusto munang magpahinga sa sandamakmak na calls at trabaho, hindi ko na ring magawang mag-update ng blog ko. buti nalang nabisita ko blog ko ngayon at ginanahan akong magsulat.

tuloy pa rin ang takbo ng buhay ko sa mundong hinahaluan ng isang call center world. halos iba ang mundo ngayon kesa dati. kung nabuhay man ako sa koserbatibong pamumuhay sa visayas, alam ko naman ang katotohanan na mas malala ang nakikita at nararamdaman ko ngayon at halos umiikot ang buhay ko ng puro trabaho at dahil na rin yun sa pera.

siguro, nagsawa na rin ako sa mundong petiks kasabay ng busy-busyhan ang motif. pero ang ikinagugulat ko ngayon ay yung mga taong nakapalibot sa'kin na iba-iba ang opinyon at pananaw sa buhay. i do not want to be sounded as conservative type. minsan, dumarating din sa puntong hindi ko masabayan ang trip na gusto nila o kaya naman, pilit ko nalang iniintindi ang lahat para lamang sa iisang mithiin. PEACE AND WELLNESS.

* isang bisexual na nagmulat sa'kin na ang mundo nila ay sing tulad din ng mundo ng mga trans.
* isang taong may asawa na pero gustong kumilintari ng iba.
* babaeng namatayan ng asawa at ngayon ay nakikiapid sa may asawa.
* babaeng mahilig sa one night stand.
* girl to tibong intimate relationships.

iilan lamang sa mga taong iniintindi ko nalang na ito ang mundong hinaharap ko ngayon. hindi ako nagmamalinis. hindi ako nagpapakasanto. at hindi rin ako relihiyosa. ako lamang ay nabibigla sa mga pangyayarin dahil ang mundo ko ay pawang kalokohan at kabaliwan lamang ang hangad tuwing nagigising ako araw-araw. ayokong magseryoso. ako lamang ay nabibigla at nawiwindang. wala akong intensiyong manakit. hindi ko ito ginusto. ito ang mga taong dapat kong harapin sa mga susunod pang mga araw. alam kong iba din ang pananawa nila sa'kin. and i'd rather remain calm and silent.

Sunday, March 20, 2011

linyang quotable quote

one two three... gora!

as in super tagal na ng hindi ako nagpopost sa blog ko. parang nakalimutan ko na ata na may blog ako... pero eto naman ako... unt--unti kong ni-rerestore sa sarili ko na may blog account pala ako na bibisitahin at magkuwento ng kabalbalan sa mundo at kagagahang nagawa sa buhay ko kahit di naman ganun kaganda o kabalahura o kasaya pati na karumaldumal na pangyayari... at bigla kong naalala na umaagos ang pinupuno kong inumin sa kusina. teka lang!

Summer na di ba... at sa naalala ko, March mismo ang buwan na ang lakas kong magblog kahit di naman ganun kaganda ang mga naikukuwento ko. ito rin yung buwan na natuto akong magshorts at hindi magpantalon. at teka nga muna! lumalayo ako sa sarili kong topic na dapat kong ikuwento... may I change the topic...

paminsan-minsan... naaalala pa rin kita....

at may ganu'ng segway!628r5y3weoitu3857r2[pri3p0e3poruw9asfw! isa lang ibig sabihin nun... hindi ko maexplain kung bakit biglang pumasok sa utak ko ang ganyang quotable quote. minsan kong nakuha ang linyang yan nung nakasakay ako sa isang jeep at tinutugtog ang awiting PAMINSAN-MINSAN ni Richard Reynoso. bigla akong napatulala sa minsang naalala ang mga walang kakuwenta-kuwentang nakaraan. papasok ako nun ng opisina. bigla akong natawa dahil may isang ahente sa office ang kumakanta ng ganung linya. what a co-incidence! hindi... kasabay ko kasi siyang sumakay ng jeep! at di kami magkakilala! narinig ko lang siya dahil malapit lang yung station ko sa kanya.

coz I'm dreamin of you tonight...

yan ang linyang nasa IPOD ko ngayon. kantang dreamin of you na pinasikat ni SELENA. Hindi tao ang dream ko... kundi ang total pay ko kaka-OT ngayong two weeks! hindi ito love story! kalakal lang po...

