Monday, November 15, 2010

senseless monday blues...

yeah... i'm counting the days and it seems like a burden in my part. I have to be honest... I dont want to hear farewell or goodbye. I just wanted to seize the days spending in this place. I know it hurts but I have to be firm. Everything is fine.

I was working the lay-out pages and somehow, I'm happy doing it (kahit stressed). The feeling that I have is not that good (ang bigat ng feeling) but I have to cope up! I'm almost done on the 9th and I'm planning to finish it tomorrow. The feeling that I have seems to be nostalgic and again... I have to cope up and say out loud... I'm ok!

My co-staffer has her so called premonition that I will not leaving on monday. Well... It's all planned, fixed and settled. It's in the hands of Cebu Pacific if I tampered my ticket or not! hehe! as I've said, it's final.

To be honest, I don't want to have despedida or farewell events. AGAIN, to be honest, I AM NOT EXPECTING! if ever they will have plans to have, first... I will never ever cry on that one! and second... just make sure na hindi ko malalaman... OR ELSE... my favorite song goes along this way... 1 little 2 little 3 little indians!

Oh I forgot! I will not go to the ofice anymore on thursday, friday, saturday and sunday for valid reasons. mayroon akong raket sa kasal, hari ng Negros and other stuffs as well. Baka kasi magkaroon nanaman ng premonition na nag-iinarte lang ako... well it's not!

To be honest... I really hate saying goodbye to some people whom i loved most. It's not easy for me at all... hope you understand. Mas mabuti pang mag-inuman kesa mag-emote... at least!! it's all about happiness!

BTW... I have something to share...

habang kausap ko si Tonz kanina, talking about chuvalerns chismax and chizms, di ko naman alam na nagdrawing nga ang hinayupak ng isang obra daw na galing sa kanya. natawa ako bigla sa drawing... anyway... thanx sa effort! I appreciate it!! hehe!

Thursday, November 11, 2010

One more week to go…

Hindi ako dapat mag-emote ng maaga… wala ako sa mood… hehe! Anyway, who cares? It’s my online diary after all… di ba?

I have no doubts at all. At least, kampante na ako na umalis at iwan ang lahat ng meron ako sa City of Gentle People. I have to start a new life and new perspective back to my hometown. I have no regrets kung bakit ako napaligaw sa isang lugar na di naman familiar sa’kin before. Wala akong bahid ng pagsisisi kung bakit naisipan kong lumayo sa lugar na kinalakihan ko. Wala!

Alam kong sobrang laki ng adjustment ang nagawa ko pero ganun talaga. I have to face it because I want to learn. Hindi lang ako nabighani sa preskong hangin at malinis na tubig. Mas lalo akong nabighani sa mga tao na alam ko na binigyan ko ng inspirasyon sa buhay at mga taong natulungan ko kahit maliit lang na tulong ang nabigay ko sa kanila.

Lahat ng tawanan, iyakan pati katarantaduhan, alam kong another memory for me to treasure. Lahat ng raket, pageant pati lamierda… nag-iwan sa’kin ng leksyon sa buhay at nagturo sa’kin na hindi madaling kumita ng pera at dapat mag-ingat kung san ka man magpunta.

Namulat ako sa mundo ng kahirapan at alam mo yung feeling na walang kang pera, yung walang wala ka na… emotionally stress ka minsan, tapos talamak pa ang mga taong may attitude problem and I have to deal with it. Isang mga eksena sa buhay ko na dito ko lang naranasan. My college years was indeed fun and exciting! kahit alam ko na pasaway akong estudyante, laging late, o kaya naman mega-absent, ang tinanghal na Icon of INC’s at dropped dahil tinatamad ng pasukin ang subject dahil sa mga walang kuwentang teachers… haha! I really miss doing it!

Dito rin ako unang nagkatrabaho. And I consider the fact na mabait naman ang management sa’kin and I have to strive hard to learn everything na hindi ko pa nagagawa before. Hahai… at least, I know I’m equipped na magkatrabaho! Haha! Experience is the best way para malaman mo lahat…

It’s not a farewell post… nor a thank you post sa mga taong nagmahal, minahal at mahal ko sa City of Gentle People. Probably, I’ll make one soon… at busy din ako sa mga Huling raket ko dito, (tulad nalang ng wedding, make-up, Hari ng Negros, at Zanzi bar haha!) baka di ko nanaman magawa… haha! Hahai! Kalerkey!

Well… my famous line…. ‘I”D BETTER GOTTA GO” dahil ayan nanaman ang walang kamatayang inuman sessions! Haha! Tara na at maglasing!

Thursday, November 4, 2010

naparanoid daw...

nangyari ito last week... pasensiya na sa delay ng post... hehe!

Last night, at dahil Friday night, I decided na makipag-inuman with my night friends. Honestly, mas gugustuhin ko pang magliwaliw kesa magmukmok sa bahay at maging paranoid sa kakaisip kung ano ba ang tamang gawin… basta!

One thing that I noticed was, maybe its co-incidence ata… parang ayaw akong paalisin! Maybe paranoid lang talaga ako kagabi dahil hindi naman ako lasing… tamang inom lang. pero ewan ko… ang bigat ng feeling kasi… ang bigat ng feeling na iiwan ko yung mga taong nakasama mo sa loob ng lima o anim na taon na pamamalagi ko rito sa City of Gentle People tapos iiwan ko pa silang hindi pa maayos ang lahat.

Kagabi, umais ako ng TN office bandang 8:00 ng gabi. Mas pinili kong maglakad para naman ma-feel ko ang last walk ko na ata sa downtown (parang mamatay lang). Nakasalubong ko isang kaibigang pangalanan natin na si Jojo. Hindi ko siya boyfriend at isa siyang Bisexual. Napansin ko agad ang isang supot na naglalaman ng costumes na gawa sa itim na seda o heavy satin. Tandang tanda ko pa ang ganu’ng klase ng disenyo at hitsura na tinuro sa’kin ni Tita Glieh. Siya ang nagturo sa’kin kung paano maglayer-layer at gunting-guntingin ang itim na seda at idikit ang mga ito sa pamamagitan ng Glue Gun. At ganu’ng disenyo ang nagtulak sa’kin para gawin ang mga costumes para sa pictorial namin ng Handurawan Issue sa TN.

Maingay ang paligid… puno ng tao at literal na maraming guys sa “Garahe”, isang lunggaan ng mga tomador ng red horse sa downtown. Habang busy akong nakikipagchikahan sa aking mga night friends, bigla akong napatigil dahil sa kantang “Here Without You”. Naalala ko tuloy kung paano kinanta ni Tonz ang kantang yun at mas nawindang ako dahil parehas pa sila ng timbre ng boses pati istilo ng kanta. Natawa ako bigla dahil nung kinanta yun ni Tonz sa seminar, hindi talaga maiwasan ang pagiging maharot at malikot ko ng mga araw na iyon… hyperactive kung baga! Naalala ko tuloy lahat ng kagaguhan at kaganapang maligalig pag nasa opisina man ako ng TN o sa ibang lugar na kasama ko sila.

Supposed to be, maaga dapat akong nagising ngayong araw na to. My nag-alok sa’kin ng isang raket kagabi… instant raket kung baga… pero nabigo kong siputin dahil na rin sa impluwensiya ng red horse… alam mo yung feeling na continuous ang pagtulog mo na kahit alarm clock, hindi mo na-feel na tumunog? Kaya wala akong choice kundi i-text nalang ang nag-alok ng raket sa’kin na hindi ko kayang sumipot kanina. Paggising ko, halos hilo pa ng onti, bigla akong naloka dahil nagititilian ang mga pamangkin ko sa bahay dahil kay Jun Pyo at sa iba pang f4 na cast. Inulit nanaman ang “Boys over Flowers” na koreanovela at ilang beses na itong inulit-ulit sa kapamilya network. Hindi ko na pinagalitan ang mga pamangkin ko. Hinayaan ko nalang silang tumili ng tumili kahit masakit s tenga. Naalala ko tuloy ang “Boys Over Flowers” remake namin sa TN na supersuper mega effort ang drama at ako pa ang ginawang Jan Dee… siyempre, murder ang character! Kahit ako, natatawa nalang ako sa videong yun. Kung gusto niyo Makita ang videong yun… check my profile sa FB… may nag-tag kasi sa’kin ng videong yun… hehe!

“Masakit, pero kailangang tanggapin…” ilan lamang sa mga linyang ginawa ko noon sa isang farewell party. Ngayon lang nag-sink-in sa’kin na hindi nga talaga madali ang pag-iwan sa mga taong tinuring mong pamilya at mga kapatid. As I’ve said, I have to set my own priorities…

Thursday, October 28, 2010

Priorities

I was making my post about the recent TN IPR which was happened last two or three weeks ago. And again, my mind wanted me to tell something which is unintentional for me to make(aw?) a choice that i have to make and boggles my mind for the past few months.

Yah! it does not shows that i was a bit problematic and it's not me after all. And the mere fact that I am always happy-go-lucky person, it probably stacked here in my heart... longing for my family and manage my own priorities.

I filed a resignation letter from a previous company... whom I loved for the past few months and honestly, I was not able to give it... (kaw na bahala Pam!) hehe! I will give it tomorrow so that my previous company will give me a COE after all. I just want to clarify that I really love my work. I love the people and the office but Mam Marie, my dearest boss told me that I have to settle my priorities.