Alone....

kantang pinasikat ng HEART! ALONE! at ngayon... wala pa rin akong lovelife kaya alone...

sa lahat ng linyang napakinggan ko.. ito ang pinaka da best!

dadaan ang crush mo aqt biglang sasabihin mo sa kasamahan mo na itulak ka...
itutulak ka niya... pero hindi yung OA! iba ang tulak sa mudmod!
tapos obvious... madadapa ka...
sabay banat ng linyang..
SEE HOW I FALL FOR YOU...
(galing sa kasamahan kong tralala)

Tuesday, February 1, 2011

Mapaglinlang na Fairies

Alam ko... nasubukan mo na ring makipaglaban sa mga fairies. hindi lahat ng fairies mababait at magaganda. may mga masasama at mapaglinlang din na fairies.

Paggising ko kaninang alas dose ng tanghali, ramdam ko ang argumentong naglalaro sa aking isipan na ito ang araw ng pagtutuos para labanan ang mga fairies sa opisina namin. Ngunit mahina ang katawan ko ng mga oras na 'yun. Hindi na nga ako nakakain ng BRUNCH dahil wala ako sa tamang huwisyo at hindi ko feel maggagalaw ngayon.

Naligo ako at nag-ayos. ramdam ko pa rin ang kaba sa aking puso na hindi ito isang normal na araw. Pakiramadam ko na wari ito ay isang krusada ng buhay at bago ako magtagumpay sa labanang hindi ko naman ginusto, kailangan ko ng tatag ng loob at focus para magtagumpay sa gamitong uri ng pakikipagsapalaran.

Pumasok ako ng opisina. May nagbulong na sa'kin na paparating na sila na para bang sa pelikula ni Kris Aquino na "sukob". Kinabahan ako bigla. Nagtrabaho ng unti at makaraan ng ilang oras, napalingon ako sa kanang bahagi at nagtanong sa ka-officemate ko tungkol sa trabaho. Nagulat ako. habang kinakausap ko siya, mistulang hinihila ng mga fairies ang kaluluwa ng ka-officemate ko. Tumitirik ang kanyang mga matang may contact lens. Kailangan ko agad gumawa ng paraan para masagip ang kaluluwa ng kaibigan ko laban sa mga fairies. Hinila ko ulit pabalik sa katawang lupa niya ang kanyang naligaw na kaluluwa, naging ok naman siya pagkatapos. Normal naman sa kanya ang pagsama sa mga fairies. Siya ay ang ka-officemate ko na si Tin-Tin PARAS.

Matagal na kaming binalaan ng Trainer naming nagbebenta ng keso sa opisina na laging umaatake ang mga fairies lalo na sa work area at training rooms. Matagal na siyang nagkukuwento tungkol sa mga naglilipanang mga fairies at kusa ka nilang pinapasama pautungo sa kanilang paraiso.

kapag nararamdaman mo na ikaw ay groggy, at kumikislap na iyong mga mata, bigla kang napapasigaw ng wala namang boses na lumalabas sa iyong mga labi. o kaya naman napapasigaw ka na haaaayyyy.... senyales na ito ng pagpaparamdmam ng mga fairies. kapag patuloy kang nakakakita ng mga bagay na kumikinang sa flourescent lamp o kaya naman tingin mo sa mga ilaw ay mukha ng bituin sa langit. Sila na ang mga Faries na kinatatakutan mo.

Huwag sasama sa kanila. makipaglaban ka. Huwag mong hayaang kunin nila ang kaluluwa mo. Hindi lang sila makikita sa mga opisina at kahit sa eskwelahan ay mayroong mga naglilipanang fairies.

para tapusin ang kuwentong ito, ito lamang ay senyales na inaantok ka at gusto mong matulog pero hindi mo magawa dahil bawal.