Again, one question that boggles me... Would I quit in TN publication? or not? I was doing the lay-out of the paper for the past two days and I realized what Marvin jay Mupal told me last Sunday. "I told mu-resign na ka sa TN?" my heart was bleeding and it ended up staying in the publication with all the burdens and trials that we encountered. I am not sure if I am going to quit... right now... my heart tells me to settle my own priorities.

My plan is, I want to settle my life back in my hometown. my plan is, I want to stay in Dumaguete for two months... (I am longing for the lost cams to be resolved within this year). Before New Year, I want to have a good job... another life for me to move on...

anyway... it's just a plan... it can be changed after all... it does not mean that I will be leaving without fixing everything and put into right place. Wala sa bokabularyo ko ang mang-iwan sa ere! at wala sa isip ko ang mang-iwan nalang basta basta.

Anyway... it's not final... It can be changed...

Tuesday, October 12, 2010

pangungulila....





ayokong mag-emote... ayokong mag-inarte pero nilalamon ako ng isipan ko na maramdaman ang ganitong sitwasyon... ewan ko... so many things to consider, so many works to make and ang daming efforts ang kailangan gawin...

Here I am... stuck sa lay-out pc habang natutulog ang ibang staffers dito sa office. kasalukuyang tahimik ang opisina, ingay ng aircon lang ang maririnig at ang naghihingalong electric fan. Tahimik akong nakaupo. wlang magawa kundi gunamgunamin ang mga bagay bagay na dapat tapusin.

ayokong mag-emote pero eto ako. randam ang pangungulila ng mga magulang at kaisa-isang kapatid ko. ewan ko rin kung bakit. Sa loob ng limang taon, ngayon ko lang ulit naranasan ang pangangalaga at concern ng aking ina. Nagstay kasi siya ng mahigit sa tatlo o apat na buwan at eto na ang pinakamatagal na pagsasama naming dalawa. Kung nung una, kaya ko na mahiwalay sa mama ko... ngayon... hinahanap-hanap ko ang kanyang pangangalaga kahit hudas ang tingin niya sa'kin (paminsan minsan lang naman.

Nakakamiss ang hotdog at itlog na may sangag pa sa mesa tuwing umuuwi ako ng bahay. nakakamiss ang mga pagkaing choco mucho at sylvannas na laging dala ni mama kapag trip niya lang mamasyal sa Robi at downtown. Nakakamiss ang mga panahong katabi ko siya matulog dahil minsan lang mangyari ito sa loob ng isang linggo. Isang beses ng lang at yun ay ang araw ng linggo. Nakakamiss panoorin ang ina kong na-adik sa suertres dahil hindi naman talaga mahilig sa sugal si mama (weeeee?) yung tipong kapag nanalo ng five pesos... tuwang tuwa ang lola mo at megamicrophone ang drama pag-uwi ko ng bahay.

kaya minsan, mas gugustuhin ko pang mag-overnight sa office dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag umuuwi ako ng bahay.

kaarawan ng kapatid ko nung october 8 at eto naman ako, nakalimutan ng onti na borthday pala niya. Dalawa lang kaming magkapatid kaya hindi talaga maiiwasan ang pagiging closeness naming dalawa. Nakakagulat isipin na sa ngayon, kasabayan ko ng uminom ng red horse at iba pang nakakahilong likido na hindi ko lubos maisip na sarili niyang kuya, tinatagayan na at mas malakas pang uminom sa'kin! nakanang! nakakamiss ang ganu'ng happening. Ni minsan, hindi ko narinig sa kanya na kinahiya niya ako sa harap ng kaibigan niya... proud pa nga siya na may kuya siya at the same time time... instant ate pa... naaalala ko nga nung sinabi niya sa'kin na kapag nasa loob kami ng bahay, kuya ang itatawag niya... kapag nasa labas... ATE! supportive!

mahilig sa banda ang kapatid ko... mahilig din sa computer at dakilang adik din sa FB. Siya pa nga nag-impluwensiya sa mga awiting banda banda mapapinoy man o foreign. At proud kong sasabihin a kanya na AKO ANG NAG-IMPLUWENSIYA SA KANYA na sumali sa teatro at naaalala ko pa ang unang skit na ginawa ng grupo niya nung grade 6 pa siya... hehe!

nakakamiss ang mga sermon ni papa. hindi ako papa's girl at inaamin ko naman yun. pero sa totoo lang, masarap ang feeling na alam mo na mahal ka ng tatay mo. Handang dumamay sa'yo at kahit nadapa ka na sa lahat ng pagkakamali mo sa buhay, andyan siya, handang tumulong at gumabay sayo kahit hindi mo siya nakikita at nararamdaman. Inaamin ko na malaki ang galit ko nuon sa tatay ko dahil sa hindi maintindihang sitwasyon. Siyempre, kasagsagan ng adolescent period at puro pagrerebelde ang nasa isip... kapag tumatanda ka na, dun mo malalaman ang tunay na kahulugan kung bakit nagpasyang maging OFW si papa at iwan kami dito sa Pinas. sa totoo lang, bata pa ako nung mawalay ako sa tatay ko at dati, kung uuwi man siya ng Pinas, masaya ako dahil sa importedna pasalubong. Pero ngayon, masaya ako na umuuwi siya. dala ang pagmamahal na hinahanap ko isang ama. dala ang pag-asang mabubuo muli ang isang pamilya na ninanais kong maranasan habang buhay pa ako.

ngayon ko lang nararamdaman kung gaano kahirap mawalay sa pamilya nakalakihan mo ng husto. yung tipong kapag busy ka, hindi mo sila maisip dahil alam mo na mauuwian mo silang buhay sa bahay at ihahanda ka pa ng masasarap na pagkain. mahirap mahiwalay sa magulang at kapatid mo kung ikaw ay nasasaktan at nahihirapang umahon sa lahat ng pagsubok sa buhay... ang hirap hirap mag-isa lalo na kung bugbog ka na sa lahat trabaho at iba pang tasks na dapat mong gawin.

ngayon ko lang naramdaman na hindi ko pala kaya mahiwalay sa kanila... Sa lahat ng nakakabasa nito... kahit nakilala niyo akong tampalasang bata o kaya naman maldita... mas gugustuhin ko pang mahalin ng buo ang aking mama, papa at kapatid ko kesa mag-aksaya ng pagmamahal sa mga taong tanging kapalit lamang ay pera at materyal na bagay....

huhuhu...

Friday, October 8, 2010

dosage

# una, birthday ng kapatid ko ngayon... hapy bday bro... wish you all the best! iwasang uminom ng marami... balita ko, marunong ka na daw mag-yosi! wag! wag ka ng gumaya sa'kin... magkakasakit ka... di baleng ako nalang! masama sa pamilya! magastos na kung tayong dalawa marunong mag-yosi. at umuwi ng maaga. wag na rin gumaya sa'kin!

# bakit ang mga tao nowadays nahuhumaling sa pagasali ng pageant? sa bagay... kahit din naman ako... basta winnable ka lang... gow na!

# hindi madaling magdisenyo ng gown at festival costume... needs to have extensive research!

# kapag hindi ka na masaya sa trabaho mo... iwasan ang "gobyerno" syndrome. Pagpatak ng alas kuwatro ng hapon, makikipagchikahan o kaya naman inaantay ang alas singko at tumunganga ng bonggang bongga! hindi maganda! wala tayo sa city hall o kaya naman sa dswd! hehe!

# kung napapagod ka na sa buhay, wag mawalan ng pag-asa. maraming bagay ang mangyayari ng si mo inaasahan. dapat alert and prepared.

# wag maging aligaga! wag mag-iwan ng wallet sa pedicab. laging bantayan ang id at laging alert kung saan nilagay ang phone. wag maging tanga!

# kapag walang internet connection, wag ipilit! nakakabwisit lang ng araw!
Dosage...

# una, birthday ng kapatid ko ngayon... hapy bday bro... wish you all the best! iwasang uminom ng marami... balita ko, marunong ka na daw mag-yosi! wag! wag ka ng gumaya sa'kin... magkakasakit ka... di baleng ako nalang! masama sa pamilya! magastos na kung tayong dalawa marunong mag-yosi. at umuwi ng maaga. wag na rin gumaya sa'kin!

# bakit ang mga tao nowadays nahuhumaling sa pagasali ng pageant? sa bagay... kahit din naman ako... basta winnable ka lang... gow na!

# hindi madaling magdisenyo ng gown at festival costume... needs to have extensive research!

# kapag hindi ka na masaya sa trabaho mo... iwasan ang "gobyerno" syndrome. Pagpatak ng alas kuwatro ng hapon, makikipagchikahan o kaya naman inaantay ang alas singko at tumunganga ng bonggang bongga! hindi maganda! wala tayo sa city hall o kaya naman sa dswd! hehe!

# kung napapagod ka na sa buhay, wag mawalan ng pag-asa. maraming bagay ang mangyayari ng si mo inaasahan. dapat alert and prepared.

# wag maging aligaga! wag mag-iwan ng wallet sa pedicab. laging bantayan ang id at laging alert kung saan nilagay ang phone. wag maging tanga!

# kapag walang internet connection, wag ipilit! nakakabwisit lang ng araw!